Chapter 11: Goodbye Cadmus Academy

1.9K 107 4
                                    


THIRD PERSON POV

Nasundo na si Evor sa kanilang Akademya ng Cadmus. Maayos naman ang pag-alis niya. Nalaman nga noon ng magulang ang paglipat ni Evor sa ibang Akademya. Nalungkot naman ang mga magulang nito pero naging masaya din sila lalo na at lilipat a mas magandang eskwelahan si Evor. Alam nilang mas mabibigyan ang binata ng madaming impormasyon ukol sa totoo niyang kapangyarihan. Kakaiba kasi ang kapangyarihan niya kaya naman nahirapan din sila sa pagtuklas nito. Masyadong mataas na klase ng Summoning Magic ito na sobrang bihira lalo na't mga immortal being ang mga ito.

Kasalukuyang naglalakbay si Evor papunta sa Nasabing Akademya. Ito ay ang Vintouso Academy. Nakapaloob sa second rate kingdom ito. Di na ikinagulat ito dahil nalaman niya na ito sa mga Headmasters ukol dito. Di na siya makakapagtaka kung madami pang kaharian ang mapuntahan niya. Nalaman niya libo-libong mga kaharian ang nasa dimensyon ng Kranus. Gusto niyang pagkatapos niya nga ng pag-aaral sa Akademya ay nais niyang libutin ang Kranus Dimension. Alam niyang mas madami pa siyang hindi nalalaman kaya nais niyang matuklasan ang mga sikreto nakalihim sa dimensyong ito.

Madaming magagandang tanawin na nakita ni Evor. Masyadong kakaiba ang mga ito dahil sa lawak nito katulad na lamang ng isang talon/ falls na mala-higante ang lawak at saklaw nito. Malinaw ang mga anyong tubig na kitang kita sa daan hindi katulad ng siya ay nasa kagubatan na di mo makikita agad ang nakapaloob dito. Masyado siyang nawili sa kakatingin sa daanan kaya di niya namalayan na nakarating na pala sila sa Vintouso Academy. Napakaganda ng Akademyang ito lalo na't sa labas palang ay masasabi mo nang sobrang lawak na nito.Nalaman kong Castle Hall pala ang nakikita sa labas na halos nagpalaki ng mata niya. Siguradi siyang mas madami ang populasyon ng Akademyang ito kaysa sa Cadmus Academy.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Where stories live. Discover now