Chapter 28

2.1K 106 6
                                    


Ngunit sa hindi inaasahang pangyayaring ay unti-unting nagkaroon ng pagbabago sa loob ng Magic Circle na kung saan ay patuloy itong umiikot.

Ang nakakasilaw na liwanag ay unti-unti na ring humihina kung saan lumitaw ang kayumangging kulay nito. Ang mga lupa na nasa loob ng higanteng Magic Circle ay unti-unti naring umiikot kung saan nakikita na umaangat ang kaninang bolang apoy na kulay bughaw.

Halos may sariling isip ang mga kakaibang kalseng lupang pilit na gumagapang sa bawat bahagi ng kabuuan ng bolang apoy. Nagniningas ang bawat parte ng bolang apoy. Kung sinuman ang makakakita ay kikilabutan at mamamahangha lalo pa't ang ganitong pangyayari ay hindi pangkaraniwang pangyayaring maaaring magdulot ng sigalot sa ibang mga kontinente at dimensyon.

Hindi maipagkakailang ang lakas ni Evor ay hindi maihahalintulad sa kahit na sinuman sa kontinenteng ito.

Napakalaki ng Magic Circle na kung saan ay napakatahimik nito na wari'y walang ginagawang rituwal sa lugar na ito na siya ngayong naging purong kapatagan na lamang na kung sinuman na makakakita ng eksaktong lugar dito ay masasaksihan niya ngayon ang lakas ng isang Napakalaking Magic Circle na ito.

Sa lawak na lugar na ito ay aakalain mong ang gumawa ng rituwal ay maraming mga Magic User ang nagsagawa nito.

Pero nagawa lamang ito ng tao?

Talagang napakaimposibleng bagay para sa kanila ngunit para kay Evor ay posible na ngayon ngayon lamang ay nagawa nito.

Ang kaninang malumanay na pag-ikot ng lupa sa bawat bolang apoy na kulay bughaw ay naging marahas ang naging kilos na siyang nagreresulta ng mga paglakas ng ihip ng hangin sa napakagulong ayos nito. Hindi maipagkakailang sobrang kakaiba ang paggalaw nito kahit na napakagulo ng pangyayaring ito

Isang nakakasilaw na liwanag ang unti-unting bumalot sa lugar. Walang ano-ano pa'y lumabas ang napakalaking ibong may anim na pakpak na kulay kayumanggi na siyang lumipad patungo sa itaas ng himpapawid.

Hindi ito isang panaginip lamang. Talagang kamangha-mangha ang pangyayaring ito. Isang himala kung iisipin ngunit ang pangyayaring ito ay kitang-kita ng dalawang mata ni Evor na kahit siya'y ikinalaglag panga niya.

May kaunting pagbabago sa sukat at kulay ng Phoenix na si Phoenuro ngunit ang pagbabago nito ay naging palaisipan pa rin lalo pa't bakit nangyari ito? Maraming paring katanungan sa isip niya ngunit wala pa siyang nahanap na impormasyon ukol dito.

Ang tanging magagawa lamang ni Evor ay sumabay sa agos ng mga pangyayaring ito na siyang gumimbal sa kanya kani-kanina lamang .

Pumapagas ang pakpak ng maalamat na Phoenix kung saan kitang-kita ni Evor ang pagpagaspas ng kulay tsokolateng pakpak ni Phoenuro. Hindi maipagkakailang malaki at napakaganda ng bagong kulay na mga balahibo nito na animo'y isang napakasagradong nilalang na kung saan ay naglalabas ng kakaibang enerhiya ito na pumapayapa sa pakiramdam ng kahit na sino.

Patuloy parin ang pagliwanag ang Magic Circle kung saan ngayon ay unti-unti na ring humihina hanggang sa kitang-kita ni Evor ang lahat ng pangyayaring nagaganap dito.

Nagulat na lamang siya na parang nagkakaroon ng hulma ang bawat bolang apoy na kani-kanina lamang ay parang mauupos na ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayaring sumalungat sa takbo ng mga kaganapan ay muling tumingkad at patuloy na tumitingkad ang kulay asul na apoy na hugis bola.

Halatang may kung anumang bagay na pilit kumokonekta sa bolang apoy na siyang espiritu ng namayapa, mapa-estudyante man o hindi.

Agad na bumalot ang kakaibang hugis ng lupa na siyang pilit na humuhulma at nakikipagsanib sa bolang apoy na siyang ikinatagumpay nito.

Nang matapos ang pagsasagawa ng rituwal ay naririnig sa kapaligiran na sakop ng labanan kani-kanina lamang ay napuno ng mg iyakan ng mga sanggol.

Kahit saan ka lumingon ay maraming mga sanggol na kung saan ay isang himala ang nangyayaring ito.

NAGTAGUMPAY?

Ito ang isa sa kani-kanina lamang sa mga maraming katanungan na unti-unting nagbibigay ng kasagutan kay Evor.

"Nagtagumpay ako, Nagtagumpay kami, Nagtagumpay kami!, Hahahahahahahahahahaahahahahahahahaha! " sabi ni Evor na unti-unting lumalakas ang kanyang pagkasabi na animo'y baliw habang patuloy na sinasambit ang mga kataga na patuloy niyang tinatamasa ang kanyang tagumpay.


Siya na lamang ang natitirang nakatayo sa animo'y malawak na kapatagan na ni  isang bakas ng labanan ay wala kang mahahagip.

Ang kanyang mga alagang Mythical Creatures ay hindi niya makita maliban na lamang sa maalamat na Phoenix na si Phoenuro.

Patuloy pa rin ito sa paglipad sa himpapawid na animo'y tinatamasa ang kapayapaang dulot ng lugar na ito. May malumanay itong paglipad na siyang masasabi mong napakaganda ng tanawing makikita mo ngayon.

Sa kabilang banda....

Mula sa malayo ay maririnig ang mga tunog ng kalesa samahan pa ang mabilis na pagtakbo ng mga kabayo.

Maraming mga taong sakay ng mga kabayo maging ang mga nasa loob ng kalesa na nagsisigawan na mahahalata sa mga boses nila ang pag-aalala lalo na sa nagyaring masiklab na labanan.

Ang mga tao ay may dalang mga iba't ibang sandata para lumaban ngunit ang naabutan nila ay hindi nila inaasahan.

Kahit na nasa malayo pa lamang ang mga taong tutulong sa labanan ay maririnig pa rin nila ang mga iyak ng bata. Hindi nila alam ang nangyayari lalo pa't isa itong digmaan?

Inaasahan sana nilang maraming mga pinsala maging ang mga patayan ang nagaganap sa kasalukuyan ngunit hindi.

Marami rin silang nabubuong mga katanungan sa kanilang isip  ngunit ipinagsawalang kibo na lamang nila ito.

Nang makarating sila sa lugar kung saan nagkaroon ng masiklab na labanan ay animo'y isang kapatagan na walang bakas ng anumang mga laban o kahit na marahas na mga pangyayari kani-kanina lamang.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayaring ito ay nahagip ng lahat ng mga tao ang nag-iisang misteryosong lalaki na nakatayo sa gitna ng may kapatagan na lugar na ito.

Walang galang na Ginoo ngunit ano ang nangyari sa lugar na ito? Namali ba kami ng pinuntahan? Sabi ng isang taong kanina pang puno ang isipan nito ng mga katanungan.

"Ang nangyari sa lugar na ito ay pawang kahindik-hindik sapagkat ang mga batang itong nasa harapan ninyo ay ang mga estudyante at mga Opisyales ng Vintouso Academy na naging mga sanggol na lamang at kararating ko lang din sa lugar na ito kung kaya't hindi ko naabutan ang tunay na nangyari sa lugar na ito." Mahabang paliwanag ni Evor sa isang medyo may katandaang lalaki na nagtanong sa kanya.

Mababakasan mo pa rin ang boses ni Evor ang kanyang pagiging magalang at mahinahon na ang totoo'y nagsisinungaling lamang siya ngunit lumalabas na parang katotohanan ang sinasabi niya dahil na rin sa pagiging mahinahon niya.

"Ganoon ba Ginoo? Kung gayon ay nais nais namin sanang dalhin ang mga sanggol sa isa sa  first Rate kingdom siyang mag-aalaga sa mga bata. Sa lagay mo ngayon ay mahihirapan kang dalhin o maging ang pag-alaga sa maraming mga sanggol ay napakahirap na gawain. Asahan mong ang aming pagtulong ay walang kalakip na kasamaan o kapintasan. " Sinserong pagkakasabi ng medyo nay katandaang lalaki na siyang umani ng mga pagsang-ayon sa mga kasama nitong tutulong sana sa Vintouso Academy.

Hindi na tumanggi si Evor sa hindi inaasahang tulong na dumating sa labanang ito. Tunay ngang may mabubuting mga tao pa rin ang nabubuhay sa mundong ito.

Nagkaroon ng pagkabuo ng tiwala sa  mga taong nasa harapan ni Evor s kanyang puso na alam niyang lahat ng dumating sa lugar na ito ay handang ibuwis ang buhay nila alang-alang sa pagtanggol sa mga estudyanteng na ang tanging iisang mithiin nila ay ang pagkakaroon ng mga pantay na pagtrato sa hindi makatarungang uri ng labananaging ang estado sa lipunan.


Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon