CHAPTER 25

6 2 0
                                    

CARL'S POV

Nung sumunod na araw ay sinabi ko na kay mama na ililibing na si Trin. Masakit mang tangapin pero oo, alam ko kasing masaya na siya kung nasaan man siya kaya kahit na mahirap ay tatangapin ko para sa kanya.

Sabay naman kaming pumunta ni mama dun sa nasabing lugar na paglilibingan sa kanya. Sakay ng itim na kotse suot ang parehong puting damit, hindi na namin inalintana ang medyo mainit na panahon.

Mabilis din naman kaming nakarating sa sementeryo at mula pa lang sa malayo ay kita na namin ang maraming tao. Marami ding mga nakahilerang sasakyan kaya medyo natagalan pa kami sa paghahanap ng parking space. Nung makahanap naman na ay pinauna ko na si mama.

"Ma, una na po kayo dun may kukunin lang po ako, pagkatapos ay susunod na din po ako dun." tinanguan niya naman ako saka na bumaba ng kotse.

Nung matanaw ko naman siyang naglalakad na palayo ay saka ako kumilos at pumihit palabas din para kunin sa compartment ng kotse ko yung dala ko. Isang may kalakihang teddy bear na pink. Parang timang pero alam kong gusto niya 'to.

Ibibigay ko sana 'to nung mismong pagkatapos ng huling sayaw namin dun mismo sa park pero ang lupit ni tadhana, hindi ko pa nga naipapakita 'to sa kanya, binawi na agad siya sakin.

Iwinaglit ko na muna yun sa isip ko at saka na kinuha yun. Pagkasarado ko ng compartment ko ay agad na din naman akong naglakad papunta sa kanila. Halos lahat ay mga nakaupo na pero hindi pa din naman nagsisimula kaya okay lang.

"Kumusta ka..?" biglang sabi ng boses sa likuran ko, kaya tumigil naman ako sa paglalakad at saka lumingon, at dun nakita ko si Tinay na nakangiti sakin.

"Ano nga kaya?" alanganin ang ngiti kong sabi. Binilisan naman niya ang lakad para magkatabi kaming dalawa.

"Hmm, ewan, pero siguro naman ay medyo ayos ka na diba?"

"Sa tingin mo ba magiging ayos pa ko pagkatapos nito haha?" kunwaring tumawa pa ako.

"Oo naman, at saka isa pa wala namang may kasalanan ng nangyari, kaya hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo kung bakit siya nagkaganito."

"Pero kung hindi naman talaga dahil sakin ay dapat ngayon ay buhay pa siya. Pero anong magagawa ko tadhana na yung kalaban ko eh..."

"Ano ka ba, umayos ka nga. Sige ka baka multuhin ka ni Trin kung ganyan ka hihihi.." tawa niya, habang sinusubukang pagaanin ang paligid.

"Sana nga multuhin na lang niya ko, para kahit sa panaginip ay makasama ko pa rin siya." makahulugang sabi ko.

"Pwede ba?..tumigil ka nga.. Pero seryoso para kay Trin yang hawak mo noh'?" turo niya sa dala ko.

"Ito.." pakita ko pa ang hawak ko. "Oo para sa kanya 'to ibibigay ko sana sa kanya nung umalis kami sa bahay niyo pero, ayon iniwan niya na ko." hindi na niya ako nagawa pang sagutin kaya nagtuloy na lang kami sa paglalakad namin.

Nung makarating naman kami sa tent na ginawa nila ay saka kami magkatabing naupo habang sa bandang unahan namin ay yung mga parents namin. Ang daming taong nandito, at halos iilan lang sa kanila ang kakilala ko. Marahil ay mga dating schoolmates nila.

Kalahating oras pa ang lumipas bago tuluyan ng nagumpisa ang burial ceremony ni Trin. Kaya ang kaninang medyo magaan pang atmospera ay naging mabigat na. Sinabayan pa ng paglamlam ng kalangitan, at ang pagbabadya ng ulan.

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now