[CHAPTER 13]
[Athena’s POV]
“Ano ‘yon, Athena?” I heard Myka beside me kaya natigilan ako. Hindi pala ako p’wedeng mang-away dahil tiyak akong magtataka ang mga kaibigan ko kung makikita nilang susugurin ko si Page gayong wala naman silang ideya kung bakit.
“Page, ano ka ba?” Tila napapasong turan ni Levi kay Page bago niya inalis ang mga braso nitong nakayakap sa kanya.
“Sabi ko, tara na.” Pagkuwa’y turan ko kay Myka bago ako tumayo mula sa pagkakaupo ko. Nanatiling nakakuyom ang aking mga kamao. Nagtama ang mga paningin namin ni Levi. Nakita ko ang pag-aalalang rumehistro sa kanyang mukha, samantalang galit naman ang mababakas sa akin.
Sinadya kong dumaan sa awang sa pagitan nina Levi and Page bago ko binangga si Page para ma-realize niya na hindi uubra sa akin ang pagiging maharot niya. Dapat malaman niya na hindi lahat ng lalaki ay p’wede n’yang halikan ng basta-basta.
“Ouch!” Maarteng reklamo niya, pero hindi ko na siya pinag-aksayahan pa ng panahon para lingunin. Pasalamat nga siya at hindi ko siya sinuntok sa mukha dahil kundi’y baka nagmistula s’yang Panda.
“Athena!” Tawag sa akin ni Levi. Sinundan niya ako, pero hindi ko siya pinansin. Agad akong sumakay sa sasakyan namin bago ko padabog na isinirado ang pintuan sa driver’s seat. Bahagya n’yang kinatok ‘yong bintana, pero hindi ko binuksan. I held the steering wheel tightly.
“You alright, Athena?” Nagulat pa ako nang biglang nagsalita si Melchor sa likuran ko. Halatang kagigising lang nito. Nagulat siguro ito sa malakas na pagsirado ko ng pinto.
“Yeah, I’m fine. Sorry. Nagising ba kita?” Saglit ko s’yang nilingon.
“Hindi naman. Ayos lang. Paalis na ba tayo?”
“Oo. May bwisit, eh.” Halos pabulong kong turan.
“Ano ‘yon?”
“Tara na.” Halos magkakasabay na pumasok sina Keera, Aria at Myka sa loob nang aming sasakyan.
“Akala ko’y sumunod ka sa amin sa CR, Athena.” Sabi ni Keera. Ito ang nakaupo sa tabi ko.
“Hindi naman ako naiihi.”
“Grabe si Page, ano?” Biglang sabi ni Myka. “Sila ba ni Levi, Keera-ra?”
Napalunok ako. Pakiramdam ko tuloy ay bigla na namang uminit ‘yong ulo ko dahil sa in-open na topic ni Myka.
“Ang alam ko’y hindi naman sila at hindi rin naging sila. Nagde-date sila dati, pero hanggang date lang. Hindi naman siya niligawan ni Levi, eh.”
“Eh, bakit niya hinalikan si Levi?” Tanong ni Aria. “Hindi lang basta smack, as in torrid pa.”
“Kaya nga. Kundi pa siya tinulak ni Levi ay hindi pa siya lalayo.” Sang-ayon ni Myka.
“Kasi nga type ni Page si Levi, sobrang obvious naman, eh.” Turan ni Keera.
Wala sa loob na pinaandar ko na pala ‘yong sasakyan namin habang kasalukuyang nag-uusap ang mga kaibigan ko.
“Athena!”
“What?” Maang kong tanong kay Myka nang sulyapan ko ito sa pamamagitan ng rearview mirror.
“May plano ka bang magpakamatay? Sobrang bilis ng patakbo mo ng sasakyan. Utang na loob, huwag mo naman kaming idamay.” Tugon nito habang nakakapit sa handle.
“Ayos ka lang ba, Athena?” Nag-aalalang tanong ni Keera.
“Yeah, ayos lang ako.” Pilit ang ngiting tugon ko kay Keera. “Sorry, guys.”

DU LIEST GERADE
I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥
RomantikI Belong with you Tagalog Romance Story Taennie Lovers Hope you like it. _____________