Chapter 7

74 2 1
                                        


[Athena's POV]

"Ouch!" Reklamo ko nang biglang hablutin no'ng isang lalaki 'yong buhok ko. Mabilis n'yang nabuksan 'yong pintuan ng passenger's seat at akmang hihilain niya akong palabas, pero agad kong kinagat 'yong kamay n'yang nakahawak sa buhok ko kaya nabitiwan niya ito. Tinadyakan ko siya ng ubod-lakas, na-out of balance siya. Aayos sana ako ng upo, subalit nahagip no'ng isa pang lalaki 'yong magkabilang paa ko dahilan upang mapahiga ako. Pilit niya akong hinila palabas, humawak ako sa sandalan ng upuan para hindi niya ako tuluyang mahila, subalit nakitulong 'yong ikatlong lalaki kaya wala akong nagawa kundi ang mapasunod sa nais nila.

Nagtawanan sila na tila ba mga baliw ng tuluyan na nila akong mailabas ng kotse ko. Binuhat ako no'ng isang lalaki at pilit akong ipinasok nito sa loob ng kotse nito. Nagpumiglas ako at nang makahanap ako ng tiyempo ay sinuntok ko ito sa mukha bago ako mabilis na lumabas ng kotse. Humarang sa daraanan ko 'yong isa pang lalaki, ito 'yong lalaking bumati sa akin sa kainan.

"Sa tingin mo, matatakasan mo kami?" Nakangising tanong nito sa akin.

"Ano bang kailangan n'yo?" Pagkuwa'y matapang kong tanong kahit ang totoo'y nanginginig na 'yong katawan ko sa takot. Bibihira lamang ang mga sasakyang nagdaraan sa lugar na iyon kaya imposibleng may makatulong sa akin at kung mayroon ma'y baka huli na, posibleng naisakatuparan na ng mga lalaking ito at anumang masamang balakin sa akin bago pa ako masaklolohan ng kung sino.

"P'wede bang paligayahin mo muna kami kahit saglit lang?" Tumatawang turan nito habang lumalapit ito sa akin at ang dalawa pang kasama nito.

"O-Okay. 'Yon lang pala, eh." Pagkuwa'y tugon ko. Pilit kong pinapakalma 'yong sarili ko para makaisip ako ng paraan kung paano kong matatakasan ang mga lalaking ito. Bahagya akong luminga sa paligid. Matataas na damo at tila talahiban ang nasa gilid ng kalsada. Madilim na rin. Tanging ang malamlam na liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing tanglaw sa kinaroroonan namin. "Isa-isa lang, okay? Hindi ko kasi kaya kung sabay-sabay kayong tatlo. Baka panawan ako agad ng ulirat. Jusko!" Pagkuwa'y biro ko para sumakay sila sa panlilinlang ko. Nagtawanan sila.

"O, paano ba 'yan? Isa-isa lang daw, eh 'di ako na ang mauuna ha." Turan no'ng lalaking bumati sa akin sa kainan. Ito ang pinakamalaki ang katawan sa kanilang tatlo. "Kanina pa kasi matigas itong sa akin. Hindi ko na mapipigilan, parang sasabog na." Turan nito kaya humagalpak ng tawa 'yong dalawa.

Tang*na mong h*yop ka. Pasasabugin ko talaga 'yan. Nanggi-gigil kong sigaw sa isip nang ikuyom ko ang aking mga kamao.

Nagsimula nang maghubad 'yong lalaki. Una nitong hinubad ang T-shirt nito, isinunod ang pantalon nito hanggang sa brief na lang ang natitirang suot nito sa katawan. Humakbang ito palapit sa akin kaya bahagya akong umatras.

"Oopss!" Turan kong pilit ang ngiti nang tuluyan na s'yang makalapit sa akin. Akmang susugurin na niya ako nang halik, pero agad ko s'yang napigilan. Inilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. "Masyado ka namang nagmamadali, sweetheart. Ayaw mo ba ng foreplay muna?"

"Ang dami mong nalalaman." Iritable n'yang turan.

Diyos ko! Huwag naman po sana s'yang makatunog na nililinlang ko lang siya. Dasal ko sa isip.

"Pagbigyan mo na." Tumatawang sigaw no'ng dalawa n'yang kasama habang tila enjoy na enjoy ang mga ito sa panunuod sa amin.

"See? You heard them, right? It's better to have a foreplay para naman ganahan din ako." Turan ko sa maharot na tinig. Mabuti na lamang at may kaibigan akong maharot, kahit papaano ay natuto ako rito. Hindi ko akalaing magagamit ko rin pala ang mga kalokohang itinuro sa akin ni Myka sa ganitong pagkakataon.

Bahagya kong nilingon ang kotse ko. Sa tantiya ko'y ilang hakbang lang ang layo nito sa akin.

"Are you ready?" I asked as I slowly took my jacket off me. Nang tuluyan ko na itong mahubad ay agad ko itong inihagis sa kanya. Tumapal ito sa mukha niya kaya ngumisi siya. Pagkuwa'y nginitian ko siya nang ipatong ko ang kanang palad ko sa balikat niya bago ako nagsimulang sumayaw.

I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥Onde histórias criam vida. Descubra agora