Chapter 7: Four Versus One!

2.4K 130 3
                                    

THIRD PERSON PoV


"Moon of Destruction No. 99, Gate of Fury Released!" Sigaw ng leader ng Class S+

"Gate of Hell Open, Cage of Demons, Released!"sunod na pagbigkas ng engkantasyon ni Princess Anelia na siyang Lider ng Class S


Depths of lands, I call you thee! Gaia!!!! Sigaw ni Axel na habang nakapatong sa lupa ang dalawa niyang kamay.


Calling the brightest sun, Apollo!!! Hiyaw ni Matthew sabay turo sa araw na naglalagablab sa init.


Lumitaw ang buwang kulay ube sa kalangitan kahit na hapon pa lang. Hindi pangkaraniwan ito sapagkat bihira lang ang may ganitong buwan dahil tanghaling tapat nayon. Mula sa loob ng buwan ay lumabas dito ang 100 heads na dragong kulay ube na kilala bilang Night Fury . It is known for its speed in generating heads once it cut.


Namangha ang lahat sa kapangyarihang taglay ni Prince Kiro. Bumalik ang sigla at suporta sa panig ng S+.


Lumabas naman sa kailaliman ng lupa ang libo-libong demonyong tinawag ni Princess Anelia. Hindi siya magpapatalo, hindi kailanman,yan ang itinatak ni Princess Anelia sa kanyang isipan.


Nawala ang atensyon nila sa mga ito at nakita nilang may kumikislap sa di kalayuan at ito ay mula sa pinakamaalamat na puno na pinakamatayog sa lahat ng puno,doon ay lumabas ang napakagandang dyosa/guardian ng kalikasan. Namangha ang lahat especially ang Class  A dahil siguradong panalo na sila dahil ang diyosang si Gaia ang lalaban.


Mula sa kaitasan, tumingkad ang kulay ng araw at naging kulay dugo ito. May lumabas na isang nilalang na umaapoy at biglang bumulusok na paibaba papunta a battle area. At ng nang malapit ng lumapag ay nakita ng lahat napakagwapong lalaki na suot-suot ang gintong baluti na may sinaunang disenyo. Kitang-kita nila ang kabuuan ng lalaki na halos ikalaglag panty ng mga kababaihan sa taglay nitong kakisigan at napakaamong mukha.


Sa kabilang banda, halos mawalan ng pag-asa ang Class C dahil kitang-kita nila na wala silang panama sa kalaban, maging si Evor ay kinakabahan din. Ngayon lang din siya nakaramdam ng negatibong  bagay bagay tungkol sa kahihinatnan ng grupo niya. Ayaw niyang may masaktan sa mga kasamahan niya lalo na't napalapit na din ang loob niya kina Cleo, Chlea, Marie, at Dan sa maikling oras na nagkakilala sila.


"Woah! Mukhang exciting ito! Matinding labanan ito!" Hiyaw ng MC na mas nagpasabik sa lahat ng mga estudyante sa labas ng Battle Area.

Tapusin na natin to! Sigaw ni Prince Kiro na sinang-ayunan naman ng ibang class laban sa Class C

Hiiiiyahhhh!!!!! Sigaw nilang lahat laban sa Class C. Pinagtulungang nila sila (Class C).


Chlea's PoV

Pinagtulungan nila kami na akala mo kami lang ang kalaban. Sobrang unfair na nga to at hindi pa ito nakaabot sa nakakataas kaya malamang tinatakpan na ito ng mga opisyales dito para hindi malaman ng nakatataas ang nangyayari a loob ng division. Wala naman kaming magagaw eh, ordinaryong estudyante lang ako kaya wala kaming pwedeng ireklamo dahil wala rin namang mangyayari. Sana may taong magbubunyag ng baho ng dibisyong ito.Sana nga!



Dan PoV

Malalakas talaga ang mga kalaban namin ngayon. Alam naming talo kami pero naniniwala pa rin ako na makakaya naming lampasan ito. Nagtitiwala ako sa kakayahan ni Evor na mas malakas siya kesa sa S+.






Marie PoV

Katapusan na talaga namin ngayon. Wala eh. Mahihina pa talaga kami. Pero pagkatapos nito, magpupursigi pa kaming magtraining para mas lumakas pa ako,kami!. Sana!




Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt