Chapter 11

75 2 0
                                        

[CHAPTER 11]

[Athena’s POV]

Namilog ‘yong mga mata ko nang biglang angkinin ni Levi ‘yong mga labi ko. Anak ng tipaklong naman! Wala man lang pasabi. Hindi ako ready. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

He pulled me and guided me to sit astride on his lap facing him. He nibbled my lower lip asking for approval to enter his tongue inside my mouth.

“Baby.” He breathed as he guided my arms to wrap around his neck. “Open your mouth, please?”

“Ha?” I asked and gasped when he immediately invaded my mouth with his tongue. Gosh! Hind ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na iyon. Nakikiliti ako. Pakiramdam ko’y biglang nanghina ‘yong mga tuhod ko. It was my first kiss kaya hindi ko malaman kung sa paanong paraan ako magre-response. “L-Levi…” I moaned his name. Naramdaman ko ang pagbaba ng mga labi niya sa leeg ko kaya napapikit na lang ako. Halo-halong emosyon na ‘yong nararamdaman ko. After a minute, I froze as my eyes widened considerably when I felt his hand inside my shirt cupping my breast.

“Oh, sh*t!” Biglang turan niya. Mabilis n’yang inalis ang kamay niya sa loob ng T-shirt ko. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya nang tumingin siya sa akin. “I-I’m sorry, baby. Hindi ko sinasadya.”

“O-Okay lang.” Alanganing tugon ko sa kanya. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako, magsusungit, maaasar o magagalit, basta ang alam ko’y nanginginig ako sa nerbiyos. Akmang aalis na ako mula sa pagkaka-kandong sa kanya, subalit bigla niya akong niyakap.

“Galit ka ba, Faith? Sorry ha. Nabigla ba kita?”

“Hindi naman ako galit. Ayos lang.” Tugon kong bumitiw mula sa pagkakayakap niya. “Nagulat lang ako, buti hindi kita nasampal.” Pagkuwa’y biro ko kaya natawa siya.

“Sorry talaga.”

“It’s okay.” I cleared my throat as I stood. Pakiramdam ko’y nanghihina ako. Tumayo rin si Levi mula sa pagkakaupo. Ewan ko, pero tila ba bigla kaming nagkailangan. “So, uhm…” Pilit akong nag-iisip ng sasabihin, pero wala akong maisip. Nakaka-torete pala ang mahalikan? Naiiling kong tanong sa sarili ko.

“Uuwi na siguro ako, baby. Baka kailangan mo ng magpahinga.”

Levi is a real gentleman. Alam kong nahiya siya sa kung anuman ang nagawa niya. Natural lang naman siguro iyon kasi magkasintahan naman kami. Nagulat lang talaga ako, hindi kasi ako sanay at isa pa’y dalagang Pilipina yata ako. Parang gusto kong matawa sa isiping iyon.

“Okay. Mag-ingat ka sa pagmamaneho.”

“Sorry ulit.”

“Okay nga lang. Isang sorry mo pa’y sasapakin na kita.” We burst out laughing at what I said.

“I love you, baby.” He said as he hugged me before he gave me a quick kiss on my lips.

“I love you, too.” Bahagya pa akong kumaway sa kanya. Tinanaw ko muna ang kotse niya hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin ko bago lamang ako tuluyang pumasok sa bahay.

Hindi nawala sa isip ko ‘yong namagitan sa amin ni Levi. Aminado akong masarap pala ang unang halik. At siguradong hinding-hindi ko iyon makalilimutan hanggang sa pagtanda ko.

Tanghali na akong nagising kinabukasan. Halos buong magdamag kasi kaming nag-usap ni Levi over the phone. Sorry siya ng sorry nang paulit-ulit. Kung malapit nga lang siya sa akin ay malamang na nakaltusan ko na siya. Ayaw ko pa naman sa taong makulit. Nakatulugan ko na nga lang siya, eh. Paggising ko’y empty battery na ako. Okay lang kasi wala naman akong pasok, pero marami akong tanggap na plano at kailangan ko itong gawin.

I Belong with you O•N•G•O•I•N•G🔥Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang