CHAPTER 14

6 2 0
                                    


Pagkapasok namin sa bahay ay agad ko ng naigala ang paningin ko. Hindi pa rin naman nagbabago ang bahay nila, kahit matagal na akong hindi nakakapunta dito, dahil nga sa kondisyon ko.

Ang maaliwalas na sala nila ang bubungad agad sayo pagpasok mo pa lang. Ang mga naggagandahang paintings sa dingding at ang mga nagmamahalang vases na makikita mo sa bawat kanto ng kanilang pasimano.

Ang dating malimit taohin ay ngayon nga'y halos mapuno naman dahil sa dami ng bisita nila. Yung iba ay namumukhaan ko pa at marahil ay kamag-anak nila, at ang iba nama'y mga katrabaho nila tito DJ at tita Blythe.

Tulak tulak lang ni Carl ang wheelchair ko habang si Tinay naman ay nasa tabi kong naglalakad. Sa bawat hakbang nila at sa bawat abante ng upuan ko ay maraming bumabati kay Tinay, kaya tudo bati at ngiti din ang ginagawa niya.

Yung mga parents niya ay busy na rin sa pag-welcome ng mga bisita nila, kaya ang ending ay kami talagang tatlo ang magkakasama. Sina mom at dad naman ay hindi ko pa nakikita, marahil nga din ay nakikipagusap din sila sa ibang mga kakilala at kaibigan nila.

Lakad lang kami ng lakad, hangang sa mamalayan ko na lang na nasa may garden na pala kami. May mga mangilan ngilan din namang mga bisita din dun, pero mabibilang mo nga lang dahil ang karamihan nga sa kanila ay nasa loob.

"Wait dito lang kayo ha, kukuha lang ako ng pagkain natin." biglang sabi ni Tinay ng makarating kami sa may harap ng fountain nila kung saan may mga table na nakalagay din.

"Tulungan na kita Tinay." ani naman ni Carl.

"Hindi, wag na bantayan mo na lang si Trin dito." nakangiti naman niyang sabi, saka tuluyan na ngang naglakad ulit papasok sa bahay nila, kaya naiwan naman kaming dalawa ni Carl.

Umupo naman siya sa tabi ko at saka inilagay ang braso sa sandalan ng wheelchair ko. Hindi ko na lang yun pinansin at mas pinili na lamang na tumingin sa langit.

Ang daming bituin na nagkikinangan sa langit, kahit ang buwan ay sobrang liwanag din ngayon kaya ang ganda talaga nilang pagmasdan.

"Ang ganda ng buwan noh'?" wala sa sariling nasabi ko na lang habang nakatingin pa rin sa langit.

"Oo nga, ang ganda ganda talaga." sagot naman niya, kaya nilingon ko naman ang gawi niya, pero nagulat ako ng makitang sakin siya nakatingin.

"Sus, hindi ka naman sa langit nakatingin eh, kaya pano mo nasabing maganda nga talaga yung buwan?" nakataas kilay na nasabi ko na lang saka nagiwas ng tingin dahil nagsisimula ng uminit yung pisngi ko.

"Maganda naman kasi talaga yung buwan lalo na kung ang lapit lapit ng bituin..." makahulugang sabi niya.

"Pano mo naman nasabing malapit yung mga bituin kung hindi mo nga sila kayang abutin?"

"Kailangan pa ba talaga silang maabot para masabing malapit sila sayo?... 'hindi ba pwedeng kasama ko lang yung nagsisilbing star ng buhay ko?'" napatingin naman agad ako sa direksyon niya nung hindi ko marinig yung huling sinabi niya.

"Ha, ano yung sinabi mo, di ko kasi narinig yung last part eh?" nakanguso ko ng sabi din sa kanya.

"Wala ang sabi ko ang cute mo." nakangiting sabi niya at saka tumingin na nga rin sa langit. Ayaw ko sanang maniwala sa sinabi niya kasi parang iba talaga yung narinig ko eh, kaya lang ay hindi na lang din ako nagtanong pa at tumingin na lang ulit sa langit.

Sa milyon milyong bituin na yan, sa oras ba na mawala ako ay mapapabilang din kaya ako sa kanila? Sa oras ba na maglaho ako ay magiging isang maliit na alikabok rin ako kagaya nila?... at kikinang din ng sobrang liwanag?

Sana oo kasi gusto kong mapansin pa din nila ako kahit na maaaring hindi na nga nila ako makikita. Gusto ko pa din na maalala nila ako kahit na madami akong kaagaw sa langit, kasi naniniwala ako na "kung kilala talaga nila ako, hindi na nila kailangan pang hanapin ako kahit pa may iharap akong mga kamukha ko, ako at ako pa din ang pipiliin nila. Hindi dahil sa hula lang nila, kundi dahil sa yun, yung nakakasama nila..."

Napapangiti na lamang ako sa naiisip ko, at ngayon ko nga siguro napatunayang ang drama ko talaga.

"Here, ito na yung foods natin. Sorry natagalan ako ha, pano ba naman kasi ay ang daming tao sa loob." sabi ni Tinay pagkarating na pagkarating pa lang niya sa table namin. Nginitian na lang namin siya at saka na nagsimulang kumain.

"Ah Tinay here's may gift nga pala for you." ani ni Carl at saka dinukot sa bulsa niya yung isang pahabang kahon.

"Salamat, nagabala ka pa, sabi ko naman ay okay lang eh, pero salamat ulit hihi!" masayang sabi naman ni Tinay saka yun kinuha at inilagay sa tabi.

"No worries basta para sa kaibigan namin diba Trin?."

"A-ah yah hihi. By the way yung g-gift ko pala ay nasa kwarto mo na din Tinay, m-mamaya mo na buksan ha, kasi nga r-reserve the last for the best daw haha." makahulugang sabi ko naman sa kanya.

"Naku ha, kapag yun hindi maganda, lagot ka talaga saking babae ka, kanina mo pa naman ako pinaghihintay para lang dun sa regalo mo!" pagbabanta niya pero tinawanan ko na lang siya.

At katulad din ng mga bituin sa langit,
Kailangan kong magpanggap kahit na sobra na yung sakit.

Kailangan kong magpanggap na magiging okay pa ang lahat kahit hindi ko na sigurado ang kahahantungan ng katapusan...








TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now