Chapter 19

73 1 0
                                        

[CHAPTER 19]

[Athena’s POV]

Kasalukuyan akong nasa meeting with the Manhattan Resort’s owner nang maramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko. Tiyak akong may tumatawag. Pasimple ko itong sinilip, pangalan ni Inay Lolit ang rumehistro sa screen. Bigla akong kinabahan. Hindi ako basta-basta tinatawagan ni Inay Lolit kung walang mabigat na dahilan.

Nang matapos ang aming meeting ay agad kong idi-nial ang numero ni Inay Lolit.

“Faith?” Maagap nitong tugon sa kabilang linya.

“Inay, tumawag po kayo?”

“Oo, pasensiya ka na sa abala ha.”

“Okay lang, Inay. Nasa meeting ho ako kanina kaya hindi ko nasagot. Bakit po?”

“Ang daddy mo kasi nakakulong ngayon.”

“Po?” Gulat kong reaksiyon. Pakiramdam ko’y biglang may pumukol sa ulo ko ng mga sandaling iyon. “Bakit po? Ano pong nangyari?”

“’Yong anak ng isa sa mga pinagkakautangan ng daddy mo’y ipinakulong siya. Kung anu-ano ang mga ikinaso sa kanya at ang alam ko’y makakalaya lamang siya kapag nakapag-bayad siya ng utang.”

“Nasaang presinto ho si daddy? Pupuntahan ko ho siya.”

“Sige, Faith. Ite-text ko sa’yo ‘yong complete address.”

Nang maibigay sa akin ni Inay Lolit ‘yong complete address ng presintong kinaroroonan ni daddy ay agad ko itong pinuntahan.

“I’m really sorry, Faith.” Agad na turan ni daddy nang magkaharap kami. “Nahihiya ako sa’yo. Gusto ko na talaga sanang magbago kaya lang nagulat na lang ako nang malaman kong idinemanda ako ng anak ni Mr. Geronimo gayong may usapan naman kami nito na magbabayad ako rito kahit pakonti-konti.”

“Huwag kang mag-alala, dad. Kakausapin ko ang anak ni Mr. Geronimo. Makikiusap ako sa kanya na ako na ang magbabayad sa kanila ng utang mo, basta palayain ka lang.”

“Huwag na, anak. Tiyak akong mabibigo ka lang. Maldita ang anak ni Mr. Geronimo at tiyak akong hindi siya papayag sa nais mo. At saka, anak, napakalaki ng utang ko sa kanila. Ayaw kong ikaw ang magdusa sa pagbabayad nito gayong wala ka namang kinalaman dito.”

“No, dad.” Umiling ako bago ko hinawakan ang kanyang mga kamay. “Mahal kita. At hindi ako papayag na makulong ka rito habang-buhay.”

“Anak, halos limang milyon ang utang ko sa mga Geronimo. Ayaw kong pagdusahan mo iyon.” Turan ni daddy. Nakita ko ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya. Iyon yata ang unang araw na nakita kong umiyak siya. “Kung alam ko lang na ito ang kalalabasan ng pagiging sugarol ko noon ay sana’y hindi na ako nagpatuloy pa sa kalokohan ko. Pati tuloy ikaw ngayon ay nadadamay.”

“Dad, nangyari na po. Huwag na nating balikan pa ang nakaraan. Ang importante ay ang kasalukuyan, ang pagbabago n’yo. Huwag kayong mag-alala, dad. Ilalabas kita rito.”

“Salamat, anak.” Tuluyan na s’yang umiyak. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumipat sa kanyang tabi upang yakapin siya.

Nang matapos kaming mag-usap ni daddy ay agad akong nagtungo sa tanggapan upang alamin ang pangalan ng nagsampa ng kaso sa kanya. Baka maaari ko itong pakiusapan na ako na lang ang magbabayad ng utang ni daddy sa pamilya nito at kung maaari ay hulugan lang. Jusko, saang kamay ng Diyos ko kaya kukunin ang limang milyon? Kahit yata’y sagarin ko ‘yong ipon ko’y hindi pa rin iyon aabot.

“Si Pamela Geronimo, Ma’am.” Magalang na tugon no’ng pulis na nakausap ko.

“Pamela Geronimo?” Napakunot-noo ako. “Iyan ba ‘yong model, Sir?”

I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥Donde viven las historias. Descúbrelo ahora