[CHAPTER 8]
[Athena's POV]
First time kong umiyak sa harapan ng isang lalaki, at kay Levi pa. Hindi ko na kasi napigilan 'yong emosyon ko. Pakiramdam ko'y ang bigat-bigat ng kalooban ko at kailangan ko itong mailabas para gumaan 'yong pakiramdam ko. Sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang umiyak no'ng kasalukuyan akong hinahabol no'ng mga lalaki, subalit nagpigil ako dahil ayaw kong iparamdam sa mga ito na natatakot ako.
Naramdaman kong bahagyang yumuko si Levi para hagurin 'yong likuran ko kaya lalo lamang akong napahikbi.
"You are safe now." Halos pabulong n'yang turan. Bahagya akong tumingala sa kanya. Masuyo s'yang ngumiti sa akin.
"Thank you."
"Kuya, excuse me." Narinig kong turan ni Dylan buhat sa likuran ni Levi. Bahagya pa itong tumikhim. Noon ko lang naalalang kasama nga pala ito ni Levi. "Si daddy, kakausapin ka raw." Turan nitong iniabot ang phone kay Levi.
Gosh! Baka magkuwento ito kay Keera at baka magkuwento naman si Keera sa iba pa naming kaibigan, 'pag nagkagayo'y tiyak na malalaman ng mga ito na nanliligaw sa akin si Levi. Sh*t! Hindi puwede. Tiyak na umaatikabong tukso ang aabutin ko sa mga ito. Paranoid kong turan sa isip kaya bahagya kong itinulak si Levi bago ako tumayo mula sa pagkakaupo. Nagtama ang mga paningin namin ni Dylan, alam kong maloko ito at makulit, subalit ng mga sandaling iyo'y mukhang matino naman ito. Ngumiti lamang ito sa akin at mababakas sa mukha nito ang awang nadarama para sa akin.
"Okay ka na ba?" Tanong nito sa akin. Naging classmate ko ito no'ng high school at madalas ko itong seatmate kaya kahit papaano ay naging close kami nito. Actually, ako nga ang unang nakaalam na may gusto ito kay Keera dahil nakita kong isinusulat nito sa notebook nito ang salitang 'I love you, Keera.'
"Yeah. Okay na ako. Maraming salamat."
"Mabuti na lang at natakbuhan mo ang mga iyon." Naiiling nitong turan. "Ang mga g*gong iyon, takas yata sa bilangguan."
"Mukha nga. Mga adik daw, eh."
"Magi-ingat ka parati." Turan nito.
"Salamat. 'Nga pala, Dylan, p'wede bang huwag mong iku-k'wento ang tungkol dito kay Keera, please?"
"Bakit? Ayaw mong malaman nila na close na kayo ni kuya?" Nangingiting tanong nito na tila ba sinadya pang diinan ang pagbigkas sa salitang 'close'. Hindi ako napaimik. "Don't worry, hindi ko sasabihin. Secret lang natin itong tatlo." Nakangisi nitong sabi bago ako nito tinalikuran.
"Let's go?" I heard Levi said behind me.
"Uhm, kelangan kong balikan 'yong kotse ko, eh."
"Ako nang bahala. Ipapakuha ko na lang 'yon. Ihahatid na kita."
"Huwag na."
"Athena, please?" Giit niya. "Huwag namang matigas ang ulo mo."
"Okay."
Nauna naming inihatid si Dylan sa bahay nito. Wala raw kasi itong dalang kotse dahil sumabay lang ito patungo sa Batangas sa kanilang company service.
Parehas kaming tahimik ni Levi habang nagmamaneho siya, kasalukuyang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay ko. Naka-focus siya sa daan habang ako nama'y nakatanaw sa labas.
"Okay ka lang?" Basag niya sa katahimikan kaya nilingon ko siya.
"Oo. Salamat sa pagtulong n'yo sa akin. Kung hindi kayo dumating, tiyak bukas ay laman na ako ng balita, sinasabing natagpuan ang aking bangkay sa talahiban."

YOU ARE READING
I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥
RomanceI Belong with you Tagalog Romance Story Taennie Lovers Hope you like it. _____________