Chapter 15

79 2 0
                                        

CHAPTER 15]

A/N: Guys, sorry, sobrang late na 'yong posting. Nakatulugan ko na pala habang nagta-type ako. Mabuti na lang at tumabi sa akin yong pusa ko kaya bigla akong nagising. Haha. Enjoy reading.

------
[Athena’s POV]

“Will you be my wife?” Tanong niya na sadyang iki-nawindang ng isip ko.

I stared blankly at the ring he was holding, nestled in a black velvet box. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kasi sa totoo lang ay nagulat talaga ako. Hindi ko akalain na aayain akong magpakasal ni Levi lalo pa’t hindi pa naman nagtatagal ang aming relasyon bilang magkasintahan.

To be honest, I don’t believe in marriage. Marami na akong nakilalang couple na nagpakasal, pero hindi naman naging masaya. Nauwi lang sa hiwalayan at isa na roon ang mga magulang ko.

“Yes na ‘yan!” Narinig kong sigaw ng mga kaibigan ko habang kilig na kilig ang mga ito.

“Baby, please?” Tila nagsusumamong turan ni Levi habang nanatili pa rin s’yang nakaluhod. “Hayaan mo sana akong baguhin ang pananaw mo. Payagan mo sana akong ipakita at ipadama sa’yo ang tunay na pag-ibig. At higit sa lahat, hayaan mo sana akong patunayan sa’yo na hindi lahat ng lalaki ay manloloko kagaya ng pinaniniwalaan mo. Na hindi lahat ng lalaki ay nananakit ng babae.”

I bit my lower lip to stop it from trembling. Pakiramdam ko’y naiiyak na ako ng mga sandaling iyon sa hindi ko mawaring dahilan. Dati, I was so curious kung bakit umiiyak ang mga babae kapag may nagpo-propose sa kanila? Then, someone answered me, kaya raw umiiyak ang mga babae kasi raw dahil sa kaligayan dahil hindi raw lahat ng lalaki ay handang magpakasal o magpatali sa isang babae. So ibig sabihi’y kapag inalok ka ng isang lalaki nang kasal ay seryoso talaga ito sa’yo.

“Okay. Pumapayag ako.” Nanginginig kong tugon dahil sa nerbiyos.

“Yes!” Sigaw ni Levi na bahagya pang sumuntok sa hangin. Mababakas ang kaligayan sa mukha niya. Kasabay nang pagtayo niya ay ang pagsigaw ng mga kaibigan ko. Tuwang-tuwa rin ang mga ito. “I love you so much, baby.” Turan niya nang isuot niya sa daliri ko ‘yong singsing bago niya ako bahagyang hinila palapit sa kanya upang yakapin ng sobrang higpit.

“I love you, too, Sabino.” Turan ko habang nakasubsob ako sa dibdib niya. Hindi ko na napigilan ‘yong luha ko, pero hindi ko alam kung para saan ‘yon. Kung dahil ba sa naiyak ako kasi napilitan akong um-oo dahil ayaw kong mapahiya si Levi o dahil sa isiping hindi ko inakala na may lalaki pa lang darating sa buhay ko para mahalin ako.

Napalingon ako sa mga kaibigan ko nang marinig ko silang nagpalakpakan. Tuwang-tuwa talaga sila para sa amin ni Levi. Isa rin sila sa mga inaalala ko kaya um-oo ako kasi sigurado akong kapag humindi ako’y tiyak na sila ang unang magre-react. Baka mai-ngudngod nila ako ng wala sa oras sa bubanginan. Bahagya kong pinahid ‘yong luha sa mga mata ko bago ako ngumiti sa kanila. Mababakas sa kanilang mga mukha ang labis na kasiyahan. Alam kong hangad nila ang ikabubuti ko at alam nila nang mga oras na iyon ay nasa mabuting kamay ako.

Nang matapos ang aming bakasyon ay back to reality na. Walang katapusang trabaho na naman. Problema rito, problema roon. Tanging isa lang yata ang hindi nabago, ang plano ni Levi na pakasalanan ako.

“Sabino…” Turan ko kay Levi habang nakaupo kami sa sofa. Kasalukuyan kaming nasa bahay ng araw na iyon. Parehas kaming kagagaling lang sa trabaho. Nakabukas ang TV, pero parang hindi naman kami nanunuod.

Nakasandal siya habang nakayakap ako sa kanya. Gustong-gusto niya talaga ‘yong gano'ng posisyon. Actually, no’ng una ay naiilang ako, pero no’ng nagtagal ay nagustuhan ko na rin kasi naman, nakaka-adik ‘yong amoy niya. Ang bango-bango niya. ‘Yong tipong parang mamahaling pabango ‘yong gamit niya na tila ba hindi nawawala ang bango kahit buong maghapon na ang lumipas.

I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥Место, где живут истории. Откройте их для себя