CHAPTER 23

60 1 0
                                        

[CHAPTER 23]

[Athena’s POV]

Nang magdilat ako nang aking mga mata ay nasa loob na ako ng isang silid habang nakahiga sa isang hospital bed. Nakita kong nakatunghay sa akin ang aking mga kaibigan. Nasa bandang kaliwa ko sina Keera and Myka habang nasa bandang kanan ko naman sina Aria at Melchor.

“What happened?” Naguguluhang tanong ko sa kanila habang pilit kong inaalala kung ano ang naganap. “Teka lang… Oh, God!” Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla ko nang maalala kung ano ang nangyari lalo pa ang sinabi ni Vince. “Ang baby ko?”

Malungkot na hinawakan ni Keera ‘yong kamay kong nakahawak sa tiyan ko bago siya naiiyak na nagsalita.

“Sorry, pero hindi naka-survive ‘yong baby mo, Athena. Nawala siya.”

“Oh, No!” Turan ko bago ako napahagulhol ng iyak. Halos magwala ako sa sobrang sama ng loob. Mabuti na lang at nasa tabi ko ang mga kaibigan ko para alalayan ako ng mga sandaling iyon.

“Athena, stop it!” Saway sa akin ni Myka nang yakapin niya ako. Bumangon kasi ako mula sa pagkakahiga at akmang tatanggalin ko sana ang dextrose na nakakabit sa akin.

Bakit kailangan pang mawala ang anak ko? Bakit kailangang mangyari iyon kung kelan namang walang malay-tao ang ama niya?

“Gano’n ba kalaki ‘yong kasalanan ko, gano’n ba ako kasama para parusahan at pasakitan ako ng ganito?” Pumapalatak kong sabi.

“No, Athena.” Turan ni Myka nang hawakan niya ang magkabilang kamay ko. “Hindi ka pinarurusahan dahil wala namang dahilan. Nagkataon lang ang lahat. Baka hindi pa talaga panahon para magka-baby ka.”

“Sana ako na lang ang na-coma. Sana ako na lang ang namatay.” Sigaw ko as I tried to push Myka away from me. Wala akong ibang gustong gawin ng mga sandaling iyon kundi ang lumabas ng hospital, magwala at magsi-sigaw sa sobrang sama ng loob.

“Sshh!” Saway ni Myka na naiiyak na rin bago niya ako muling niyakap. “Tama na. Baka makasama sa’yo ‘yan, eh.”

Halos buong araw at buong magdamag akong umiyak. Parang naubos na nga ‘yong mga luha ko, eh. Mugtong-mugto na rin ‘yong mga mata ko. Hindi ko matanggap ang katotohanan na sa isang iglap ay nawala sa sinapupunan ko ang batang bunga ng pag-iibigan namin ni Levi.

Paano ko iyon sasabihin kay Levi sa kung sakaling magkamalay na siya? Paano kong sasabihin sa kanya na namatay ang anak namin dahil hindi ako nagi-ingat?
My phone started to vibrate kaya bahagya akong tumikhim para sagutin ang tawag. Si Vince ang caller.

“Yes, Vince?”

“Hi, Athena. Okay ka na ba?” Tanong nito sa kabilang linya. Mahihimigan ang pag-aalala sa tinig nito.

“Oo, Vince.” Pagsisinungaling ko kahit ang totoo’y hindi pa naman talaga ako ayos ng mga sandaling iyon. Ang bigat-bigat ng kalooban ko, pero hindi ko p’wedeng idamay ang trabaho sa kung anuman ang pinagdadaanan ko. “Bakit? May problema ba?”

“’Yong plano na ipinasa namin sa mga architects ng Manhattan, may pirma mo ‘yon eh. May mali raw sa sukat, Athena. The problem is nasimulan na ‘yong construction.” Turan niya. “Nagagalit si Lemuel.”

“Iyon ba ‘yong sinabi mo kahapon? ‘Yong sa Corporate rooms?”

“Iba pa. Naayos na namin iyon. Ito ‘yong sa Hotel rooms.”

“Sige, pupunta ako ng Batangas ngayon.”

“You sure na kaya mo?”

“Yeah.” Matipid kong tugon bago ko pinutol ang tawag.
Mabilis akong naligo at nag-ayos. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko, subalit kailangan kong harapin kung anuman ang problema sa site. Naalala kong ginawa ko ang planong tinutukoy ni Vince recently lang. Kasalukuyan nang nasa hospital si Levi. Halos wala pa akong tulog ng gawin ko iyon kaya yata mali-mali na ng nailagay kong sukat.

I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥Место, где живут истории. Откройте их для себя