Chapter 6

79 2 0
                                        


[CHAPTER 6]

[Athena's POV]

Araw ng Linggo, wala akong pasok. Wala rin akong lakad at tila wala rin sa mood ang mga kaibigan kong guluhin ang tahimik kong buhay. Mabuti naman at makapagpapahinga ako.

Pasalampak akong naupo sa sofa bago ko dinampot ang sketch pad ko. Inspired akong mag-drawing ng mga sandaling iyon. Naisip kong ipinta 'yong mukha ni Levi. Kasalukuyang nasa parte na ako ng labi nito nang marinig kong may nag-doorbell. Inilapag ko 'yong sketch pad ko sa center table bago ako tumayo mula sa pagkakaupo.

"Hi." Nakangiting bati ni Levi sa akin.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Gulat kong tanong sa kanya. Napatingin pa ako sa isang bouquet ng red roses na dala niya at isang box ng Ferrero chocolate.

"Manliligaw."

"Manliligaw?" Kunot-noo kong tanong sa kanya bago ako sumulyap sa relo ko. Alas-dies pa lang ng umaga. "Levi, ang aga pa. May lahi ka bang Chinese?"

Tumawa siya. "Daig ng maagap ang masikap, 'ika nga nila. At saka, mahirap ng maunahan. Mabuti na ang maaga."

"Maunahan ka diyan. Eh, ikaw lang naman 'yong nanliligaw sa akin." Natatawa kong sabi bago ko siya pinapasok sa loob ng bahay.

"Ibig sabihin kung sakali pa lang sagutin mo ako, ako ang first boyfriend mo?"

"Malamang."

"Ang suwerte ko pala." Nakangisi n'yang sabi.

"Kung sasagutin kita. Eh, sa tingin ko'y mapapagod ka lang kasi hindi naman kita magugustuhan."

"Feeling ko mai-in love ka sa akin." Sabi n'yang nakatingin sa picture frame kung saa'y naroroon ang larawan ko no'ng first time kong maglaro ng soccer. "Soccer player ka?"

"Dati." Tugon ko nang lingunin niya ako.

"Wow!" He looked amaze. "Actually, naisip ko 'yon, eh, no'ng nagkita tayo galing Batangas. Sa convenience store, no'ng sinipa mo 'yong empty bottle."

"Ah, nakita mo pala 'yon." Turan kong tinalikuran siya. Pagkuwa'y inayos ko 'yong sofa. "Actually, nagkalaro na tayo dati. Magka-team nga tayo, eh."

"Totoo?" Tila hindi makapaniwalang tanong niya nang lumapit siya sa likuran ko. "Hindi ko maalala."

"Siguro kasi Senior ka no'n tapos Junior ako kaya hindi mo ako napansin at saka, suplado ka kasi dati, eh, kaya hindi ka namamansin talaga." Nangingiti kong sabi.

"Hindi ah. Mahiyain lang talaga ako dati at saka tahimik. Hindi ako tulad ni Dylan na friendly. Pero kapag may lumalapit sa akin para kausapin ako'y nakikipag-usap naman ako."

"Huwag ka ng magpaliwanag. Suplado ka lang talaga, Sabino."

"Hindi kaya." Natatawa n'yang sabi nang maupo siya sa sofa. "Kung nilapitan mo ako noon at kinausap, tiyak na naging magkaibigan na tayo noon pa."

"Hindi rin." Turan kong inirapan siya. "Ilang beses kaya kitang tinangkang kausapin noon, pero dead-ma ka."

"Nagi-imbento ka ng kuwento, ano?" Tumatawang sabi niya habang nakatingin siya sa akin. Natawa rin ako.

"Sira! Bakit naman ako magi-imbento? Eh, 'yon naman talaga ng totoo." Giit ko. "Juice, coffee? Water, Beer? Anong gusto mo?"

"Uhm, huwag ka ng mag-abala pa. Dito ka na lang sa tabi ko maupo, mag-kuwentuhan tayo." Nakangiting turan niya. Nakatayo lang kasi ako sa harapan niya.

"Mamaya na tayo magkuwentuhan. Ikukuha muna kita ng maiinom. Baka manuyo 'yang lalamunan mo, eh." Turan kong tinalikuran siya. Narinig ko ang pagtawa niya nang pumasok ako sa kusina.

I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥Where stories live. Discover now