CHAPTER 9

5 2 0
                                    


Nagising na lang ako ng maramdaman kong may nakahawak na sa kamay ko. At hindi nga ako nagkamali. Narun sa tabi ko si Carl na mahimbing na natutulog. Napakapayapa ng paghinga niya na para bang wala siyang problema.

Marahan naman akong umupo, kahit aminadong hirap na hirap na ako. Napapangiti na lang ako ng mapait at saka hinimas ang buhok niya.

Ngayon habang nakatingin ako sa kanya, nalulungkot na agad ako. Ewan ko ba kung bakit, pero siguro dahil yun sa isiping iiwan ko na sila.

Pinapadaanan ko lang ng mga daliri ko ang buhok niya, habang tinitingnan siya. Grabe talaga ang laki ng pinagbago niya.

Ibang iba na siya, malayo sa batang kami noon. Malayo sa batang pasaway na medyo snob daw haha. Ang kulit niya kasi dati, pero hindi ka niya kikibuin once na hindi ka niya kilala.

Hindi ka niya kakausapin, kung hindi ikaw ang unang magpapaubaya sa kanya. Habang ako ay kabaliktaran ng lahat ng ugali niya.

Ako yung unang gagawa ng way para maging kaibigan yung mga tao sa paligid ko. Papansinin ko lahat ng nanyayari, but medyo tahimik ako, hindi ko masasabing pilya akong bata noon pero inaamin kong makulit rin ako minsan kung trip ko.

Then not until one day, aksidenteng nawala ako dun sa park napapunta kasi ako sa liblib na lugar, nadapa din ako nun, tapos nakita ko siya dun sa may malaking puno na ngayon nga ay naging tagpuan na namin. Nakita ko siya dun na nakaupo, habang pinaglalaruan yung tuta niyang dala.

Saktong nakita niya ako, kaya lumapit ako sa kinauupuan niyang ugat ng puno, tapos akalain mo bang irapan niya lang ako at hindi pansinin. Kinakausap ko siya, pero ni hindi man lang niya ako nililingon. Tapos ang mas nakakatawa dun ay nung magpasya na akong tumayo at hanapin ang daan pabalik, dun niya lang ako tinignan, pero nakakatawa lang dahil ang ending ay sinungitan niya lang ako, pero sinamahan na niya ako palabas ng liblib na lugar na yun.

Nakakatawa nga na sa tuwing maaalala ko yun ay naaalala ko rin ang unang punta ko dun sa punong yun, hangang sa naging magkaibigan kami tapos lagi na niya akong sinasama dun sa liblib na lugar na yun na kinalalagyan din nung puno.

Naalala ko rin nung sinabi niyang best friend na daw kami, at yung punong yun ang naging saksi ng lahat. Nung unang beses kong umiyak sa harap niya, dahil nasigawan niya ko, tapos hindi kami nagpansinan ng halos isang linggo, at kung hindi pa nga niya ako puntahan sa bahay ay hindi ko pa rin siya papansinin.

Dun din mismo sa may punong yun una niyang sinabing may crush daw siya, na ang ending ay ako lang rin naman pala. Yung punong yun, yung naging saksi nang halos lahat ng magaganda, mapapait, malulungkot at masasaya naming memories na dalawa. Dun din mismo ako umamin sa kanyang may sakit ako, at dun din kami huling nagkita bago niya ako iniwan hangang sa malaman ko na lang na umalis na pala siya ng tuluyan.

"Hey, morning..." husky ang boses niyang sabi habang parehas pang nakapikit ang mga mata niya, kaya mabilis kong inalis ang kamay ko sa buhok niya.

"Morning din." alanganing sabi ko sa kanya habang sinusubukang iiwas ang paningin ko.

Pero nagitla ako ng abutin niya ang mukha ko at saka iniharap ng tuluyan sa direksyon niya, saka siya nagmulat ng mga mata at nagtama ang paningin naming dalawa.

Bahagya siyang ngumiti at saka umupo ng maayos ng hindi pa rin binibitawan ang baba ko. Inabot niya ako at saka nilapatan ng malamyos na halik ang noo ko.

"Ang ganda mo talaga." nahihiya na siya sa lagay na yan ha?.

"Asus nambola pa, tigil tigilan mo ko dyan sa mga trip mo ha,"

"Totoo kaya haha, maganda ka naman talaga."

"Ahaha nagbiro ka na naman, ke aga-aga eh." pero hindi na siya sumagot at sa halip ay tumayo na siya sa pagkakaupo niya at saka inalalayan akong maupo.

"Sandali lang ha, bibili lang ako ng breakfast natin sa baba. Hintayin mo ko, mabilis lang ako." sabi niya at saka na siya tuluyang lumabas ng pinto.

Naiwan na naman akong magisa sa kwarto ko, kaya kinuha ko ulit yung librong binabasa ko na, nakita kong nakapatong sa may unan ko. Siguro ay inilagay 'to ni Carl dun, dahil ang huling tanda ko ay hawak ko pa 'to bago ako makatulog.

Binuklat-buklat ko naman yun habang hinihintay ko siyang bumalik, at hindi naman ako nagkamali dahil after 15 minutes ay bumalik na rin siya bitbit ang dalawang paper bag sa magkabilang kamay niya.

Ngumiti siya sakin nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya at saka na siya pumunta sa lamesang malapit sa kama ko at inihanda ang mga pagkaing binili niya.

"Trin sa Wednesday na nga pala yung graduation day ni Tinay, baka malimutan mo ha. Magtatampo yun sayo." usal niya habang abala pa rin sa ginagawa niya.

Tatlong araw na lang pala yun, mabuti na lang at pinaalala niya dahil nakalimutan ko talaga.

"Hmm ganun ba, siguro naman pwede akong makalabas no'?" umaasang sabi ko dahil sa bored na bored na talaga ako dito.

"Yup, pwede naman dahil narinig kong ipinagpaalam ka na nila tita sa doctor mo, at pumayag naman siya basta daw ay wag kang masyadong pagurin." lumapit na siya sa gawi ko at saka naupo sa tabi ko. Napangiti naman ako dahil finally makakalaya ako sa kwartong 'to kahit na isang araw lang.

"Here kain ka na, para naman may lakas ka." nakangiti niyang sabi at saka inabot sakin ang isang styro na pinaglagyan nung spaghetti at chicken na binili niya sa cafeteria sa baba.

Sana nga lumakas pa ko kahit na kunti para makasama ko pa kayo ng matagal...

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now