Chapter 23

1.9K 116 11
                                    

Dito na nag-umpisa ang Group Battle ng dalawang  panig.

Ordinaryong mamamayan laban sa Maharlikang mga Tao.

Nagkaroon ng distansya ang dalawang grupo tanda na hindi magpapatalo ang kahit na sino sa kanila. Sa mga mata nila makikita ang mga sinasabi nila na walang aatras at susuko sa labanang ito. Ang pagkatalo'y tanda ng pagiging mahina at hindi karapat-dapat sa mata ng diyosang nasa harapan nila.

Naging mas maalab pa ang mangyayari ng makita nila ang napakatamis na ngiti sa labi ni Nescafra na kanilang sinisinta. Tanging iisa lang ang mananalo sa kanila at magpapatunay lamang na sa kanila mapupunta ang napakagandang si Nescafra.

Dahil dito nagkaroon ng pagpaplano ang mga grupo at gumawa ng Summoning Formation.

Ang mga maharlikang grupo ay gumawa ng Formation. Dalawamput-isa lamang ang bilang nila ngunit ang kanilang ginawang Summoning Magic Art Formation ay napakatibay at perpekto.

Sabay-sabay silang nagsalita ng engkantasyon.

Far above the sky, witnessing Countless death and cries of human, Thandus, The Cavalry Sky Bird! Appear!

Mula sa nagkakapalang ulap lumas ang napakalaking ibon na makikita ang napakaamo nitong mukha.

Napatulala ang lahat, isang sky beast ito at itinuturing na isang tagapagbantay sa matataas na himpapawid.

Sa maamo nitong anyo ay nagtatago ang malahalimaw na pakikipagsagupaan sa anumang laban. Napakahusay nito sa labanan na kayang umubos ng mga naglalakasang mga halimaw at mga tao.

Ngunit hindi magpapatalo ang mga taong nasa kabilsng panjg.

Ang mga ordinaryong mga kalalakihan ay gumawa ng isang Forbidden Summoning Art Magic Technique.

Sabay-sabay din silang nagsambit ng engkantasyon.

"Bloody war, countless deaths of every being, bloodlust arises due to it's overwhelming power in air battle, Verion, The Curse Vermillion Sky Bird! Rise above the hell and crush your Opponents." Sabay na sambit ng tatlumpong katao na kabilang sa mga ordinaryong mamamayan.

Isa itosa  minanang forbidden technique ng isang sundalo na ipinapasa sa kanilang henerasyon. Kayang- kaya nitong makipagsabayan sa Cavalry Sky Bird.

nagkaroon ng malakas na paglindol at bumuka ang lupa sa dalawa. Ang bitak kanina'y nahati sa gitna, lumabas ang sobrang tingkad na kulay pulang ibon na may nanlilisik na mga mata.

Narinig ng lahat ang nakaktakot nitong tinig. Tinig ng handa ng sumagupa sa labanan.

Nananatili lamang silang nakatayo at angiba ay dumistansya malayo sa lupa kung saan gaganapin ang laban.

Ito ang labanan ng dalawang dambuhalang Sky Birds  sa himpapawid.

Agad na lumipad ang Curse Vermillion Sky Bird paimbabaw papunta sa langit. Agad din naging alerto ang Cavalry Sky Bird na isang blessed bird kumpara sa may sumpang ibon.

Nagpanging-abot ang dalawang Sky Birds sa himpapawid. Iba't ibang atake ang pinakawalan nito. 

Naging mabagsik ang kilos ng Cavalry Sky Bird sa Cursed Vermillion Sky Bird.

Bumuga ang Cavalry Sky Bird ng napakainit na Blue Flames na gustong tupukin ang Cursed Vermillion Sky Bird ngunit naiwasan ang napakamakapangyarihang atake ng Cavalry Sky Bird.

Agad na nagpaulan ng mga higanteng bolang apoy ang Cursed Vermillion Sky Bird na magkahalong kulay na Itim at pula na nagpapahayag na napakakaiba  ng pag-atake ng Vermillion Sky Bird.

Nagtamo ng pinsala ang Cavalry Sky Bird lalo pa't napakaraming higanteng bolang apoy ang direktang pinatama sa kanya. Ang iba ay naiwasan nito ngunit ang karamihan sa bolang apoy ay napinsala siya ng napakalaki.

Gumanti ang Cavalry Sky Bird at napakabayolente na nito ngayon. Nagpaulan ito ng atake sa pamamagitan matatalas na mga kuko na Tinatawag na Claw Shattering Technique na lubhang nagpinsala sa iba't ibang bahagi ng katawan ng Cursed Vermillion Sky Bird.

Nagtamo ito ng napakalaking mga sugat na animo'y gripo ang dugong patuloy na tumutulo sa mga malalaking sugat.

Parehas na sugstan ang mga ibon ngunit patuloy pa rin ito sa sagupaan nila sa himpapawid na nagdudulot ng malakas at marahas na paghampas ng mga hangin sa kapaligiran nila maging sa kalupaan.

Habang naglalaban ang dalawang naglalakasang mga Sky Birds ay nagkaroon ng mga paglallabang nangyayari sa kalupaan. Nakikipagbakbakan ang mga tatlumpong katao laban sa mga dalawampong katao. Gumamit sila ng kanilang iba't ibang kapangyarihan.

Nagsambit ng engkantasyon ang lider ng mga mamamayan.

"Through the Stars begun to die, a brightest star shall never be perish, I'm calling you Sadiya, The Fallen One!

Agad na makikita ang guardian ng lider ng mamamayan na nagngangalang Dino Haz.

Kilala siya dahil sa kanyang Star-Type na Guardian na si Sadiya.

Agad na kumislap ang isang bituin.

Nagkaroon ng malaking Magic Circlesa kalangitan. Agad na nagpakita si Sadiya, maganda ito ngunit kung ikukumpara kay Nescafra ay walang-wala ito.

My hawak si Sadiya ng isang napakaliwanag na wand na may isang batong parang bituin.

Agad ding nagtawag ang lider ng mga maharlikang grupo. Ang binatang naging hari sa isa sa mga imperyo ang lider ng grupo ng ito. Siya si Damian Golicht  na may matipunong pangangatawan at may maamong mukha na nabihag ng kagandahan ni Nescafra.

Agad siyang nagsambit ng mahabang engkantasyon.

Wrath of an evil shall be perish, all on its own path shall Die, a king of kings of the lands it see,  From the Void World, Zilan! I'm calling upon yoir name! Destroy them all!

Agad na may umatake sa grupo ng mga ordinaryong mamamayan. Makikita mo ang pagkagulat sa kanilang mukha. Hindi nila makita ang kalaban. Sumusuka sila ng mga dugo.

Paint Revealing Art!gumawa ng hand seal ang isang miyembro ng mga ordinaryong mamamayan na si Liv Nashano para makita ang kalaban.

Matagumpay na naisagawa angl Technique at nagakip nga ang salarin sa nag-atake sa kanila.
Ito ay ang Guardian ni Damian Golicht.

Mapanlinlang ito. Isang Void-Type Guardian, masyadong matinik ang Guardian na ito sapagkat nagagawa nitong maitago ang aura at katawan nito ngunit hindi na ito gagana pa. Mayroong nakadikit na pintura sa katawan nito.

Naglaban ang dalawang Guardian na si Sadiya laban kay Zilan makikita ang kanilang pagpupursiging manalo sa laban na ito.

Patuloy pa rin ang mga labanan sa kalupaan at himpapawid. Walang gustong magpatalo at walang gustong sumuko. Maraming sugatan ngunit patuloy pa rin silang lumalaban.

Samantala, malayo sa atensyon ng lahat. Nansatili lamang sa isang sulok si Evor. Ang mga mata niya'y magkaiba ang kulay.

Ang kaliwang mata niya ay kulay dilaw at ang kanang mata ay kulay ube.

Ang kulay dilaw na kaliwang mata ay galing sa kapangyarihan ng Phoenix. Na tinatawag na Phoenix Eye.

Ang kulay ube niyang mata ay ang Gorgon Eye.

Dalawang magkaiba ngunit makapangyarihang mga mata. Nagpapatunay lamang na unti-unti ng lumalabas ang lakas ni Evor.

Ang kaliwang mata niya ay nakapagbibigay buhay ngunit ang kanan niyang mata ay isang mapangwasak na kapangyarihan ang taglay.

Unti-unti ng nabubuksan ang bagong kabanata ng buhay niya.

Nalilito siya sa mga nangyayari, napakabilis ng oras kung saan mamamatay na siya ngunit nabuhay siyang muli.

Bakit napakasuwerte niya? O malas?

Ano ang pipiliin niyang landas?

Ang landas na puno ng pagsubok o ang landas ng pagsuko?

Magiging mapangwasak ba siya o magbibigay pag-asa sa sangkatauhan?

Panahon lamang ang makakapagsabi ng lahat ng ito.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon