Chapter 18

68 1 0
                                        

General Fiction/Romance]

[CHAPTER 18]

[Athena’s POV]

“Mauna na ako, Lino.” Turan ko kay Lino nang sumulyap ako sa relo sa kaliwa kong braso. Pasado alas-singko na ng hapon. Tiyak akong nakauwi na si Levi. Though nagpaalam naman ako sa kanya na may ka-meeting ako, pero ang sabi ko kasi sa kanya ay saglit lang ako para may oras pa kaming dalawa para mag-bonding. “Baka hinihintay na ako ng asawa ko, eh.”

“Okay.” Nakangiti n’yang sabi habang inililigpit ko ‘yong mga gamit ko. “Sana, one day, katulad mo rin ‘yong mapangasawa ko. ‘Yong excited umuwi kasi nag-iintay ako.”

“Sa tingin ko’y mabuti kang tao kaya tiyak akong makatatagpo ka ng babaeng karapat-dapat para sa’yo.”

“Sana nga, Architect.” Nakangiti n’yang sabi kaya nginitian ko rin siya.

“Think positive.”

“Salamat, Architect.”

“Okay.” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. “Mage-e-mail na lang ako sa’yo kapag naayos ko na ito. So, kapag okay na sa’yo ay saka ko ifa-finalize ‘yong plano.”

“Sige.” Turan niya habang nakasunod siya sa akin palabas ng coffee shop. Sumunod din siya sa akin patungo sa kinapaparadahan ng kotse ko. “Mag-ingat ka.”

“Ikaw din.” Turan ko nang sumakay na ako sa kotse ko.

“Next time, kapag nagkita ulit tayo, isasama ko si Blake para makilala mo siya. Tiyak akong magugustuhan n’yo ang isa’t-isa. Magkamukha talaga kayo, eh.”

“Sure.” Natatawa kong tugon bago ko pinaandar na ang kotse ko. Bahagya pa s’yang kumaway sa akin.

6 PM na nang makarating ako sa bahay ni Levi. Nakita ko s’yang nagluluto kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanyang likuran before I hugged him from behind.

“Ang sarap naman n’yan.” Nakangiti kong sabi. Paboritong ulam ko ang niluluto niya. Sinigang na hipon. Agad s’yang ngumiti bago niya ako nilingon at masuyong inangkin ang aking mga labi.

“I missed you, baby.” He said as he nibbled my lower lip and I groaned.

“I missed you, too, Sabino.” I answered as I felt his hand caressing my back. Natatawa kong hinuli ‘yong kamay niya kasi nakikiliti ako eh. “Sabino, nagsisimula na naman ‘yang kamay mo ha.”

“Bawal ba, baby?” Nangingiting tanong niya.

“Bawal.” Natatawang tugon ko bago ako naglakad patungo sa fridge para kumuha ng inumin.

“At bakit bawal?” Nakalabing tanong niya nang sumunod siya sa akin. Bitbit na niya ang isang mangkok, laman ang niluto niya at inilapag niya ito sa mesa.

“Kasi meron ako today, baby. Mabibitin ka lang.” Turan ko habang kumukuha ako ng plato.

“P’wede naman ‘yon, baby.” Tumatawang sabi niya bago niya inagaw sa kamay ko ‘yong mga utensils.

“Ano ka? Kadiri ka.” Natatawa kong sabi bago ko siya pinalo sa braso at tumawa rin siya.

“Just kidding, baby.”

“Kanina ka pa ba nakauwi?” Tanong ko nang magsimula na kaming kumain.

“Yup. Alas-tres yata.”

“Bakit ang aga?”

“Nami-miss kasi kita, eh. Wala ka naman doon.”

“Minsan mo na nga lang makasama ang mommy mo, eh, hindi ka pa nag-stay ng matagal.”

I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥Место, где живут истории. Откройте их для себя