Chapter 6: ALERT: DANGER

2.2K 124 1
                                    


EVOR POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa kagubatan ( Ito ay gawa lamang ng mga malalakas na Illusionist Manipulator kaya lahat ng mga bagay dito ay totoo. Hindi din pantay kung maglaban ang ibang Class dahil halos lahat ng Illusionist Manipulator ay taga Upper Classkaya nga madali kami nilang matutunton dahil mga ganid din sila sa tagumpay/panalo. Malawak ang Battle Area dahil halos magkasinlaki ito ng Philippine Arena. Hindi sila mahihirapan hanapin kami dahil may koneksyon sila sa labas (mindlink/telepathy) kaya ngayon wala kaming choice kundi lumaban. Halata ng mga estudyante dito ay nakakaramdan ng panganib o kaya ay enerhiya ng kahit na sino, kalaban man o kakampi. Pero magiging wais kais kami ngayon at di kami papatalo agad-agad.

Naging alerto kami dahil naamoy ko ang panganib, alam kong maya- maya lang ay masasagupa namin sila dahil naramdaman namin ang dalawang malalakas na grupo nila Matthew (Class A+) at ang grupo ni Axel (Class A). Halos manginig naman sa takot ang kasamahan ko na sina Cleo (Puppet Manipulator), Chlea (Flower Manipulator), Marie (Healing Magic), at Dan (Metal Manipulator). Pero handa naman silang labanan ito kahit na dehado na sila. Pinalabas na ng aking mga kasamahan ang kani- kanilang kapangyarihan. Pinalabas ni Chlea ang mga Moonflower (ito ay isang napakalaking bulaklak na bumubuga ng mga meteorites galing sa Moon, kasinlakas ito ng bolang apoy ng phoenix na nagdudulot ng malaking pinsala kung sino man ang tamaan), Pinalabas naman ni Chleo ang mga Humanoid puppet (Clone kumbaga na ginagamit panglito sa kalaban, Hindi mo mahahalatang puppet dahil maliksi itong kumilos at wala itong hiwa-hiwa sa kahit na anong parte ng katawan) na kamukhang kamukha namin. Gumawa naman ng armor namin si Dan. Nagform kami into circle at si Marie ang sa gitna dahil siya ang healer namin kung sakaling mapinsala kami, gumawa si Chlea ng malaking Puno ng mangga na pwedeng taguan namin. Ako ang leader dahil takot din silang sa responsibilidad na nakaatang sa kanila. Nagtago muna kami sa malaking puno at kinubli ang aming presensya para hindi kami mapunta sa alangan. Tanging ang puppet muna ni Cleo gagamitin namin sa Kalabang paparating.

"Lumabas kayo!"sabi ng Puppet na Mark

"Hahaha, humanda kayo sa amin!" Sabi ng alipores ni Matthew (leader ng Class A+)

Pagtulungan na natin yan ng matapos na din ang battle na to at tatalunin rin natin ang walangkwentang Class S at S+,masyado na silang feeling malakas!"mayabang na turan ni Axel (leader ng Class A) na sinang-ayunan naman ng kanyang kasamahan at grupo ni Matthew.

Sabay-sabay nilang pinaulanan ng iba't ibang Kapangyarihan sila ni Evor (which is clone lang nila). Likas na maliliksi ang human puppet kaya hindi nila agad- agad matatalo.

Sa kabilang banda naman ay natalo na ng Grupo ng Class S at Class S+ ang Class B. Walang awa nilang pinahirapan bago pa maglaho ang mga puno ng galos na katawan ang grupo ng Class B. Awtomatikong maglalaho at lilitaw sa labas ng Battle Area ang katawan ng mga natalo upang magamot agad-agad ang sugat ng mga player/biktima.

Tumatakbo ang grupo ng Class S at Class S+ papunta sa labanan ng Grupo ng Class A+ at Class A labanan sa Class C. Sinurpresa ng grupo ng Class S na si Princess Anelia ang totoong grupo ni Evor mula likod sa pamamagitan ng pagbato ng malalaking blade na gawa sa apoy na galing sa impyerno, (Hell Fire- isang massively damages anything within the perimeter kaya natamaan ang grupo ni Evor.

"Ahhh!!!", Daing nila pero naman malalang malala, mabuti na lamang at may ginawang armor si Dan na kinabit sa katawan nila at ginamot naman agad sila ni Marie (Healer) kaya bumalik naman sa ayos ang kanilang kondisyon. Nawala sa pukos si Cleo sa pagkintrol ng puppet kaya nawasak at nasira ng grupo ng Class A+ at A ang human puppet niya. Halos manlumo sila dahil kaharap na nila ang malalakas na grupo na talagang nagpatindig ng balahibo ng grupo ng Class C (Evor's Group), Uunahin talaga silang papaslangin ng grupo ng Class A, A+, S, at S+. Kaya ngayon ay pinalabas niya ang kanyang tatlong alaga.

"My Three Pets, I summon thee, Release!" Sigaw ni Evor sa kawalan. Biglang may lumitaw na tatlong malalaking Magic Circle, Malaki ito at Sobrang iba sa Circle na lumilitaw sa mga Summoner. Mamaya pa ay lumabas ang tatlong malalaking hayop na human size lang ang laki, ang mga hayop na ito ay ibon, lizard?!, at ahas.

"Bwahahaha!!!!" Tawanan ng lahat ng Class na lumalaban maging ang sa labas ng Battle Area. May mga undestructible virtual screen kasi ang nakalagay sa bawat sulok ng Battle Area kaya kitang-kita ang nangyayari sa loob ng Battle Area.

Akala mo matatalo kami ng ganyang mga hayop na yan, wala ka naman pala eh!- Tawanan naman ulit ng lahat ang namayani sa lugar sa loob o labas man

Kahit na pinagtatawanan sila ng lahat ay Sumigaw  si Evor na ikinagimbal ng lahat.

"Trio de Monstrous, True Forms!" Sigaw ni Evor. Dahil alam niya na matatalo sila kung hindi niya gagamitin ang buong lakas niya na alam niyang walang kasiguraduhan kung mananalo sila o hindi.

Biglang lumiwanag ang tatlong Magic Circle ngunit mas sampong beses naman ang laki nito. Natanggal ang armor na isinuot niya galing kay Dan at napalitan ito ng nakakamanghang disenyo na halo-halo dahil sa tatlong pet na pinalabas niya. (A/N: Kapag nag-full form ang mga pet ni Evor na sinummon niya ay nagkakaroon din siya ng kapangyarihang kaparehas ng mga Pet niya. Pet- hindi siya literaly na pet ang mga mythical creatures na ito kundi nakasanayan niya ng tawagin na pet ito dahi sila minsan ang kinakausap o nililibangan niya kaya ganon.





Nang mawala ang liwanag ay nakita nila ng harapan ang tatlong nilalang na sobrang kinakatakutan ng lahat. Mula sa himpapawid ay makikita mo ang napakalaking kulay abong phoenix na kakaiba sa lahat ng phoenix na kanilang lang ay maliit na ibon. Pangalawa ay ang salamander na ngayon ay isang higanteng Dragong kulay pula na nanlilisik ang mata sa lahat ng tao dito, Pangatlo ay ang kaninang malaking ahas ay naging isang kalahating ahas (mula bewang hanggang sa buntot nito), at kalahating tao (bewang hanggang ulo), diya'y si Nascefra, ang pinaniniwalaang pinagmulang angkan ni medussa. Ang tatlong mythical creature na ito ay sumisigaw sa wagas na kapangyarihan.



"Kahit mag-transform pa ang mga yan, di parin namin kayo aatrasan! Humanda ka!!!" Sigaw ni Anella na ngayon ay nanggagalaiti dahil sa parang nasapawan siya kapangyarihan.


"Oo nga!" Sang-ayon naman ng lahat ng kalaban at sinugod nila isa isa ang mga halimaw kaso nga lang ay hindi napuruhan ang kahit na sino man sa halimaw.

Biglang gumalaw  ang mga pet/mythical creature dahil masyado na silang nayayabangan sa kahanginan nila. Sobrang bilis gumalaw ni Nascefra kaya napatumba niya ang apat na miyembro ni Matthew. Ang Phoenix naman ay pinaulanan ng sobrang talas na higanteng bola ng hangin ang miyembro ng Class A+ at Class S kaya nalagas ang dalawang miyembro ng Class S at tatlong miyembro ng Class A+. Sa kabilang banda naman ay ang pagbuga ng napakainit na apoy at hampas ng buntot ng dragong si Henoie sa grupo ng Class S+ at nahihirapan ang mga ito kaya nabawasan din sila ng dalawang miyembro na ngayon lang nangyari dahil sa puro malalakas ang mga ito. Puro defensa lang ang tanging nagawa ng mga kalaban dahil sa walang tigil na pag-atake ng tatlong maalamat na nilalang.  Lingid sa kaalaman ng Class C, akala nila ay mananalo sila pero laking gulat nila nang...

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon