Chapter 279

566K 19.3K 19.7K
                                    

A/N: Sinong may sabi na si Keifer ang nakakatuluyan nya?

Tinatanong ko lang.

Grabe! Umaabot na pala ng 3.5k to 4k words ang nagagawa ko per chapter. Kaya pala parang mas tagal ko matapos ang bawat isa.

Happy Birthday!
🎂Ci-N Peralta
🍻Mark Keifer Watson

Sorry sa wrong grammar and typo.





Gang and a war

Keifer's POV

"Ang papangit nila." Eren said.

"Bakit mga naka-ayos sila ng ganon? May dress code bang sinusunod kapag sasabak sa Gang war?" It was Denzel.

"Gusto ko na kumain!" Ci-N while hugging David.

"Layo..." David trying to push Ci-N away.

"Ganito ba talaga kapag Gang war? Wala kong clue! Para tayo nag-gate crash sa isang party!" Edrix said.

"Mga walang alam sa Gang war!" It was Blaster.

Saming lahat, si Blaster at Drew lang yata ang nakasabak na sa ganito. We're all clueless on what will happen next. Hindi naman kasi ako ganito makipag-laban.

Hinaharap ko lang yung mga taong gusto akong kalabanin.

"Nasa more than 120 ang bilang ko sa kanila." Josh said still trying to count them all.

Kakaunti kumpara sa laging kasama ni Ram kapag may ganitong laban. Maybe because some of them don't really like to be in his group.

Bukod samin, may ibang grupo pa na gustong hamunin ang bagong leader nila. Kaya kung aalisin pa sila sa bilang nasa kulang 60 lang ang natira sa dating grupo ni Ram.

"Bago tayo magsimula!" Sigaw ng isang lalaki habang may hawak na baseball bat. "Gusto kong malaman nyo ang sinagot sakin ni Watson sa imbitasyong pinadala ko!"

Kung hindi ako nagkakamali, eto yung bagong leader nila. Hindi ko pa sya nakikita. O baka naman nakaharap ko na pero hindi ko lang maalala.

Lahat ng taong nandito ay tumingin samin. Mostly at me. They look at me like a predator to its prey.

"Sinabi nya na sya daw ang tunay na Boss! Na kapag natalo tayo sa kanila! Magiging tuta nila tayo! Sunod-sunuran sa kanila!" Paliwanag nya at nagtawanan ang iba sa kanila.

"KALOKOHAN!" Sigaw ng isa sa mga kasama nya.

"BALIW KA NA! SI RAM LANG ANG KAYA MONG TALUNIN!" Dagdag ng isa pa at nagtawanan na naman sila.

Si Ram lang? Minamaliit nila ko masyado. They keep talking as if they know me. When in reality they never a had chance to try me. At ngayon ko papatunayan na mali sila.

"Pagbigyan naman natin!" Sabi ng bagong leader nila at tumahimik ang lahat. "...Papayag kami sa kasunduan na yan! Pero kapag natalo ka, ikaw ang magiging sunod-sunuran samin!" Sabi nya habang nakaturo samin. "At sa amin ang babae mo!"

Agad na nagdilim ang paningin ko sa sinabi nya. Hindi ko namalayan na nasa harap na nya ko at sakal-sakal ko na sya. Naglayuan din ang kaninang mga katabi nya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon