[Athena’s POV]
Tahimik kaming nakaupo ng mommy ni Levi sa labas ng kanyang silid habang ichi-ni-check siya ng mga duktor and nurses. Kabado ako kasi hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ia-approach ‘yong mommy niya. Mukha naman itong mabait, pero nahihiya pa rin ako. Hindi ko expected na bigla na lang akong ipakikilala rito ni Levi bilang asawa niya.
“P'wede mo ba akong samahan sa canteen, hija?” Napasulyap ako rito nang bigla itong nagsalita.
“Ah, sige po, Ma’am.” Tugon kong may paga-alinlangan bago ako tumayo mula sa pagkakaupo. Sabay kaming naglakad nito patungo sa kantina ng hospital. Nang makapasok na kami’y agad ko itong inalok ng coffee. “Coffee po?”
“Yes, please?”
Pagkalipas ng ilang minuto’y inilapag ko sa harapan nito ang isang tasang kape bago ako naupo sa tapat nito. Sobrang kabado ako. Iba pala ang pakiramdam kapag nakaharap mo na ang biyenan mo sa unang pagkakataon.
“Thank you.” Nakangiting turan nito sa akin. Her eyes are brown. Ang ganda-ganda rin ng mukha nito. Ang alam ko’y nasa early fifties na ang edad nito, pero kung titingnan mo ito’y parang wala pa. Parang ang bata pa. “Alam mo, parang nakita na kita, hija.”
“Opo. No’ng kasal po nina Dylan and Keera, nando’n po ako. Isa po ako sa mga bridesmaids.”
“I see.” Tatangu-tango n’yang sabi. “So, kaibigan ka ni Keera?”
“Opo, Ma’am.” Tugon ko habang mahigpit ang pagkakakapit ko sa sarili kong tasa. She cleared her throat bago siya humigop ng kape. Tiningnan niya ako ng diretso. Pinilit ko rin s’yang tingnan sa mata kahit ang totoo’y parang sasabog na ‘yong puso ko sa labis na kaba ng mga sandaling iyon.
“Matagal na ba kayong kasal ng panganay ko?”
“Actually, kelan lang po. Buwan pa lang po ang nakalilipas.”
“To be honest, okay naman kami ng anak ko kaya lang hindi siya gano’n ka-close sa akin kaya hindi na ako magtataka kung bakit wala akong alam sa pagpapakasal niya, pero I think, even his dad ay wala ring alam dito.”
“Sorry po, ang totoo po n’yan ay ako po talaga ang may ayaw na malaman n’yo ang tungkol dito.” Pag-amin ko. “Si Levi, gusto niya po talagang ipaalam sa inyo ang totoo kaya lang po natatakot kasi ako na baka hindi ako karapat-dapat na maging parte ng pamilya n’yo, Ma’am.”
Ngumiti siya bago niya hinawakan ang kamay kong nakahawak sa tasa ko.
“Hija, noon pa man ay sinabi ko na sa sarili ko na kung sino man ang piliing mapangasawa ni Levi ay hindi ako tututol. Nasa tamang edad na siya at alam na niya kung ano ang tama at mali. May karapatan s’yang lumigaya at alam kong gano’n din ang pananaw nang kanyang ama kaya wala kang dapat ipag-alala sa amin ng daddy niya. Basta, mahal ka ng anak namin at sa’yo liligaya si Levi, you deserve to be part of our family.”
Napangiti ako. Pakiramdam ko’y medyo nabawasan na ‘yong kaba ko dahil sa tinuran ng mommy ni Levi. The way na magsalita ito ay mapaghahalataang mabait ito.
“Salamat po, Ma’am.”
“The only problem is his grandfather.” Turan nito. “Sobrang istrikto ang lolo ni Levi. Isa pa, favorite apo nito si Levi kaya lahat ng tungkol kay Levi ay pinakikialaman nito.”
“Aware naman po ako tungkol dito, Ma’am.” Tugon ko. “At maiintindihan ko po kung hindi ako magugustuhan ng lolo ni Levi.”
Napatango na lang ito bago ito napabuntong-hininga.
“Lalamig ‘yang kape mo at saka baka mabasag na ‘yang tasa mo sa higpit ng pagkakahawak mo.” Nangingiting sabi nito na ikinatawa ko. “By the way, I have breakfast here.” Turan nitong inilabas nito mula sa dala nitong paper bag ang mga pagkaing pang-almusal.

YOU ARE READING
I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥
RomanceI Belong with you Tagalog Romance Story Taennie Lovers Hope you like it. _____________