[CHAPTER 22]
[Athena’s POV]
Ayon kay Dylan, nabangga raw ang kotseng sinasakyan ni Levi dahil sa bilis ng takbo nito base sa mga taong nakasaksi.
Halos sumabog na ‘yong puso ko habang lulan ako ng kotse ko patungo sa hospital kung saan isinugod si Levi. Iyak ako ng iyak, pero kahit gawin ko iyon ay hindi nito mababago ang katotohan na ako ang may kasalanan kung bakit naaksidente si Levi. Kung hindi ko sana siya inaway, eh ‘di hindi sana siya umalis ng bahay.
Nang makarating ako sa hospital ay wala na si Levi sa emergency room, nailipat na siya sa isang private room.
Ayon sa duktor na nakausap ko’y stable na ang kalagayan ni Levi, but he’s still unconscious due to significant traumatic injury to his head at walang kasiguraduhan kung kelan siya magigising. Hindi ko lubos maintindihan kung paano nila nasabing stable, gayong wala s’yang malay-tao.
Dahan-dahan akong pumasok sa maliit na kapilya sa loob ng hospital. Tahimik akong naupo sa ikatlong hanay ng upuan bago ako lumuhod sa luhuran.
“Oh, God.” Bulalas ko kasabay ang muling pag-agos nang aking mga luha. Alam kong wala akong ibang malalapitan ng mga sandaling iyon kundi ang Panginoon lang na s’yang nakakaalam kung kelan gigising si Levi. “I’m sorry po kung inaway ko siya. Alam kong mas pinili kong pakinggan ‘yong bugso ng damdamin ko kesa ang intindihin ang punto niya. Lord, please, sana nama’y tuluyan na s’yang maging okay at sana’y gumising na rin siya.”
Naramdaman kong may palad na lumapat sa balikat ko. Agad kong nilingon ang nagmamay-ari nito at nakita kong nakatayo si Dylan sa likuran ko. Agad kong pinahid ang aking mga luha bago ako naupo.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Dylan nang maupo siya sa tabi ko.
“Nagtalo kasi kami, eh.” Turan ko. Napahikbi ako. “Inaway ko siya, eh kaya siya umalis ng bahay. Kasalanan ko ang lahat. I’m sorry.”
“Sshhh.” Turan niya bago niya ako niyakap. “Minsan may mga bagay na nangyayari dahil iyon ang nakatadhana, kumbaga nagkakataon lang na nagkakaroon ng dahilan kaya ito nangyari. Huwag mong sisihin ang sarili mo, Athena, wala kang kasalanan at sigurado akong kung gising si kuya ay ito rin ang sasabihin niya sa’yo.”
Hindi ako umimik, bagkus mas lalo lamang akong naiyak. Naramdaman ko ang paghagod ni Dylan sa likuran ko para pakalmahin ako.
“He will be fine for sure. Takot lang no’n na iwan ka. Mahal na mahal ka no’n, eh. Manalig lang tayo sa Diyos. Hindi niya pababayaan si kuya.”
10 PM na yata nang magkaroon ako ng pagkakataong makapasok sa loob ng silid ni Levi. Hinintay ko pa kasi na umalis ang pamilya niya. Nakakahiya naman kasi kung bigla na lang akong papasok habang nando’n sila gayong hindi naman nila ako kilala.
“Hi, baby.” Malungkot kong bati sa kanya bago ko siya dinampian ng halik sa labi. Bahagya kong hinila ang isang silya palapit sa kama niya bago ako naupo rito paharap sa kanya. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at ikinulong ito sa aking mga palad bago ko ito dinampian ng halik. “Sorry ha, to be honest, nahihiya talaga kasi ako sa’yo eh, at para pagtakpan iyon kaya inaway kita. Pakiramdam ko kasi’y nanliliit ako dahil sa ginawa mo. I’m sorry kung mas pinairal ko ‘yong pride ko.”
Muli na namang dumaloy ang aking mga luha sa magkabila kong pisngi. Nakakapagod pa lang umiyak, ang sakit sa dibdib, pero wala eh, hindi ko mapigilan.
“Kung alam ko lang na magkakaganito ang lahat, sana’y hinayaan ko na lang ‘yong ginawa mo. Sana hindi na ako nag-inarte pa.” Hindi ko na napigilan ‘yong sarili ko. Naphagulhol na ako. Nang mga oras na iyon ay wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko. Kung kaya ko lang sanang ibalik ‘yong mga oras na magkasama pa kami sa bahay, ginawa ko na sana. Kung p’wede ko lang sanang ibalik ‘yong oras, hindi ko siya aawayin, bagkus, magpapasalamat pa ako sa ginawa niya. Pero hindi p’wede eh, kasi ang kinakaharap ko ngayon ay ang reyalidad na kahit anong gawin ko, na kahit sisihin ko pa ang sarili ko ay hinding-hindi ko na mababago pa ang mga pangyayaring naganap na.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥
Любовные романыI Belong with you Tagalog Romance Story Taennie Lovers Hope you like it. _____________
