[CHAPTER 10]
[Athena's POV]
Bahagya akong nag-inat nang magising ako. Sobrang lamig sa kuwartong kinaroroonan ko kahit balot na balot 'yong katawan ko ng isang comforter. Napakunot-noo ako ng marealize kong nasa loob ako ng silid na hindi familiar sa akin.
"Oh, no!" Bahagya kong natampal 'yong noo ko nang bumangon ako. Biglang lumilis 'yong comforter and sh*t! Nakahubad ako. "Anak ng tipaklong!" Bulalas ko nang marealize kong hindi lang pang-itaas ang wala ako kundi I was totally naked under the comforter.
Napalunok ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan ko. Isang matandang babae ang iniluwa nito. Nakangiti ito sa akin. Agad kong hinila paitaas ang comforter para takpan ang dibdib ko. Alanganin akong ngumiti rito. Pakiramdam ko'y pulang-pula ang aking pisngi ng mga sandaling iyon dahil sa labis na hiya.
"Good morning." Bati nito sa akin.
"G-Good morning po."
"Ako ang naghubad sa'yo. Pinunasan ko kasi 'yong katawan mo kagabi kasi lasing na lasing ka. Pinaasikaso ka sa akin ni Sir Levi, pero huwag kang mag-alala, hindi siya pumasok dito sa guest room."
Oh, God, thank you. Parang gusto kong matawa, inisip ko talagang pinagsamantalahan ako ni Levi?
"Salamat po."
"Ito 'yong undergarments mo. 'Yong pang-itaas at pants mo ay nasa laundry room pa. Tuyo na rin 'yon kaya lang ang sabi ni Sir Levi ay ito raw muna ang ipasuot ko sa'yo." Nanatili pa rin itong nakangiti nang iabot nito sa akin ang mga panloob kong kasuotan, isang cycling shorts at isang puting malaking T-shirt na may naka-print na 'Alejandro' sa likuran nito.
"Salamat po ulit." Nakangiti ring tugon ko nang tanggapin ko ang mga iyon. "S-Si Levi po pala?"
"Nasa kitchen. Nagluluto ng breakfast." Tugon nito. "So, paano, maiwan na kita ha."
"Sige po. Maraming salamat po talaga." Bahagya pa akong tumango rito hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng silid. Agad akong pumasok sa sariling banyo ng guest room at naligo. Halos lunurin ko ang sarili ko sa ilalim ng shower. Bahagya kong itinukod ang magkabila kong palad sa wall tiles bago ko ipinikit ang aking mga mata. Pilit kong inaalala kung ano ba 'yong mga nasabi ko kay Levi no'ng nagdaang gabi, pero hindi ko talaga maalala.
Nang makapagbihis na ako'y dahan-dahan akong lumabas ng guest room. Grabe, ang lawak ng bahay ni Levi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pakiramdam ko'y maliligaw ako. I walked slowly towards the main door. Plano ko na sanang lumabas at huwag nang magpakita kay Levi. Sasakay na lang ako ng taxi tapos sa bahay na lang ako magbabayad kasi wala akong pera, pero anak ng tipaklong! Nahuli ako ni Levi.
"Where are you going?" Narinig kong tanong niya buhat sa likuran ko. Napaigtad pa ako sa gulat. Bahagya kong kinagat 'yong pang-ibaba kong labi nang lingunin ko siya.
"Oh, hi." Pagkuwa'y bati ko sa kanya. Pilit ang ngiti ko.
"Good morning." Nakangiting bati niya. Nakasuot lamang siya ng plain light blue shirt and grey shorts, pero ang guwapo-guwapo niya pa ring tingnan. Mukhang kagalang-galang pa rin. "Mabuti naman at gising ka na. Let's eat."
"Levi, kailangan ko nang umuwi."
"No. You have to eat first." Turan niya nang humakbang siya palapit sa akin.
"Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko."
"Hindi ka nila hahanapin kasi tinext ko na sila."
"What?!" I asked aghast.

ВЫ ЧИТАЕТЕ
I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥
Любовные романыI Belong with you Tagalog Romance Story Taennie Lovers Hope you like it. _____________