Chapter 22

1.9K 130 21
                                    

Unang lumiwanag sa tatlong naglalakihang mga Magic Circles ay ang kulay abong na may apat ding magkakapatong na Magic Circles.

Nagkaroon ng makakapal na usok halos lahat ay naghintay, nagsusumigaw ang dragong ito sa kamatayan. 

Mula sa naglalakihang Kulay abong magkakapatong na Magic Circles ay lumabas ang higanteng dragon.

Kung napakalaki na ng Phoenix, ano pa kaya ang maalamat na dragong ito na pinaniniwalaang alamat na lamang sa kanilsng Kontinente.

Ngayon ay napatunayan nilang totoong nag-eexist ang maalamat na dragon na ito.

Pumagaspas sa ere ang malahiganteng dragon na ito, makikita na ng mga taong nasa kalupaan ang aura ng kamatayan.

Nagsusumigaw sa kalumbayan ang bawat pagaspas ng pakpak nito. Makikita mo ang kulay abong mga pakpak nito na may matitigas na mga buto na animo'y gawa sa mga buto ng mga nangamatay na mga taong pinatay ng dragon. May mga iba't ibang simbolo ito sa katawan lalo na sa bandang noo ng dragon.

Makikita din ang napakakapal at napakatigas na mga kaliskis nito na animo'y gawa sa napakatigas na bato na hindi kayang galusan ng kahit na anong bagay.

Ang mga paa ng higanteng dragon na ito ay kasing talas ito ng mga nagtatalimang mga bato sa ilalim ng mga bangin.

Ang naglalakihang kuko sa kamay ng dragong kulay abo na ito   ay kayang hiwain sa dalawa ng karagatan.

Halos namangha ang lahat ngunit may halong takot ang hatid nito sa karamihan.

Nakaramdam sila ng takot kung kaya't sila ay  lumayo na lalo na ang mga mahihina papalayo sa lugar na ito.

Ang ibang Magic User ay nanatili lamang sa isang lugar, naghihintay sa susunod na mga mangyayari sa lugar na ito. Lalo pa't hindi kapani-paniwala ang mga nasasaksihan na nakikita mismo ng kanilang mga mata.

Marami silang nakitang kamangha-manghang bagay at ayaw nilang gumawa ng ingay baka sila pagbuntunan ng kaguluhan na magdudulot sa kanila ng maagang kamatayan.

Masisiguro nila sa mga bagay na ito ay hahantong sa mapangwasak na labanan na ito lalo pa't sabay-sabay na nagkaroon ng mga makapangyarihang mga nilalang na ito na maging sila ay hindi alam kung bakit nangyayari ito.

Isang makapangyarihang summoner ang lumitaw sa kontinenteng ito na kahit sila ay hindi alam ito.

Maging ang mga makapangyarihang mga Magic Users na nandirito ngayon ay tikom ang mga bibig lalo na ang mga estudyante at mga Opisyales na nandirito.

Hindi nila alam na may isang makapangyarihang summoner ang nagtatago sa mababa at maliit na kontinenteng ito ng Cadmus.

O talagang nandito ito?

Masakit makita ang mga susunod na pangyayari. Alam na alam nila na ang digmaan  na ito ay may magbubuwis ng maraming buhay.

Ngunit iba ito sa inaasahan nila sa susunod pangyayari na halos ng kalalakihan ay hindi na aalis pa sa lugar na ito.



Samantala....

Sa misteryosong lugar sa katawan ni Evor ay nakakulong si Nescafra ngunit ngayon ay nagkaroon ito ng kakaibang pakiramdam.

Ang nag-uumapaw na kapangyarihan pumupuno sa kanyang mga dugo't laman sa pamamagitan ng mga ugat na patuloy sa pagbibigay ng ibayong lakas at kapangyarihan.

Ang enerhiyang nararamdaman ni Nescafra ay naging sanhi ng kaniyang paglevel-up. Agad itong nabalutan ng kakaibang liwanag na sanhi ng kanyang maagang pagkakaroon ng pagbabago. Agad siyang nawala na parang bula at nagteleport sa mismong Magic Circles

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon