Chapter 24

2K 113 28
                                    

Nagpatuloy nag naglalagablab na labanan ng dalawang panig ng kalalakihan para makuha ang puso at maging ang aten na itinuturing nilang diyosa ng kani-kanilang puso na si Nescafra.

Sa kabilang banda, ang mga kababaihang estudyante na kabilang sa Spiral Academy na magaganda na naiinggit sa napakagandang babae sa kanilang harapan.

Kung ikukumpara ang naggagandahang mukha nila ay magmumukha lamang silang payaso sa marikit at malaporselanang balat nila.

Sa inngit nila ay pinaulanan ng mga babaeng estudyante ng Spiral Academy ng mga sari-saring mga batikos at pang-uuyam si Nescafra dahil sa naagawan sila ng atensyon.

Retokada!

Hampaslupa!

Hanggang mukha ka lang!

Hindi kagandahan!

Ilan lamang ito sa mga sinasabi at isinisigaw ng mga kababaihang nilamon na ng inggit, selos at galit dahil sa pagkuha ni Nescafra ng lahat ng atensyon sa mga kalalakihan.

Malayo ang pwestong mga kababaihan na halos lahat ay galing sa Spiral Academy kung Kaya't ang mga sinassabi nila ay hindi naririnig sa pwesto ng mga kalalakihan maging ang mga kalalakihang nagkokompetensiya at sumali sa labanan. Masuwerte pa rin ang mga kababaihang nagsasalita ng mga masama laban kay Nescafra dahil kung narinig nila ito ay kahit sino pa sila ay lalabanan nila ito dahil para sa kanila ay isa itong diyosa na  bumaba sa langit at hindi pwedeng insultuhin. Sa ekspresyon pa lamang ng mga mukha ng mga kalalakihang naglalaban at humahanga sa kagandahang taglay ni Nescafra ay seryoso at totoong handang labanan ang kahit sino maging ang mga kababaihang may matabil ang dila.

Hindi man naririnig ng mga kalalakihan ang mga sinabi ng mga kababaihan ay malinaw itong maririnig ni Nescafra. Hindi lamang siya lubos na gumanda kundi ay pati ang kanyang kanilang mga katangian ay lubos na nag-iba din at nadagdagan. Ito na ang huling Transformation form niya o maging ang lahat ng tagangapangalaga ni Evor.

Hindi niya na lamang papatulan ang mga sa tingin niya ay mahihinang mga nilalang dahil wala siyang patayin ang mga ito dahil magagalit sa kaniya si Evor. Ninanamnam niya nalang ang huling sandali na ito.


Mula sa himpapawid ay biglang umilaw ang isang kuly itim na Magic Circles na may Apat na patong. Malayo ito sa magulo at madugong laban ng mga kalalakihan at masyadong alerto at abala ang mga ito. Tanging ang mga kababaihan lamang ang nakakita ng kaganapang ito.

Nakakasilaw na liwanag ang makikita sa kalangitan na halos lahat ng kababaihan ay nagulat sa nangyayaring ito at alerto sa maaaring lumabas na nilalang. Wala ni isamg gumalaw sa kani-kanilang puwesto maging ang kaniang pagsasabi ng maaanghang na salita laban kay Nescafra ay natigil.

Nagmaamtyag ang lahat at tutok na tutok sila sa nilalang na lalabas. Halos lahat sila ay nagkaroon ng pangamba at takot para sa kani-kanilang buhay. Nasa delikado na,silang sitwasyon kung kaya't konti at maling galaw lamang ay manganganib na ang kanilang buhay sa sitwasyong ito.

Unti-unti ng bumalik sa normal ang lahat at humupa na rin ang nakakasilaw na liwanag kani-kanina lamang.

Ang nakikita lamang nila ay ang maitim na usok na unti-unti na ring nawawala at bumulaga sa harapan ng mga kababaihan ang isang napakagwapong nilalang na sa tingin nila'y walang makakapantay sa kagwapuhan nito maging sa kakisigan nito ay kakaiba rin ang dating nito sa harapan ng mga kababaihan.

Unti-unting bumaba ito mula sa himpapawid at tumuntong sa mataas at malaking bato na nakaharap sa mga kababaihan.

Halos lahat ay namula ng masulyapan nila ang napagwapong nilalang na nasa harapan nila. Isang biyaya ang maituturing nila dito lalo pa't pangarap ng lahat ng mga kababaihan ng jsang perpektong lalaki at ngayon ay nasa harapan na nila ito.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon