Chapter 10: The Meeting

2K 115 3
                                    

HEADMASTER POV

Nagulat na lamang ako ng malamang gusto ng pamunuan ng Vintouso Academy na kunin si Evor, ayaw niya man pero nakabubuti naman ito. Masyadong naging malakas ang binata na mayroong kataka-takang lebel. Alam naming hindi siya ordinaryong binata, masyadong misteryoso sapagkat nakapangingilabot ang kapangyarihan niya na kahit ako man ay nakaramdam ng takot sapagkat masyadong malakas ang kaniyang nasu-summon na mga halimaw.

Kahit sino ay hindi pa alam kung anong klaseng summoning magic ang kaya nito. Na kahit pagtulungan man ng kanyang mga estudyante sa kahit saang division ng Akademyang ito ay walang binatbat sa kaya nito.


Alam niyang di pa gaanong hasa ang binata na baka magdulot pa ng malaking pinsala dito Cadmus Academy. Napakatalentado niya man pero kulang pa siya sa training na siyang mas magpapalakas sa binatang ito. Hindi ko nga mawari kong gifted or cursed child ang batang ito. Di ko papangunahan ang lahat.

Kasalukuyan akong nakikipag-meeting sa pamunuan ng Vintouso Academy. Kasama ko ang aking Sekretaya na kababata ko din. Madami kaming napagtalunan lalo na ang mga magiging kondisyon ng bawat panig namin. Isa na dito na hayaan ang binata sa kagustuhan niya at wag pilitin ang binat at madami pang mga alituntunin kaming napag-usapan.

Alam naming mahihirapan ang binata sa pag adjust lalo na't nasa kalahating semester na ito ng school year. At lalong hindi ko papayagan na sa ibang division ng Akademya ng Cadmus siya mapunta dahil kahit ang school ay di kayang protektahan ang ganitong klaseng abilidad. Ibang iba ito sa Summoning Magic ng iba or rather than to say na mas malakas ang kapangyarihan ni Evor kay napakadelikado ito baka magdulot pa ito ng sigalot lalo na't di kapani-paniwala ang lebel niya. Masyadong mababa baka nga hindi nito kayang sukatin ang abilidad nito.

Pero minabuti naming mga Headmasters ng Akademyang ito na ipaubaya sa mas malakas at mas magandang Akademyang ito. Madami na ding mga estudyante silang kinuha dito pero alam kong kakaiba si Evor sa mga ito. Wala naman kaming plano na pigilan lalo na at mas ikabubuti ito ng aming estudyante. Mas magiging kilala sila sa lahat. Iba ang kanilang sistema doon pero mas mabuti iyon kaysa sa amin dito.


Malungkot man sa amin na mawalan ng estudyante pero mas mas mabuti na yun. Alam kong kumikilos din ang magic Council para mangalap ng impormasyon ukol sa makapangyarihan at talentadong mga estudyanteng pwedeng maging susunod na miyembro ng Organisasyong ito. Sana maging ligtas siya sa pagsisimula ng kaniyang panibagong kabanata.





Evor POV


Nakakalungkot ang balitang narinig ko mula sa mga Headmasters ng iba't ibang dibisyon ng Cadmus Academy. Maraming impormasyon pa kong nalaman. Maraming mga klasipikasyon pala ang mga kaharian, tao, at siyudad at iba pa na lubos kong ikinatuwa. Madami pa pala akong hindi alam o mas sabihing isang sekretong impormasyon na lubos kong ikinatuwa.

Ipinaalam nila sa akin ngayon palang dahil alam nilang mas madami pa kong malalaman higit pa dun. Nalaman ko din na mas malakas at prestirhiyoso ang Vintouso Academy kaysa sa Cadmus Academy. Buo na ang desisyon nila kaya wala na kong magagawa. Maraming mga malalakas na taong may abilidad doon kaya gusto ko pang lumakas lalo na at alam kong kailangan kong maging malakas para maprotektahan ko ang mga mahal ko sa buhay.


Ito na ang bagong simula ko sa Vintouso Academy. Pero maiiwan ko ang mga naging kaibigan ko at alam kong mas delikado kung dito pa din ako dahil marami ng natakot sakin dahil sa malakas kung kapangyarihan. Magpapadala nalang ako sa agos ng buhay. Nangangarap din ako na makikita ko ang totoo kong mga magulang.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Where stories live. Discover now