Chapter 5: Start of the Battle

2.6K 144 9
                                    

Evor POV

Dumating na kami sa battle Area. Halos padami ng padami na rin ang mga estudyanteng dumadating ngayon kaya mamayang oras malamang ay mag-uumpisa na ang labanan?! Oo,labanan kasi tradisyon na dito sa Akademyang ito  na may labanan na mangyayari kada mag-umpisa ang pasukan. Kinakabahan man ay nae-excite din halos lahat ng estudyante dito. Kada oras ng training ay sama-samang pumupunta ang mga estudyante dito dahil yan ay rule para ipakita na nagkakaisa ang division namin at ganon din sa ibang division.

Habang nagmumuni-muni ako ay siya namang pagpasok ng mga grupo ng mga kilalang Class A,A+,S, at S+. Halos lahat ng nasa Class S at S+ ay mga  Royalties (mga anak ng hari at reyna ng mga kaharian o tribo). Maraming mga tagahanga ang Royalties kahit na halos lahat sila ay mga mayayabang at masasama ang ugali.

"Nandito na pala ang Lahat! Kaya simulan na natin ang pagpili ng lalaban sa bawat Class!" Masiglang sabi ng MC.

"Whoooa!!!!" Sigaw ng lahat ng Class liban sa aming Class C dahil na din sa palagi na kaming natatalo sa labanan laban sa matataas naman ang rank kaya wala ring mangyayari kahit  Dito kasi ay kami lagi ang unang pinupunterya ng kalaban o kaya ay pinagtutulungan.

Halos magkakaibigan ang Class S at S+ (most of them are royalties at malalakas) at Class A at A+ naman ang magkakampi. Kami lang ng Class C at Class B ang hindi nagkakasundo dahil ma-pride din ang mga ito at ayaw makisalamuha sa mabababang Class kagaya namin. At kapag natalo nila ang mga Class nang sanib pwersa ay sila naman ang maglalaban laban. Class S+ palagi ang nanalo sa labanan. Kung mapipili man ako ngaayon ay ito ay magiging unang laban ko sapagkat palaging mga bestfriend ko ang lumalaban para sa akin.

Di ko pa kasi noon kontrolado ang kapangyarihan ko kaya nga noong bakasyon ay nagtraining ako kaya napalabas ko ang pangatlo kong pet. Malalaman niyo rin yan mamaya.

"Ang grupo ko ang lalaban!" Puno ng kumpiyansa na  pagboboluntaryong sabi ni Matthew na galing sa Class A+.

"At kung pwede ay ako ang pipili ng magiging kalaban ko sa Class C!?!" dagdag na sabi ni Matthew Hogens.

Tumango naman ang MC na tanada ng kanyang pagsang-ayon.

"Pwede naman dahil parang wala naman ang magboboluntaryo sa Class C, sino bang gusto mong kalabanin?!" Tanong ng MC kay Matthew.

"Si Dion Claspior Lemnevor at ang baguhan niyang kasamahan sana dahil never pa naman yang nagpamalas ng Kapangyarihan yan dito!" Pagdidiin niya sa pangalan ko

"Hindi mo pwedeng galawin si Evor, Matthew! Binabalaan kita!" Galit na may pagbabanta sa boses ni Christoff na sinang-ayunan naman ng isa pa niyang bestfriend na si Davis.

"Wala na kayong magagawa!Nakalimutan niyo na parehas na tayong Class kaya manahimik nalang kayo!!!" Ganting sagot ni Matthew

Walang nagawa ang dalawang Bestfriends ni Evor kundi ang manahimik sa isang sulok.

"Tinatanggap ko ang hamon!"Pasigaw na sagot ko

"Woah, palaban! Mukhang exciting mamaya!" Sabik na sabi ng MC

Naghanap pa ako ng dalawang estudyante dahil  limang estudyante ang lalaban sa bawat Class. Kahit na natatakot sila ay gusto naman nilang mag-enjoy kahit na matalo sila. Sabay-sabay na maglalaban ang mga estudyante dito sa loob ng battle Area na pinapalibutan ng napakalakas at napakatibay na barrier.

"Kami naman sa Class S+" bored na sabi naman ni Prince Kiro (Moon Manipulator) na isang royalty.

"Ang grupo ko ang lalaban sa Class S!" Mataray na sabi ni Princes Anelia, (Demon manipulator)

"Ako ang pinakamagaling sa lahat sa Class A!" mayabang na sabi ni Axel (Earth Manipulator,l evel 517) which di naman totoo (A/N: hahaha... Hangin!).





Third PoV

Sinimalan na ang laban kaya pumasok na ang lahat at sila ay nagteleport kasama ang kani-kanilang grupo. Halos magkakatabi ang mga magkasinglakas na Class kaya malamang magkakampihan sila para unahin ang mga mas mabababang rank kaya alam na naming ang Class B at Class C (kami) ang pupuntiryahin kaya nga alerto kami ngayon. Ayaw kasi nilang manalo ang Mababa kaya uubusin nila kami bago sila maglaban-laban. Minamaliit kasi ang aming rank kaya ganon nalang sila. Ayaw nilang mapahiya ang magulang at angkan nila,in short ma-Pride! Halos lahat sila ay masasama ang ugali dahil na din lumaki na rin ang mga ulo nila dahil sa taglay nilang kapangyarihan kaya lahat ng mababa sa kanila ay itinuturing nilang mga laggam at kuto. Wala kaming magagawa dahil para sa kanila ganon naman talaga wala kaming kwenta. Parang halos buhay namin ay parang gusto nalang kitilin pero hindi kami maging ako ay hindi basta basta magpapatalo sa kanila. Kahit minsan ay nararamdaman namin na may special treatment na ibinibigay sa kanila, ni hindi nagrereklamo pero kami ang nagbebenepisyo ay dami nilang sinasabi palibhasa daw mabababa ang rank at mga mahihirap pa na hindi na daw kailangan ng special treatment, kahit ganoon ay pinapatagos nalang namin sa labas ng tainga ang mga ito.

Kaya sa laban ibibigay ko o namin ang lahat ng best namin para manalo. Hindi kami papayag na ganun nalang kami habang buhay ang maging papel namin sa buhay na paulit-ulit na lang na inaapakan kami parang ano nalang, ganun na lang bah?! Parang dumi lang kami?! Na parang kung kailan lang kami gusto kaming kantiin ganun-ganun nalang?! Gusto din namin ng pagbabago, na hindi lang sa treatment kundi ay ituring din kaming parang tao, na nabubuhay din, yung masasabi mong nakakahinga din ng hangin parehas sa kanila. Gusto namin ng pagkakapantay-pantay na parehas sa lahat kaya lalaban kami hanggang wakas

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Where stories live. Discover now