Chapter 14

1.9K 117 9
                                    

Nagising ng maaga si Evor, mabuti naalng at alas- sais palang ng umaga ay gising na siya. Nagawa niya ng mabilis ang morning routine niya. Plantsado na din ang magara niyang uniform.


Ang uniform ng Vintouso Academy ay  napakalambot at napakatibay. Halatang ginastusan talaga at may kulay itim na may mga maliit na patches ng kulay asul. Kumikinang din ito at halatang di agad masisira.


Magkakaroon ng selection ngayon ang Akademyang ito. Di pa siya nakapili kung saan siya pwedeng ilagay na Faction. Ngayon kasi gagawin ang seremonya para sa gaganaping Faction Selection. Lima ang Faction dito.


Halos pantay- pantay lang ang trato sa bawat faction members at mamaya din ay pwedeng maghamon para sa pagtatapos ng seremonya. Mabuti na lamang at may manual na binigay ang mga Opisyales dito kaya hindi na niya kailangan magtanong- tanong sa mga tao dito. Marami din siyang nalaman patungkol sa mga  faction na siyang ikinamangha niya.


Ang unang Faction ay ang Faction Nemisis, halos lahat ng mga estudyante ay gustong mapabilang dito dahil napakadaming benepisyo at sa kabuuang lakas, masasabi mong mayaman ang Faction na ito sa resources.

Ang Pangalawang Faction ay ang Faction Antropolis, halos mga kasapi dito ay Matatalino kaya hindi din pwedeng galawin o banggain ng kahit na sino- sino lamang. Naging utak ito ng Akademya. Maling galaw mo lang ay magiging miserable ang buhay mo, yan ang sabi sabi.



Ang Pangatlong Faction ay ang Faction Andromeda, kagaya ng nakasulat sa manual. Masasabi mong ito ang Faction na halos lahat ng mga miyembong nakapaloob dito ay magaling sa Pisikalan. Lalo na sa Battle Combat dahil dito ay dehado ka talaga kung Physical Training ang pagbabasehan


Ang Pang-apat na Faction naman ay ang Faction Vintous, hango sa Pangalan ng eskwelahan. Napapabilang dito ang mga miyembrong malalakas sa paggamit ng mahika. Hindi maikakailang sanay sa mahika ang mga miyembro dito.

Ang panglimang Faction dito ay ang Faction Unisus. Nakapaloob dito ang mga iba't ibang kapangyarihan. Nakapaloob ang mga iba't ibang klase ng kapangyarihan. Walang deskripsyon. At dahil halo- halong kapangyarihan dito ay tinuring na pinakamababa sa lahat ng Faction dahil walang matibay na pundasyon ang nasabing Faction na ito.






Mabuti nalang at nagkarron na ng paunang ideya si Evor kung kaya't nabawasan ang kaba niya. Nalaman niya din ang mga kailangang gawin sa nasabing seremonya na ito. Kinakabahan siya ng kaunti pero alam niyang malalampasan niya ito.




Malapit na magsimula ang Seremonyas dahil mag-aalas otso na ng umaga. Talagang napakadali ng oras at hindi iyon lingid sa kaalaman ni Evor. Dali- dali siyang pumunta sa Ceremonial Hall kung saan isa itong malawak na bulwagan na kasya ang lahat ng mga Opisyales. 

Maraming estudyante ang nagagalak at pinag-uusapan ang gusto nilang Faction. Random ang pagpili kaya naman hindi mapigilan ng iba na kabahan din at yung iba ayaw talagang mapunta sa Ikalimang Faction na siyang sinang-ayunan din ng ibang estudyanteng kasa-kasama nila. Halos magkakagrupo ng estudyante o kaya ay  magkabarkada ang sabay na pumapasok sa malaking entrance nito.




Meron ding isa  o dalawang tao lang ang magkakasama. Dahil sa abala ang mga estudyante sa pag-uusap patungkol sa Faction Selection ay  hindi nila napansin si Evor. Hindi nga ba? Mayroon din naman kaso nga lang hindi halata dahil may nakahanda na silang plano para sa pagtatapos ng Seremonya mamaya.




May masaya para mamaya, may malungkot din dahil magkakawatak- watak sila at baka magkakalaban din kaya nga yung iba ay pinili nalang na mag- isa noon at hanggang ngayon. Ganon naman talaga ang panuntunan dito na hindi pwedeng makialam sa negosyasyon sa ibang Faction para maiwasan ang pagsasabwatan ng mga miyembro ng mga Factions dito. Kaya nilubos na ng iba ang pakikipag- usap at tinapos na din ang kaugnayan nila sa mga naging kaibigan nila. Mahalagang batas ito na hindi pwedeng labagin.



Sa kabilang banda, maraming estudyante na din ang nasa loob na ng hall. Halos lahat ng estudyante ay nandito na. Hindi pwedeng hindi pwede dumalo dito dahil sa isa itong napakaimportanteng okasyon. Yung iba sa mga naging miyembro noon ay wala pa dito dahil sa may mahalagang misyon na ginampanan kaya exempted sila sa gagawing Seremonyang ito.








Maya- maya pa ay lahat na ng mga estudyante at mga Opisyales ay nandito na  maging ang mga tagapangasiwa ng Paaralang ito na sina Elder Sky at Elder Minos. Kaya agad ng Sinimulan ang seremonya. Tinatawag na ang mga pangalan sa harapan at tumatayo na ang mga natawag upang gawin ang nasabing daoat gawin sa gaganaping Selection ng Faction. Ito ay amg pagpatak ng dugo sa mga nasabing mga bato. Kung nagliwanag ang bato, yun na ang magiging Faction mo. Bihira lang mangyari kung magiging dalawa ang faction mo at kailangan mo lang pumili rito.





Faction Andromeda!

Faction Antropolis!

Faction Nemesis!

Faction Vintous!

Faction Unisus!





Ilan lang yan sa mga natapos na selection.




Maya- maya pa ay narinig niya na ang pagtawag sa pangalan ni Evor. Ginawa niya na ang nasabing gagawin sa Seremonya. Na lubos naman nilang ikinagimbal ang naging resulta nito.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon