[CHAPTER 12]
[Levi’s POV]
Bahagya kong minasahe ang magkabilang sentido ko. Pakiramdam ko’y nagdo-doble na ang tingin ko sa mga numerong tinitingnan ko. Kabibigay lang ng report sa akin ng Accounting department regarding sa Finances ng kumpanya. Alas-nuebe pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko’y maghapon na akong nagta-trabaho.
“Hi, Sir Levi.” Nakangiting bati sa akin ni Christine. Secretary ko ito. “May nagpapabigay po nito sa inyo.” Inilapag niya sa mesa ko ang isang cup ng brewed coffee.
“Sino?” Kunot-noo kong tanong sa kanya.
“Hindi ko po kilala, Sir, actually ngayon ko lang po siya nakita, pero maganda po siya.” Nanatili s’yang nakangiti sa akin na tila ba nanunukso kaya napangiti rin ako.
“Okay, Christine. Salamat.”
“Feeling ko siya ‘yong lagi n’yong kasama kapag lumalabas ka, Sir.” Biro niya kaya natawa ako. “Ayiee! Si Sir Levi, in love siya.”
“Ikaw talaga, Christine, masyado kang maraming alam.” Biro ko rin sa kanya.
“Wala kaya akong alam, Sir. Kapag nagtatanong nga ang daddy at ang lolo mo, ang lagi kong sagot eh, may ka-meeting kang kliyente.”
“Very good. Dahil diyan ay may bonus ka sa akin.”
“Yehey! Thank you, Sir Levi.” Tila batang sigaw niya. “P’wedeng ang bonus na lang Sir, eh umuwi ako ng maaga ngayon, please?”
“Okay.”
“Yes! Sabi mo ‘yan, Sir Levi ha. Sana palagi ka na lang in love, Sir para lagi kang mabait sa akin at hindi suplado.” Turan n’yang tumatawa bago siya lumabas ng opisina ko. Naiiling na lang ako na natatawa.
Matagal ko na itong secretary kaya sanay na sanay na ito sa ugali ko. Dinampot ko ‘yong coffee. Napansin kong may nakadikit ma maliit na card sa cup kaya tiningnan ko ito at binasa ang nakasulat.
‘Hey, Sabino, hope you enjoy this coffee. Huwag masyadong magpapagod at huwag mambababae ha. I love you so much. – Athena.’
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nabasa ko. Sa tingin ko’y biglang gumaan ‘yong pakiramdam ko ng mga sandaling iyon. Kung siguro’y kinikilig din kaming mga lalaki’y masasabi kong kinikilig ako ng mga oras na iyon. Athena is not a typical type of girlfriend. Mabibilang lamang ang araw na sweet siya, may mga pagkakataon ngang sinusuntok niya ako kapag inaakbayan o niyayakap ko siya in public. Nagagalit din siya kapag tinatawag ko s’yang ‘baby’ na may ibang nakakarinig, but for me she’s one of a kind. Masarap s’yang maging girlfriend, napaka-independent niya.
Gustong-gusto ko sana s’yang tawagan kaya lang hindi ko na siya inabala dahil alam kong may meeting sila ng mga sandaling iyon. After lunch ko siya tinawagan at ang sabi niya’y nasa Batangas daw siya upang mag-site visit.
Alas-tres siguro nang maisipan kong sundan siya sa Batangas. Alam ko kung saan located ang proyekto nila dahil kilala ko ang kanilang kliyenteng si Mr. Chua. Minsan na rin namin itong naging kliyente. Half Filipino and half Chinese ito. Mayaman ito at maraming negosyo sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas.
“Mr. Alejandro!” Nakangiting bati sa akin ni Mr. Chua bago ako nito bahagyang tinapik sa balikat. “Kumusta ka na?”
“I’m really good, Mr. Chua. How about you?” Pagkuwa’y tanong ko rin dito bago ko inilibot ang aking paningin sa paligid upang hagilapin si Athena. At agad akong napangiti nang makita ko siya. Nakatungtong siya sa isang mataas na scaffolding habang may hawak s’yang plano. May kausap s’yang dalawang lalaki. Bahagyang inililipad ng hangin ang kanyang mahabang buhok na natatakpan ng suot n’yang hard hat. Nakakatuwa talaga siya dahil wala s’yang kaarte-arte.

YOU ARE READING
I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥
RomanceI Belong with you Tagalog Romance Story Taennie Lovers Hope you like it. _____________