Chapter 15

1.8K 114 0
                                    


Ginawa na ni Evor ang mga dapat gawin sa seremonya sa pagpili ng Faction.

Hiniwaan niya ng konti ang kanyang daliri gamit ang kutsilyo. Pinatakan niya lahat ang bato ng limang faction.

Mamaya lang ay kinagimbal ng maraming mga tao sa loob ng hall. Walang naging reaksyon ang mga bato. Hinintay nila kaso walang naging reaksyon ang bato kaya alam na ng karamihan ang magiging kaparalan niya ddito sa loob ng Akademyang ito.

Yun ay ang maging isang FACTIONLESS. Sinasabing independent student ang mga ito pero isa itong napamalalang kapalaran na naghihintay sa kanila. Masyadong mapanganib lalo na't nag-iisa ka lang. Maski sabihing medyo madami din ang Factionless dito ay palagi silang pinapahirapan dahil walang tutulong sa kanila.

Tanging mga Factionless students lang ang pwedeng tumulong sayo. Wala ka ding makukuhang benepisyo katulad ng mga nasa mga may Faction kaya tinuturing na malas ka dahil sinasabi nilang mga walang talento ang mga taong walang faction.

Napakalupit ng tadhana sa kanya!

Wala na siyang makakapitan ngayon hahaha!

Masyado kasing agaw-atensyon, mula sa ibabaw ng langit, babagsak sa impyerno!

Wala naman palang talento!

At marami pang iba pang masasakit na salita ang binabato nila kay Evor.

Gayunpaman, Masaya si Evor kasi Factionless siya kaya magiging independent student siya. Madami mang kakaharaping problema pero handa siyang harapin ito. Alam niyang hindi siya dito nabibilang. Darating din ang araw na mamimili siya ng daang tatahakin, walang magdidikta sa kanya, mahahanap niya ang kasagutan ukol sa pagkatao niya. Ayaw niyang magmadali muna.

Alam niyang di pa sapat ang kanyang kapangyarihang taglay. Magiging miserable man ang buhay niya dito pero alam niyang dapat siyang magiging matatag, hindi susuko sa anumang problema o delubyo ang darating.

Hindi niya man maramdamang nabibilang siya dito, darating din ang panahon na mahahanap niya ang lugar kung saan maisisiwalat ang kanyang pinagmulan at rason kung bakit siya ipinangalaga siya sa ibang tao na tinuturing niyang napakaespesyal na tao sa buhay niya, na naging pamilya niya.

Ayaw niyang magtanim ng galit sa mga itoat mas lalong ayaw niyang mamuhi sa bagay na alam niyang may mabigat na rason.

Dapat na itanim sa isip at puso niya na maging matatag pa siya lalo at harapin ang problema, malaki man o maliit.

Dahil sa resulta ng kaniyang naging trial sa pagpili ng Faction, madami ang naging masaya sa naging resulta lalo na ang mga taong gusto siyang saktan sa kahit anong aspeto.

Halos gusto nilang lumundag dahil umaayon sa kanila ang naging resulta dito pero di nila ipinahalata dahil di pa sigurado ang naging resulta. Hinihintay lang nila ang magiging tugon ng Founder ng Akademyang ito.

Sa kabilang banda, hindi naging maganda ang naging reaksyon ng dalawang Founder ng Akademyang ito.

Iniisip nilang nalinlang sila ng estudyanteng ito at ng Cadmus Academy. Mababahidan ang kanilang reputasyon ukol sa naging resulta ng trial sa pagpili ng faction. Maghahanap sila ng paraan upang di pa lumala ito.


Ayaw nilang maging mababa ang tingin ng mga Opisyales at ng mga estudyante ng Vintouso Academy kaya may naging pasya na sila ukol dito na masasabi nilang hindi madudungisan ang kanilang pangalan at mananatili ang estudyanteng ito dito.

Maya-maya lamang ay may naging pasya na ang founder ng eskwelahang ito.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon