CHAPTER 1

35 3 0
                                    

Naalala mo pa ba yung puno na madalas nating tambayan dati?
Yung puno na nagsilbi nating tagpuan,
Sa tuwing gusto nating magkitang dalawa.

Yung tagpuan natin na kung saan doon din tayo unang nagkita ng hindi sinasadya.
Nangako pa nga tayo noon na magiging magkaibigan tayo hanggang sa ating pagtanda.

Ngunit bakit ngayon ko lang naisip na sana pala di na lang ako nangako.
Dahil habang tumatagal nahuhulog na ako sayo.

Nagmula sa mata,
Dumaan sa isip, at di nagtagal nahulog sa puso.

Ang tanga mo naman alam mo ba yun ha?
Dahil kahit na ipagsigawan na nitong puso ko, bakit di mo pa rin marinig.
Bingi ka ba o sadyang manhid ka lang?

Dinala kita sa mundo ko, at ipinakita ang napakagandang paraiso kung saan nakatayo ang aking palasyo.
Itinuring kitang prinsipe, minahal ng lubos, at inalay ang lahat, ngunit bakit hindi pa rin sapat?

Ang sakit naman, ngayon ko lang din napagtanto ang lahat ng mga sinabi mo noon…

Kaibigan, isang kaibigan na kahit kailan ay hindi na hihigit pa sa pagiging ka-ibigan.

Alam mo bang hanggang ngayon ay umaasa at patuloy pa rin akong naghihintay sa wala.
Ang sakit lang isipin na kahit gaano na katagal ang lumipas ay ikaw pa rin talaga.

Kaya naman, simula ngayon patay na yung dating ako.
Yung dating ako na patay na patay sayo.

Alam mo ba na simula nung umalis ka, nawala na yung dating ako.
Inilibing ko na siya doon sa puno kung naaalala mo pa. Yung puno na minsang naging tagpuan nating dalawa.
Yung puno na kung saan doon din tayo unang nagkita.

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now