CHAPTER 25

76 2 0
                                        

[CHAPTER 25]

[Athena’s POV]

“Thank you so much for the opportunity, tito Simon.” Turan ko sa amo ko. Kinausap ako nito nang mabasa nito ang resignation letter ko. Inamin ko rito ang totoong dahilan ng paglisan ko sa trabaho. “Ang dami kong natutunan dito sa kumpanya mo.”

Malungkot nitong itinupi ang resignation letter ko bago ako tiningnan ng diretso.

“I will miss you, but I am happy for you. Kung ano ang napili mong landas na tahakin ay magiging masaya ako para sa’yo.” Nakangiti nitong sabi. “Sa totoo lang, ako ang dapat na magpasalamat sa’yo kasi sobrang laki nang naitulong mo para mapalago ang kumpanyang ito. Ang daming naglalakihang kumpanyang gustong kumuha sa’yo, pero mas pinili mo pa ring dito magtrabaho. Dahil sa’yo kaya napasaatin ang Manhattan Resort.”

“No, tito Simon. Hindi ‘ako’ ang dahilan kung bakit sa atin na-award ang Manhattan, kundi ‘tayo’. Pinagsikapan natin ‘yon, eh. Tayo, bilang isang team.”

“Pero ikaw pa rin ang gumawa ng paraan sa bandang huli.” Nanatili itong nakangiti nang tumayo ito mula sa pagkakaupo.

Inilahad nito ang kanang kamay. Tinanggap ko iyon bago ako tumayo na rin mula sa pagkakaupo at walang sabi-sabing bigla nito akong niyakap. Bahagya nitong tinapik-tapik ang aking likod.

“Mami-miss kita, Athena. Para na rin kitang anak. Huwag mo akong kalilimutan ha.” Biro nito sa akin nang pakawalan ako nito.

“Kayo na rin po ang nagsilbi kong ikalawang ama. Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan at kapag kailangan n’yo po ako’y darating po ako agad. Tawagan n’yo lang po ako.” Nakangiting sabi ko rito.

“Maraming salamat. Magi-ingat ka palagi.” Nakangiti ring turan nito.

“Opo, tito Simon. Kayo rin po.”

Nang matapos kaming mag-usap ni tito Simon ay sa mga katrabaho ko naman ako nagpaalam. Napamahal na rin ako sa mga ito kaya nama’y tiyak na mami-miss ko talaga ang mga ito.

“Ang daya mo talaga, Athena. Napaka-malihim mo.” Pagkuwa’y nagtatampong turan ni Elvie.

“Kaya nga.” Sang-ayon naman ni Alicia. “Kundi ka pa naaksidente ay hindi pa namin malalaman na may asawa ka na pala.”

“Sorry, guys. Actually, humahanap lang talaga ako ng tamang tiyempo, pero sasabihin ko naman talaga sa inyo, eh.” Turan kong nangingiti.

“So, wala na talagang pag-asa si Vince?” Pagkuwa’y malungkot na tanong ni Kevin.

“Loko ka talaga, Kevin.” Namumulang saway rito ni Vince na ikinatawa naming lahat.

“Akala nami’y kliyente mo lang ‘yong palaging sumusundo sa’yo, ‘yon pala’y presidente iyon ng Tiger Development.” Nakangising turan ni Paul. “Walang-h*ya! Ginayuma mo ba ‘yon, Athena?”

“Siraulo!” Natatawang turan ko kay Paul bago ko ito binato ng nilukot na papel. Tawa ito nang tawa nang masapul ito sa mukha nito.

“Mami-miss ka namin, Athena.” Turan nina Elvie and Alicia bago ako niyakap ng mga ito.

“Mami-miss ko rin kayo.”

Nang makalabas na ako ng opisina’y sinundan ako ni Vince. Akmang pasakay na ako sa kotse ko nang tawagin ako nito.

“Magi-ingat ka palagi ha.” Nakangiting turan niya nang lingunin ko siya.

“I will. Ikaw din.” Nginitian ko rin siya. “Kayo na ang bahala sa Manhattan. Makikibalita na lang ako.”

“Kapag natapos na namin ang Manhattan ay magce-celebrate tayo. Invite ka namin ha.”

“Sige ba.”

I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz