Chapter 5

84 2 0
                                        


[Athena's POV]

"Natalo tayo sa bidding kaya nawala sa atin ang Manhattan Resort. Isa pa'y kilala ang nakalaban natin, so wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan na hindi sa atin na-award ang project na 'yon." Paliwanag ni tito Simon. Ito ang aming amo. "Siguro'y hindi talaga ito para sa atin."

"Okay na rin siguro 'yon para makapag-focus na tayo sa resort ni Mr. Chua." Turan ni Paul.

"Pero sayang naman. Malaking project 'yon, eh." Turan ni Vince.

Dream project namin ang Manhattan resort. Malaking project ito at siguradong makikilala ang aming kumpanya kapag kami ang nagtayo nito. Itatayo sana ito somewhere in Batangas. Marami na kaming nailaan na oras at pagod para lang ma-award ito sa amin. Naging kampante kami ng sabihin sa amin ng project manager ng naturang proyekto na hindi na idadaan pa sa bidding ang Manhattan resort dahil kami na raw ang napili ng may-ari na maging contractor nito.

"Akala ko ba'y hindi na idadaan pa sa bidding dahil siguradong sa atin na ang proyektong ito?" I asked.

"Actually, nagulat din ako, Athena." Tito Simon answered. "Binawi raw kasi no'ng may-ari ang sinabi nito nang malamang interesado rin ang Tiger Development sa proyektong ito."

"Hindi na nakapagtatakang nanalo ang Tiger Development, eh sino ba naman tayo?" Nailing na turan ni Paul.

"Napaka-nega mo, Paul." Seryosong turan ni Vince bago nito binalingan at bahagyang tinapik sa braso si tito Simon. "Don't worry, tito, makakahanap pa tayo ng proyekto na mas malaki pa sa Manhattan."

"I know that, Vince. God will provide."

Napangiti ako sa tinuran ni tito Simon. Napaka-buti n'yang tao kaya naman siguro'y patuloy pa rin s'yang pinagpapala ng Panginoon. Baon na baon siya sa utang noon, parehas kasi silang nalulong ng daddy ko sa sugal, pero unti-unti s'yang nakabayad sa mga pinagkakautangan niya ng magsunod-sunod ang aming proyekto.

"Maraming salamat sa inyong lahat kasi patuloy kayong nananatili sa aking team kahit may mapapasukan naman kayong magandang kumpanya at mas kilala." Patuloy ni tito Simon. "Lalo ka na, Athena. Maraming-maraming salamat sa'yo. Alam mo bang proud na proud sa'yo ang daddy mo kapag ikinu-k'wento kita sa kanya? Miss na miss ka na nga raw niya eh."

"Ayun, oh. Uuwi na 'yan. Uuwi na 'yan." Kantiyaw sa akin ni Vince na sinabayan ng tawa ng iba kong mga katrabaho. Alam nilang may sama ako ng loob sa aking ama kaya hindi ako nakapisan sa poder nito.

"Iiyak na 'yan. Iiyak na 'yan." Dagdag pang-iinis ni Kevin habang nakangisi.

"Mga baliw kayo." Inis kong turan sa kanila. Sa totoo lang ay miss na miss ko na rin si daddy. Sinasadya ko lang talaga s'yang tikisin para naman marealize niya na hindi tama 'yong mga pinag-ga-gagawa niya sa buhay.

"Huwag n'yo ngang asarin si Athena, baka mamaya'y umiyak pa 'yan dito sa harapan natin." Tumatawang sabi ni Paul.

"Hinding-hindi mangyayari iyon." Turan kong inirapan si Paul. "Kapag hindi n'yo ako tinigilan, sa tingin ko'y kayo ang iiyak hanggang mamaya." Marunong din naman akong umiyak, sino ba ang hindi? Pero hanggat maaari ay ayokong iiyak sa harapan ng kahit sino. Pakiramdam ko kasi'y kapag nakita akong umiyak ng mga tao'y iisipin nilang mahina ako at ayaw kong mangyari iyon. Matapang ako at hindi ako basta-basta iiyak.

Nang matapos ang aming meeting ay naisipan kong dalawin si daddy sa bahay. Narealize ko na ang tagal ko na rin pala s'yang hindi nakikita. Siguro'y sampung buwan na rin o mahigit na. Ang huli ko yatang kita sa kanya ay no'ng pumunta siya sa opisina para kay tito Simon at hindi sinasadyang nakita niya ako.

I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥Where stories live. Discover now