Nangingiti ako nang isarado ko ang pintuan sa passenger's seat ng kotse ko kung saan nakaupo si Athena. Ramdam kong nanggigilaiti siya sa inis, pero sigurado akong natakot siya sa banta ko kaya tumiklop siya. Marunong din pa lang matakot ng Amazona na ito. Natatawang bulong ko sa isip.
I cleared my throat bago ako pumuwesto sa driver's seat. Pagkuwa'y pinilit kong maging seryoso kahit gusto kong matawa kasi inirapan ako ni Athena. Ang cute niya at kahit galit siya'y ang cute niya pa rin.
Never ko s'yang napagtuunan ng atensiyon dati kahit madalas ko s'yang makita, siguro kasi'y masyado akong naka-focus noon kay Keera.
"Seat belt, please?" Turan ko sa kanya nang humawak ako sa manibela.
"Ayaw kong mag-seat belt." She answered as she crossed her arms over her chest.
"Okay. Ako na lang ang magsi-seat belt sa'yo." Turan ko at akmang hahawakan ko na 'yong naturang belt nang paluin niya 'yong kamay ko.
"Ako na." Iritable n'yang sabi bago niya ito hinagilap sa tagiliran niya. "Masyado kang nagmamagaling, eh, 'no?"
"Hindi naman." Natatawa kong sabi bago ko pinaandar 'yong sasakyan. "Sabi mo kasi ayaw mo, eh kaya ako na lang sana ang gagawa para sa'yo."
"Whatever, Sabino." She said as she rolled her eyes. Napangiti ako, first time ko yatang narinig na may tumawag sa akin nang 'Sabino'.
"I love it." Nangingiting sabi ko nang sumulyap ako sa kanya.
"Ang alin?" Kunot-noong tanong n'yang tumingin sa akin.
"'Yong Sabino."
"Akala ko naman kung ano." Turan n'yang bahagyang sumandal.
"Can I call you Faith?" Tanong kong hindi tumitingin sa kanya. Naka-focus ako sa daan.
"You can call me whatever you want, huwag lang Amazona. Utang na loob."
Natawa ako sa huli n'yang sinabi, saglit akong sumulyap sa kanya at pakiramdam ko'y na-relax ako nang makita kong nakatawa rin siya. Mabuti naman at hindi na siya naiinis.
"Bakit ayaw mong tinatawag kang Amazona?"
"Eh, kasi 'yong mga kalaro kong lalaki no'ng bata pa ako'y iyon na ang tawag sa akin t'wing inaasar nila ako kaya bwisit na bwisit ako tapos da-dagdag ka pa."
"Baka type ka ng mga kalaro mo dati kaya kunwari'y dinaraan nila sa pang-aasar sa'yo para mapansin mo sila."
"Type ba 'yong sinusuntok nila ako? Kinakarate? Binubugbog? Sobrang pagpa-papansin naman nila 'yon."
I laughed at what she said. "Kaya ka pala lumaking ganyan, eh kasi dahil sa mga kalaro mong lalaki."
"Siguro nga, karamihan din kasi ng pinsan ko'y mga lalaki. Kapag pumupunta sila sa bahay dati, puro larong panlalaki 'yong nilalaro namin at si daddy, gusto niya talaga ng anak na lalaki kaya lahat ng laruan ko'y puro panlalaki. Never kong naranasang maglaro ng manika."
"Kelan ba ang birthday mo para reregaluhan kita ng manika?" Nangingiti kong sabi. "Better late than never."
"Siraulo." Tumatawa n'yang turan. Saglit ding namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pasimple ko s'yang sinulyapan. Nakatanaw siya sa bintana.
"Wala ka yatang suot na baseball cap ngayon, ah."
"Oo, bawal sa office, eh." Nakangiting tugon niya. Muli ko na namang nasilayan 'yong cute n'yang dimple.
"Bagay sa'yo ang palaging nakangiti. Ang cute ng dimple mo." Nakangiti ring turan ko sa kanya. Bigla s'yang sumimangot. "Oh, bakit?"
"Ang dami mong napapansin."

YOU ARE READING
I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥
RomanceI Belong with you Tagalog Romance Story Taennie Lovers Hope you like it. _____________