[CHAPTER 21]
[Levi’s POV]
Sa tulong ni Keera ay natunton ko ang bahay nina Athena. Nang mag-doorbell ako’y isang may edad ng babae ang lumabas. Sa tingin ko’y ito ang Inay Lolit ni Athena.
“Good morning po.” Nakangiting bati ko rito.
“Good morning, Sir. Sino ho sila?”
“Kayo ho ba si Inay Lolit?”
“Ah, ako nga.”
“Ako ho si Levi Alejandro.” Magalang na pakilala ko rito bago ko formal na inilahad ang aking kamay. Tinanggap niya ito. “Husband po ako ni Athena.”
“Ha?” Tila hindi makapaniwalang reaksiyon nito. “May asawa na ang alaga ko?”
“Opo.” Nakangiting tugon ko.
“Naku, ang batang ‘yon talaga, napaka-malihim. Ni hindi man lang nagsabi na nag-asawa na pala siya.” Nakangiti ring sabi nito. “Halika, pasok ka sa loob. Hindi mo ba siya kasama?”
“Hindi ho, eh.”
“Hindi talaga ako makapaniwalang nag-asawa na siya. Parang kelan ko lang siya binibiro, eh. Makukurot ko talaga sa singit ang batang iyon.”
Natatawa na lang ako nang sumunod ako rito. Tiyak akong kapag nalaman ni Athena na ibinuking ko siya sa inay Lolit niya ay siguradong masasapak niya ako.
“Nabalitaan ko ho ‘yong nangyari sa daddy niya.”
Pagsisimula ko habang nakaupo ako sa sofa. Kasalukuyan akong kumakain ng sandwich na inihain ni Inay Lolit.“Oo, eh. Kaya nga awang-awa talaga ako kay Faith ngayon, eh kasi tiyak akong problemado siya.” Tugon nito bago nito ikinuwento sa akin ang lahat-lahat.
“Actually, nandito ho ako para tumulong.” Pagkalipas ng ilang minutong pag-uusap namin ay naisatinig ko.
“Naku, hindi ba nakakahiya, Sir?” Mahihimigan ang paga-alangan sa tinig nito.
“Levi na lang ho.” Turan ko. “At saka, wala ho ‘yon sa akin. Kung anuman ho ang problema ni Faith ay problema ko na rin bilang asawa niya.”
“Maraming salamat. Napaka-suwerte sa’yo ni Faith.”
Nang matapos kaming mag-usap ni Inay Lolit ay nagtungo na kami sa presinto kung saan naroroon ang daddy ni Athena. Ayon kay Inay Lolit, nasasaad sa kasunduan na makalalaya lamang si Mr. Fernando Buencamino kung makapagbabayad ito ng utang nito kay Mr. Paulino Geronimo.
Ipinatawag ko ang kaibigan kong abogado para may backup kami. Mahirap na at baka hindi tumupad sa usapan ang mga Geronimo lalo pa’t nalaman kong si Page ang pursigidong maipakulong ang daddy ni Athena.
Laking pasasalamat ko nang maayos naman naming nakausap si Mr. Geronimo. Matino naman itong kausap. Nang matanggap nito ang kaukulang bayad ay iniurong na nito ang kaso.
“Maraming salamat, hijo.” Tuwang-tuwa sabi sa akin ni Mr. Fernando bago ako nito kinamayan.
“Walang anuman, Sir. Basta para ho sa anak n’yo, handa ko hong gawin ang lahat.”
“Masuwerte pala sa’yo ang anak ko.” Nakangiti n’yang sabi sa akin. “Pero masasabi kong mas masuwerte ka sa kanya dahil mabait na bata ‘yon, masungit nga lang at matapang, pero sigurado akong ikaw ang unang lalaking minahal no’n.”
Napangiti ako sa tinuran ni Mr. Fernando. Sabi nga nila, masuwerte raw talaga ang mga lalaking sila ang unang minahal ng mga babae.
“By the way, kapag may oras ka’y mag-inuman tayo sa bahay para naman makapag-kuwentuhan tayo at mas makilala pa kita bilang manugang.” Bahagya ako nitong tinapik sa balikat.

CZYTASZ
I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥
RomansI Belong with you Tagalog Romance Story Taennie Lovers Hope you like it. _____________