Chapter 19

1.8K 107 7
                                    

        

Dedicated to JeYaNG-o4o9
citys_11jhuco5albiej07amezaceICEEXOChibichidiiSkyEspiritu


Nakakamangha ang naging unang laban. Halos atakehin ako sa muntikang killer moves na yun!" Nagniningning pa ring mata ang mata na halos hindi pa rin naka-move on sa pangyayari kani-kanina lamang.


Maging ang iba ay shock and amaze pa rin lalo pa't sobrang cool at pasuspense na pagtatapos ng laban Kaya't sino ang hindi magugulat?

Minabuti nilang manood pang muli lalo pa't una pa lang ay nakakamangha na, ano pa kaya ang magiging susunod na duelo?

Lahat ng atensyon ngayon ay tutok na tutok na ngayon lalo pa't kapana- panabik pa rin ang mangyayari maya-maya lamang.

Di na pinatagal pa at nag umpisa ng magbunot at magtawag ng lalaban sa dalawang magkaibang panig.

"Gino De Flanca ng Faction Vintous laban kay Viton Duano ng Faction Unisus"

Masigabong na mga hiyawan ang maririnig sa paligid sa ibaba ng malawak ng entablado. Isa si Viton Duano sa heartthrob ng eskwelahang ito at Sikat rin si Gino De Flanca sa angkin nitong galing sa mahika.

Walang gustong magpatalo lalo pa't labanan ito ng magagaling at ayaw nilang umuwing talunan dahil na rin sa magiging kahihiyan na matatanggap nila na nagpaalab sa damdamin nilang manalo sa laban.

Viton, We love You!

Gino, wag kang papatalo!

Tol Gino, tapusin mo na agad yan!

Viton, ipanalo mo yan babe para sa future babies natin! sigaw ng isang magandang dalaga na may mapupulang mga pisngi.

Hoy babae, Walang sayo, isang kabit at sakit na pumigil sa pagmamahalan namin, ang hahadlang sa pagmamahalan namin ay aking papatayin! Hyahhh!!! Sigaw ng babaeng na humagis ng madaming mga espada galing sa kawalan at patugo ito sa direksyon ni Veronica. Ang pangalan ng napakagandang babaeng ito ay Clarisse Miorre

Mabuti na lamang at nailagan ng babaeng si Veronica may gusto rin kay Viton ang paunang malakas na atake kung kaya't wala siyang natamong pinsala

Lumipad ang dalawang babae sa himpapawid na sakop ng malawak na entablado.

Nagalit ang babaeng ito nagngangalang Veronica lalo pa't muntik na siyang masunog. Ayaw na ayaw niyang patamaan o matamaan kanyang magandang mukha kaya di niya mapigilang gumanti ng atake. Binugahan niya ito ng malakas na apoy.

Isa na itong all-out war lalo pa't ipapakita niya na siya ang karapat-dapat kay Viton. Ipaglalaban niya nag pag-ibig niya para kay Viton laban sa Mortal niyang kaaway na si Veronica.

Agad siyang nagsambit ng Engkantasyon at tinawag ang Guardian niya.

"Back to what All things are meant to encounter great havoc, since the reality is a never ending battle, one can succeed and one is to defeat...
Open the Cresian World, Queen of the Never ending battle Swisha! Devour!" Sigaw niya ng puno ng galit

Mahabang katahimikan ang namuo sa mga oras na ito pero  mas naging masaya ang lahat lalo pa't ngayon lamang nagkaroon ng mainit na tagpo dahil ngayon lamang nagalit ng husto si Clarisse kay Veronica at ganon rin si Veronica. Maraming humihiyaw upang suportahan ang kanilang iniidolo lalo na ang mga kalalakihang may gusto sa dalawang ito.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Where stories live. Discover now