Chapter 25

2K 125 16
                                    

Isa or dalawang mahabang chapters nalang ... Goodbye na ba for Volume 1?

HAPPY READING!😂

_______________________________________

Nagkaroon ng matitinding labanan sa pagitan ng mga kalalakihan at maging ng mga kababaihan na patuloy sa pag-asam ng tagumpay sa hindi mapapantayang premyo.

Hindi ito materyal na bagay dahil ang mga ito'y mga nilalang na kahit sila ay naaakit na makipagsagupaan sa kalunos-lunos na labanang ito na nagpapatunay lamang na ibibigay nila ang lahat ng makakaya nila upang mapagtagumpayan ang kahit na sino sa mga kalaban nila.

Kahit ang mga naging kaibigan nila ay hindi na nila pinapaburan. Bawat isa ay iniisipna walang kaibi-kaibigan  ngayon.

Walang nag-aatim na ibaba ang depensa nila maging ang naturingan nilang mga kaibigan ay iniisipan nila ng masama na nagpapatunay lamang na mas mahalaga ang papremyo kaysa sa kanilamg mga relasyon na magkaibigan o kaklase.

Walang pinipili ang iba. Marami ng nakisawsaw sa labanan mapababae man o lalaki. Para sa kanila wala ng tsansa kung hahayaan lamang nila ito.

Hindi lamang isang karuwagan para sa kanila kundi maging ang pinakapangarap nilang makasama na tanging tingin lamang ang kanilang magagawa pero ngayon na may tsansa na ay kukuhain na nila ito.

Hindi sila papayag na magdiriwang ang maski isa sa kanila para sa iba kahit na kaibigan nila ito. Mas sinasabi nilang hindi nila ito deserve na maging katuwang nila ang maganda at makisig na lalaki sa harapan nila.

Walang gustong magpatalo, magiging isang karangalan kung magiging katipan nila ang mga ito (si Kreio at Nescafra).

"Palay na mismo ang lumapit, tatanggi ka pa ba?" , Ito ang karamihan sa mga sinasabi ng kanilang utak. Kung sinuman ang gagawa ng hakbang ay kanila, haharapin nila ang bagsik ng bawat isa na  nandito

Kahit na may pag-aalinlangan ang halos lahat ay hindi sila susuko dahi nasa mga average lamang sila isama pa ang karamihan ay mga ordinaryo lamang. Isa itong labanan kung Kaya't hindi sila dapat panghinaan ng loob.

Isang kahihiyan kung aatras ang kung sino man. Lahat ay may taglay na kalakasan maging ang pagiging maparaan sa laban ay isang kalamangan ng iba lalo na sa pagawa ng mga plano maging ang estratehiyang gagamitin mo ay mas mataas ang tsansang mananalo ka.

Halata na sa mukha ng lahat ang kaseryosohan maging ang depensa ay halos nakataas na at abot na pinakalimitasyon nito patunay na sa labanang ito hindi maiiwasan ang mga masasaktan, madadamay o kaya ay makitil ang buhay. Isang patunay na ang pag- take ng mga risk sa gaganaping laban at sagupaang ito ay hindi na mapipigilan.


Halos lahat ng mga estudyante ay nagulat sa mga matitindi at malalakas na mga atake na nagdudulot ng matitinding mga pagsabog. Iilan ay sugatan at ang ibang napuruhan ay agad na umatras at lumabas na ng battleground.

Hindi maitatangging malakas ang mga atake ng ibang mga kalaban lalo ang mga mahuhusay sa mga opensa maging ang ibang depensa ng mga tao ay nawasak tanda na masakit ang mga kapangyarihan sa matatamaang mga tao maging ang kanilang mga balat ay siguradong magdudulot ito ng mga lapnos, hiwa at iba pang klaseng sugat.

Tunay na sobrang gulo ng sitwasyong ito at patuloy na lumalala. Halos lahat ay mababakasan ng mga dugo maging ang iba'y naliligo na sa sariling dugo o kaya ay dugo ng mga nasugatan o napatay nila.

Sa naging labanan ng bawat magkakalaban na grupo ay unti-unti na ring nababawasan hindi dahil sa mahina ang mga miyembro nito kundi ay maraming mga taong sumali ang unti-unting lumalabas ang totoong ugali maging ang pagiging ganid nila sa hindi matutimbasang parangal sa magtagumpay kung kaya't naisip ng iba na sumali sa iba at tumira ng patalikod para mabawasan ang mga kalaban nila na posibleng makakahadlang sa kanilang tagumpay.

Patunay na plano ng ibang grupo ng estudyante ng Spiral Academy. Wala silang sini-sino, Kaya't ang pagpatay ay normal na lamang sa kanila kahit na ngayon lamang nila ito nagawa. Wala silang pakialam sa mga taong nasa paligid nila maging ang mga tinuring nilang mga,kaibigan ay wala silang pakialam kahit na kalunos-lunos ang itsura, ay hindi nila  ito kinaawaan.

Sino ang maaawa?

Sila ba?


Ang mundo ng ito ay puno ng misteryo at hiwaga. Inaral at itinanim na sa bawat isa na tanging malalakas lamang ang pwedeng mabuhay.

Ang mabuhay ay kalunos-lunos para sa iba pero kung malakas ay wala kang kinakatakutan.

Paano pa sila maging patas kung ang kinalakihan nila ay napuno ng karahasan. Hindi mo maisip na lahat ng tinuro sa kanila ay upang maitanim sa kanilang puso na walang kaibi-kaibigan pagdating sa napakahalagang bagay.

May karapatan ba ang mahihina na mabuhay?

Oo at hindi lamang ang Sagot nila para dito.

Hindi dahil ang mahina ay walang kwenta para sa kanila. Isang patapon na walang halaga dahil simula pa lamang ng maliit sila ay ito ang sinasabi ng kanilang magulang. Kinamulatan at wag maging mahina.


Oo, dahil para sa kanila mas bagay pa sa mga mahihina ang maging alipin na kung saan ay maging sunod-sunuran sila sa pwedeng mangyari ng nagmamay-ari sa kanila.

Masakit na katotohanan ito lalo na sa mga kababaihang ginawang alipin kaysa sa mga kalalakihan.

Ginawa ang mga kababaihang mga alipin lalo na ang mga mahihirap upang gawing pampalipas ng aliw.

Masakit na katotohanan ito na nakatatak na sa lahat. Ito ang patunay na dapat na magsumikap ang lahat ng mamamayan ng mundong ito.

Samantala...

Nalungkot si Evor sa mga nangyayari ngayon. Hindi na  nakakatuwa ang pangyayaring dulot ng labanan ng mga grupo ng mga kalalakihan at maging ang mga kababaihan ay paunti na ng paunti tanda na maraming nalagas.

Sa lagay ng maraming naliligo o tumatalsik na dugo sa paligid, isa lamang ang sigurado, malapit na ang pagtatapos ng labanan ngunit matatapos nga ba agad?

Walang kasiguraduhan ngunit habang patuloy ang labanan patuloy rin ang mga paglagas.

Ang masasabi lamang ni Evor ay nakapanghihinayang ang labanan, isang labanang nagpapatunay na madumi at brutal ang mga estratehiya ng laban.

Patunay lamang na makikitaan ng disappointment ang mukha nito tanda na walang kwenta ang naging labanan.





Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Where stories live. Discover now