Chapter 9: Story Untold

2.1K 107 0
                                    

PLAGIARISM IS STRICTLY PROHIBITED



Informations regarding to story here:

City / Faction/Kingdom/Academy/ is divided into following ratE

KINGDOMS are rated in the following:

3rd rate
2nd rate
1st rate

Extraordinary people ang Beast are rated in the following:
Elite rate
Epic Rate
Legend Rate
Mythical Rate

DIMENSIONS is rated in following:

Lower Rate
Mid-rate
Upper Rate
Above Rate
Peak Rate
????
?????
??????
???????
etc.


Chapter 1

Third Person POV

Naging madali ang pag-alis ni Evor sa Akademya at sa bayan ng Cadmus. Iba't ibang emosyon ang nakikita sa bawat estudyante na nakasalamuha niya. Alam niyang darating din sa punto na magkakaganito kaya alam ni Evor na makakaya niya din ito. Ayaw niya man iwan ang kanyang mga mahal sa buhay pero kailangan niya dahil masyadong delikado ang kapangyarihang taglay niya. Wari'y pag tumagal pa siya dito alam niyang may mangyayaring masama na maghahatid sa kawakasan ng mga tao dito. Lalong lalo na gusto niyang lumakas dahil may delubyong gigiba sa dimensyong ito. Bakit niya nararamdaman? Siguro dahil sa instinct niya. Gusto niyang malaman kung sino ang totoo niyang pamilya. Oo, totoong pamilya, nalaman niyang kinupkop lang siya ng kaniyang kinagisnang pamilya bata pa lamang siya.

Flashback

May mag-asawang naninirahan sa kagubatan, sakop ito ng bayan ng Cadmus. Maraming mga tao ang takot pumunta dito dahil maraming mababangis na hayop. Di naman natatakot ang mag-asawang Lemnevor dahil may kaugnayan sa kalikasan ang kapangyarihang taglay nila. Si Martha Lemnevor ay isang Animal Manipulator at si John Lemnevor naman ay Nature Manipulator kaya hindi sila takot sa mababangis na hayop dahil kayang nilang paamuhin ang mga ito. Di sila nagkaroon ng anak, na lubos nilang kinalungkot. Nagpatuloy lamang sila sa naging gawain nila at yun ay ang pagsasaka at pangingisda dahil ang Kagubatan ay mayroon daluyan ng malawak na ilog na sagana sa mga dambulang mga isda. Kadalasan sa mga ito ay carnivore na isdapero pwedeng kainin kaya lang m mapanganib dito pero sa tulong ng mahika ay nagiging madali ang pamumuhay nila dito.
Sagana ang gubat sa prutas at gulay kaya hindk sila nauubusan ng mga pagkain na ang iba ay iniimbak at imyung iba nama'y dinadala sa pamilihan o palengke para magkaroon ng pera. Gusto ng mag-asawa na mamuhay ng matiwasay dito kaya napiling sa gubat sila mamuhay. Bayan parin ang tawag sa Cadmus kahit na ang totoo ay siyudad na ito. Gusto nilang maging tradisyunal pa rin sila kahit na ang lugar na ito ay nagbabago sa paglipas ng taon.

Isang araw habang natutulog ang mag-asawa, may kumatok sa pinto ng bahay nila. May nakita silang lalaking lumilipad sa hangin habang may dala na kung ano sa kanyang tiyan. Masyadong misteryoso ang lalaking ito. Lumapag ang lalaki sa harap ng pinto. Masyadong nagtaka ang mag-asawa sa kilos ng babae. Binigay niya ang lampen na may lamang bata? Kumislap ang mata ng mag-asawa pero bigla silang natauhan at hinarap ang misteryosong lalaki.

Bakit niyo po ibinigay ang batang ito sa amin? Takang tanong ni Martha

Nawa'y alagaan niyo ang bata, gusto kong ituring niyo siyang parang sariling anak." Bakas ng sinseridad at may halong awtoridad ang boses ng misteryosong lalaki

Tumango na lamang ang mag-asawa na tanda ng pagsang-ayon. Masyado silang naguluhan sa pangyayari pero mahahalata na masayang masaya sila dahil sa natanggap nilang biyaya na wari'y nila ay dininig ng langit ang kanilang panalangin sa diyos. Ipinagwalang sa bahala na lamang nila ito. Pinangalan nila ito na Dion Claspior Lemnevor at Evor ang nickname nito. Dahil sa pag aasikaso nila sa bata at parang di sila naging busy sa trabahong bukid ay nagkaroon din sila ng dalawang supling.
Lumaki si Evor sa mabuti at naging talentadong bata. Dahil Summoning Magic ang kapangyarihan ng anak nila ay inensayo na nila ito kahit na tatlong taon palang ito. Hindi siya pangkaraniwang bata dahil kakaiba siya sa mga ordinaryong bata. Gayunpaman , minahal nila ang bata na para nilang sariling anak. Inensayo nila ang bata sa pisikalang pagsasanay dahil dito dumedepende ang lakas ng isusummon nito. Mahirap ang training na ginawa pero naging masikap ang mag-asawa sa pagtuturo lalo ns ang batang si Evor.

Lumipas ang mga araw at naging malakas si Evor at naging hasa sa pag eensayo lalo na sa aspektong pisikal. Maraming naging problemang dumating lalo na at naglipana ang mga mangangaso. Naging mapanganib ang buhay nila lalo na ng kanyang mga magulang. Hindi naman masukal ang kapaligiran ng kanilang bahay at bukirin kahit na sa loob ng gubat ito. May nakaharang na barrier na siyang nagkukubli sa kanilang tahanan upang maging ligtas mapa-hayop man o mga tao. Hindi naging tahimik ang kagubatan sapagkat mayroong mangangaso na naging abusado dito. Pero dahil sa napabalitang mayroong mabagsik na halimaw na pumatay sa maraming mangangaso ay unti-unting naging tahimik ulit. Nang lumaki na si Evor na siyang nasa angkop na edad ay minabuti nilang ipasok siya sa Cadmus Academy para maging bihasa at matutong makipagsalamuha sa iba.
Alam naman nilang walang dapat pagkatiwalaan ang binata dahil maraming pang impormasyon silang nalaman sa katauhan ng binata. Wala silang ideya at impormasyon tungkol sa katauhan ng binata. Alma nilang may nakatagong misteryo at dahilan kung bakit ipinaubaya ng lalaki sa kanila ang pagpapalaki sa batang si Evor. Pero sa ngayon, iisipin nila ang maging isang magulang para sa binatang si Evor. Alam nilang may magandang kapalarang naghihintay sa binata. Hindi man sa ngayon pero alam nilang darating ang panahong iyon. Mas mabuti para sa kanila na ipasok si Evor sa Academy para maging hasa siya sa iba't ibang larangan lalo na sa aspektong mental. Madaling matuto si Evor na siyang ipinagmamalaki ng kanyang tumatayong magulang. Sana lang ay patuloy ang bata sa pag-unlad. Nangangamba man sila na baka mawalay sa kanila ang binata pero pinaghahandaan na nila nag mangyayaring ito. Alam nilang wala silang karapatan sa binatang ito at wala silang laban sa magulang nito. Minabuti na nilang bata palang ito ay alam na ng batang si Evor noon na ampon siya. Pinaintindi at binusog sila nito a pagmamahal na siyang ipinagpapasalamat ng binata. Wala siyang ibang hiling kundi ang protektahan ang
Kaniyang tumatayong magulang at kanyang naging kapatid dito. Gusto niyang lumakas sa paraang alam niya kaya mas minabuti niyang mag-ensayo ng maigi para lumakas siya lalo. Gusto niyang makita ang magulang niya. At wala siyang galit sa mga ito lalo na't alam niyang may rason kung bakit siya iniwan. Nagpapasalamat pa siya at binigyan siya ng mapag-alagang mga magulang.

End of Flashback...

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon