Chapter 21

1.9K 126 38
                                    

Iba din ang bitin eh noh, nabitin din ako kaya sumulat ulit ako. Pinopost ko po kaagad yung gawa ko. Kung wala oong update means busy ako or sa isa ko pang libro ang may update. Dami talagang limitasyon ang tao. Di ko din pwedeng hatiin katawan. Kung pwede lang sana eh, araw-araw may update kaso parehas na maganda yung books ko eh ahaha... Nauna lang ako ng Konte na magbasa ng Chapters so kayo yung sunod ahaha... Walang drafts eh, direct na po tong update... Fresh update from my mind through my hands, Happy Reading!😀😀😀😀😀

......
Nagulat man ang mga estudyante maging ang Opisyales sa kakaibang nangyari sa pag-atake ng Primordial God Beast ay wala rin silang paki, mamamatay naman ang lahat ng nandito maging ang mga dadating pang mga tutulong sa Vintouso Academy.

Alam nilang dadating din ang dalawang founder ng Akademyang ito pero hindi din sila nag-aalala pa. Sa dami ng bilang nila maging ang Primordial God Beast na si Zantura ay sapat na para pabagsakin ang libo-libo o milyong- milyong mga tao. Wala naman silang paki lalo pa't ang isang Primordial God Beast ay nag-iisa laman o di kaya ay napakahirap hanapin. Sa kontinenteng ng Cadmus, masasabi  mong tanging ang mga nasa Middle District at Upper District lamang ang mayroon ng napakaraming Primordial God Beast o mas mataas pang mga Beast Guardian. Nangangailangan ito ng malaking enerhiya sa pagtawag o maging sa paggising nito sa pagtulog. Wala pang nilalang na nakatalo kay Zantura kung Kaya't kampante silang mananalo sila.

Lingid sa kaalaman nila, maraming mga mata o mga espiya sa paligid. Karamihan ay mga taga-Middle District o Upper District na kalmadong nanonood ng kasulukuyang kaganapan.

Kahit na hindi makatwiran ang pagpaslang ng mga estudyante ay wala silang karapatan na gambalain ito lalo pa't wala din silang mapapala kung tutulong sila sa mga tingin nilang mabababang uri ng nilalang. Nagkaroon ng basehan ang bawat Kontinente ayon sa lakas. May nagbabantay sa bawat District ng malalakas na nilalang at tao upang panatilihin ang kaayusan nito. Kapag nangialam ang mga nasa  Middle at Upper District ukol dito ay siguradong mapaparusahan sila ng nagbabantay sa kanilang District.

Napakabigat pa naman ng mga parusa noon na bali-balitang inubos ang isang napakalakas na kaharian sa Upper District dahil sa paglabag sa batas ng Distrito, pinatay lahat ang mga miyembro ng Maharlikang pamilya maging ang kanilang mga ari-arian ay sinunog lahat. Tanging mga abo na lamang ang natira. Kaya nagsilbi iyon na isang  malaking babala upang hindi labagin ang mga batas ng bawat Distrito.

Pero pwede silang magrecruit ng mga may malaki ang potensyal mahikero't mahikera na maging malalakas na awtoridad sa hinaharap lalo pa't walang limitasyon ang nasa lower District sa pagpunta sa iba't ibang lugar ng 2nd  at Third District na siyang isa sa naging advantages ng mga nasa Lower District.

Halos karamihan sa malalayang nakakalabas-masok sa bawat lupain ay mga negosyante at malalakas na tao lamang kung Kaya't isang karangalan na mapasama sa matataas na distrito at maging isang disipulo nito.

Samantala...

Nag-umpisa ng maglaban-laban ang bawat grupo na magkalaban. Kahit na halatang matatalo ang mga Estudyante at Opisyales ng Vintouso Academy ay nagpatuloy pa rin sila sa laban. Ayaw nilang pati ang sarili nalang  nilang dignidad ay maapakan pa. Ang pinakahuli at pinakaayaw gawin ng mga bawat mahikero ay ang sumuko sa laban at sapilitang dalhin sa lugar ng kanilang kaaway na magbebenepisyo sa sarili nilang gawa at itatapon o kaya babawian ng buhay kapag wala na itong silbi sa kanila.

Halos lahat ay sugatan na at naging mas mainit ang laban, binigay na nila ang kanilang mga natitirang lakas para gapiin ang kalaban ngunit parang mga tubig sila na hindi mauubos kundi ay patuloy na mas dumadami pa at patuloy na inaabuso ang pagiging dominante ang bilang ng mga kalaban.

Habang abala sila sa laban ay bigla sila naalarma sa napakalakas na enerhiyang hindi nila inaasahan, patuloy pa itong lumalakas sa pagdating ng ilang segundo  o minuto. Maging ang mga espiya nagmamatyag ay nababahala sapagkat napakalakas at napakamisteryoso ng enerhiya, nagsusumigaw ang kanilang sariling enerhiya sa katawan ng matinding delubyo ang dadating sa lugar na ito.

Agad na humiwalay ang bawat grupo sa dating pwesto na kahit sila ay naging aware at nababahala sa napakamisteryosong pangyayaring ito.

Sa kabilang banda, ang kaninang umaagos na luha ni Evor ay naging napaliwanag na apoy. Nagiging matingkad na kulay dilaw na ito na gawa sa apoy. Tanging ang kaliwang mata niya ang lumuluha. Hindi ito luha ng paghihinagpis na luha kundi napakamisteryoso.

Ang sariling dugo pati sugat ni Evor ay naghilom na. Ang dilaw na apoy ay patuloy pa rin sa pagkakaroon ng pagbabago sa katawan ni Evor, unti-unti niyang naramdaman ang nag-uumapaw na lakas niya pero nanatili pa rin siya nakapikit.

Nagulat na lamang ang lahat sa sumunod na nangyari.

Sa ibabaw ng kalangitan ay makikita ang sobrang laking magic Circle na mas malaki at detalyado ngunit napakamisteryosong mga simbolo na ngayon lamang nila nakita. Nasakop nito ang  tatlong mga distrito, halos nagimbal ang lahat.

Hindi lamang iyon dahil apat na magkakapatong na Magic Circle ang nabuo na naghatid ng pangamba sa lahat. Sigurado silang sobrang makapangyarihan ito lalo pa't ang alam nila'y isa itong mataas na uri ng Summoning Magic, hindi ito matatawag na Art Magic lalo pa't walang Formation o mga tao sa ibabaw ng mga Magic Circles dahil sa kalupaan palang ay ramdam mo na ang naglalagablab na init nito.

Biglang may nakakasilaw na liwanag na inilabas ang apat na Magic Circles na nangangahulugang napakalakas na lalabas na nilalang dito.  Nangamba silang lahat. May tanong sa kanilang isipan kung kakampi ba nila ito o hindi. Maging ang Primordial God Beast ay natakot din lalo pa't ang ganitong mga nilalang ay sa isang misteryosong nilalang lalo pa't maging siya ay nag-aatubiling lumaban dahil sobrsng lakas nito na maging ang hangin ay humahampas ng marahas at ang init ay lumalaganap sa paligid maging sila ay naapektuhan na rin.

Napaluhod at napaatras ang iba sa ganitong sitwasyon maging ang nasa espiya ay lumayo ng napakabilis lalo pa't hindi nila maatim ang nakakapasong temperaturang susunog sa kanila.

Sa wakas ay nagising nadin ang natutulog na nilalang. May galit itong ekspresyon na makikita sa mata. Tanging mata pa lamang ang sumusilip sa lagusan ngunit natakot na sila. Maya-maya pa'y lumabas na ito dala ang nakakatakot nitong anyo. Ang anyong tutupok sa lahat ng dadaanan niya. Walang iba kung hindi ang Mythical Phoenix na sa pangangalaga ni Evor na ngayon ay nakamit ang ikaapat na stage ng Evolution Summoning Magic na siyang permanente na nitong anyo.

"Maligayang Pagbabalik Phoenuro!"  Masayang pagbakasabi ni Evor sa pangalan ng kanyang munting Phoenix noon na malahigante na ang laki nito ngayon. Na-miss niya ito ng sobra.

Hindi na maitatangging kakaiba na ang anyo nito kumpara sa dati. Mas matingad na kulay na dilaw na kasingkulay ng napakatingkad na araw. May apat na itong pakpak at mas nakakatakot na ang laki nito na isangdaang beses ang laki kaysa noon. Maging ang bawat bahagi ng katawan nito ay nagsusumigaw sa kapangyarihan lalo na ang napakatalas nitong mga kuko na sa paningin palang nila'y kaya na silang hiwain kapag nadikit sila nito.

Ang mas nakakamangha pa lalo ay ang kanyang apat na malalaking pakpak. Isa na itong ganap na Legendary Phoenix, ang magiting na Four-Winged Yellow Phoenix, hindi pa nila nasaksihan ang mala-delubyo nitong atake.

Dahil sa pangyayaring ito ay nangangahulugan lamang na hawak na ng phoenix ang buhay ng ibang nandito.

Hindi na din siya kilala ng mga tao dito kung Kaya't may sama rin siya ng loob sa Vintouso Academy at galit siya sa Spiral Academy dahil na rin sa muntikan na siyang mamatay.

"Maligayang pagkikita muli aking munting kaibigan!"

Galit na galit pa din ang malahiganteng Phoenix dahil sa muntik ng pagkamatay ng kaniyang munting kaibigan. Lalo pa't ayaw na ayaw niyang masaktan ito.

Siya kasi yung pinaka-overprotective sa lahat. Siya kasi ang laging nanggagamot noong bata pa ito at ayaw niysng magkaroon ng pasa o sugst man lang kaya grabe siya kung makareact ngayon.

Ngunit may hindi ulit inaasahang pangyayari na mas magpapangilabot sa lahat ng mga taong saksi dito.

Nagkaroon muli ng mga tatlong Magic Circle na may apat na magkakapatong-patong na may iba't ibang kulay tanda na may tatlo pang nilalang ang lalabas na ikanasisindak nila.

Ang isa palang ay nakakatakot na, ano pa kaya ang tatlong pang nilalang na lalabas. Isang malaking delubyo ito sa kanila

(A/N: Bitin pa ba? Kapag sinabi mo pang bitin, naa-addict ka na istoryang ito ahaha...
LEAVE YOUR COMMENTS BELOW at depende sayo if you VOTE! walang pilitan😂😂😂😂😂😂)

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Where stories live. Discover now