[CHAPTER 9]
[Athena's POV]
'Guys, may batchmate ba tayo na Lino ang pangalan?' Nabasa kong tanong ni Keera sa group chat naming magkakaibigan.
'Lino? Anong apelyido?' Tanong ni Myka. 'Parang wala kasi akong maalalang Lino, eh.'
'Hindi ko alam kung anong last name. Basta Lino lang, eh. Magaling na soccer player daw.'
'Kilala ko ang mga magagaling na soccer player sa batch natin at wala naman akong maalalang may Lino do'n.' Turan ni Melchor.
'Oo nga.' Si Myka ulit. 'Bakit ba? Wanted ba ang Lino na 'yan?'
'Tinatanong kasi ako ni Dylan, eh. Pinapatanong daw ni Levi.' Tugon ni Keera.
Napangiti ako. Hindi talaga maka-move on ang loko. Nagtanong pa talaga. Sa isip-isip ko.
'Hoy, Athena, puro seen ka diyan. Wala ka na bang daliri pang-type?' Myka noticed me with a laughing face emoticon kaya natawa ako.
'Athena, player soccer ka dati, may kilala ka bang Lino?' Si Keera.
'Guys, wala, eh.' I replied. Gusto kong sabihin na si Levi 'yon para huwag na silang mahirapang mag-isip kung sino dahil wala naman talagang Lino.
'Ako, may kilala akong Lino.' Biglang chat ni Aria.
'Talaga? Sino?' Si Keera.
'Yong kapit-bahay ni Athena.' Aria replied with a laughing face emoticon.
'Oo nga, 'no?' Si Melchor. 'Kumusta na nga pala 'yong kapit-bahay mo na 'yon, Athena?'
'Dahil ba sa kanya kaya palagi kang absent dito sa group chat?' Tanong ni Myka. Naiiling na lang ako na natatawa. Ako na naman ang nakita ng mga ito.
'Pasensiya na, guys. Marami kasi akong plano na kailangang tapusin ngayon, eh kaya hindi ako masyadong nakikipagkulitan sa inyo lately.' Turan ko. Totoo namang marami akong trabaho, pero ang totoong dahilan kung bakit nawawalan ako ng time sa kanila ay si Levi. Wala kasi itong ginawa kundi ang tawagan ako gabi-gabi. Lahat na yata ay napag-kuwentuhan na namin, pati 'yong mga kanunu-nunuan namin. 'Yong tipong inaabot na kami ng madaling araw kaya parati akong puyat.
'Baka may iba ka ng pinagkakaabalahan, Athena ha. Hindi ka man lang nagku-kuwento diyan.' Turan ni Aria.
'Wala, guys.' Matipid kong tugon before I logged out. Nakita ko kasing tumatawag sa akin si Levi.
"Hey, Batman Lover." Bati niya sa kabilang linya.
"Hi." I greeted him back bago ako padapang humiga sa kama ko. Masama ang pakiramdam ko ng araw na iyon kaya hindi ako pumasok. Sobrang pagod din siguro sa kapapabalik-balik ko sa Batangas.
"Coffee tayo? My treat."
"Next time na lang, Levi. Tinatamad kasi akong lumabas."
"Hindi ka pumasok ngayon?"
"Hindi."
"Are you alright? May sipon ka ba?" Tanong niya, nahalata niya siguro sa boses ko.
"Yeah, I'm fine. Oo, meron nga kaya hindi muna ako pumasok, baka makahawa ako." Natatawa kong sabi.
"May gusto ka bang kainin? Bibilhan kita."
"Huwag na. Okay lang ako. Gusto ko lang matulog."
"Athena, puro ka na lang tulog. P'wede bang kumain ka naman." Seryosong turan niya sa kabilang linya.
"Opo, kakain naman ako mamaya." Turan ko bago ako nagpaalam sa kanya. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Nang magising ako'y madilim na sa loob ng kuwarto ko. Pinilit kong bumangon kahit tamad na tamad ako. Ang bigat-bigat ng katawan ko. Pasado alas-siete na pala ng gabi base sa relo ko.

YOU ARE READING
I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥
RomanceI Belong with you Tagalog Romance Story Taennie Lovers Hope you like it. _____________