Chapter 14

93 2 0
                                        

[CHAPTER 14]

[Athena’s POV]

Ano raw? Tinawag akong ‘baby’ ni Levi sa harapan ng mga kaibigan ko? Jusko!

Parang gusto ko nang tumayo mula sa pagkakaupo at tumakbo pabalik sa silid namin para maiwasan ang mga nanunuksong tingin ng mga kaibigan ko.

“Ehem!” Pagkuwa’y turan ni Myka habang nakangisi. Palipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Levi. “Meron ba kaming hindi alam?”

“Baka may gustong magkuwento.” Singit ni Aria habang tinititigan ako. “Sino kaya ‘yon?”

“Parang si Dylan yata.” Biro ni Keera habang nakangiti. “Dylan, may alam ka ba?”

“Choy, wala akong alam diyan ha.” Tumatawang sabi ni Dylan habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato ng asawa.

“Uhm, guys…” I cleared my throat as I gripped the jar of salt. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ako magsisimula. Kasalukuyan pa lang akong bumub’welo nang biglang nagsalita si Levi.

“Girlfriend ko na si Athena, everyone.” He proudly announced. Nagulat na lang ako habang namimilog ang mga mata kong napatingin sa kanya. Nakatingin din siya sa akin, ‘yong tipong tila hindi niya alam kung ngingiti ba siya sa akin o kung matatakot ba siya dahil sa sinabi niya. Anak ng tipaklong naman! Sa isip-isip ko. Wala man lang pasakalye ang lalaking ito. Direct to the point talaga. Parang gusto kong ibuhos sa kanya ‘yong isang garapong asin.

Alanganin akong ngumiti sa mga kaibigan ko nang halos sabay-sabay silang tumingin sa akin na tila ba kakainin ako ng buhay dahil naglihim ako sa kanila gayong nangako kami sa bawat isa na walang sikretuhan.

“S-Sorry. Humahanap lang talaga ako ng tamang tiyempo para mag-kuwento sa inyo.”

“Daya nito.” Tila nagtatampong sabi ni Myka sa akin at nagulat kami ng bigla itong tumili na tila ba kinikilig. “Gosh! Babae ka na talaga, Athena.”

“Ayiee!” Nakangiting tukso sa akin ni Keera bago ako nito bahagyang kiniliti sa tagiliran. “Kaya pala parati kang busy, eh. May lovelife ka na pala kaya may pinagkakaabalahan na.”

“Levi ha, huwag mong paiiyakin ‘tong si Athena namin.” Pabirong banta ni Melchor kay Levi na nanatiling nakangiti na tila ba aliw na aliw habang tinutukso ako ng mga kaibigan ko. “Kapag umiyak ito, kahit bakla ako, makakatikim ka talaga ng bugbog sa akin.”

“Don’t worry, Melchor. Hinding-hindi ko paiiyakin si Athena. Pangako.” Seryosong turan ni Levi kay Melchor bago siya sumulyap sa akin.

“So, ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit mo binugbog si Pamela Geronimo.” Nakangising biro ni Aria. Si Page ang tinutukoy nito. Nagtawanan ang lahat.

“Hoy, grabe kayo sa akin. Hindi ko sinasadya ‘yon, ah.” Mariiing tanggi ko. Pakiramdam ko’y nag-iinit na ‘yong magkabila kong pisngi ng mga sandaling iyon lalo pa nang makita kong tumatawa si Levi.

“Talaga ba?” Tila hindi naniniwalang turan ni Aria. “Hindi mo ba talaga sinasadya ‘yon eh, apat na beses mong sinapul ‘yong mukha ni Page? Tiyak akong puro pasa na siya ngayon.”

“Binibigyan ko lang siya ng chance para siya naman ‘yong tumira ng bola, nagkataon lang na hindi pala siya marunong sumalo.” Giit ko pa rin.

“Huwag kami, Athena.” Tumatawang sabi ni Aria na ikinatawa na naman ng lahat.

“Levi, pasensiya ka na kay Athena ha, sobrang selosa talaga siya, eh.” Nakangising turan ni Myka kay Levi habang kumakain.

“Mukha nga, eh.” Tugon naman ni Levi habang naglalagay siya ng ulam sa sariling plato. Nanatili s’yang nakatawa nang sumulyap siya sa akin. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya.

I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥Where stories live. Discover now