CHAPTER 16

8 2 0
                                    

CARL'S POV

Pagkaalis na pagkaalis ni Tinay ay hindi na kami nagkibuan pang dalawa. Nakatingin lang kasi siya sa langit samantalang ako ay nakatingin din sa kanya.

Habang pinagmamasdan ko naman siya ay nakita ko ang laki na nga ng ipinagbago niya. Malayong malayo na siya dun sa batang babaeng iyakin na nakita ko sa park. Malayo dun sa nakikita kong malakas at matapang kahit na medyo may kaliitan at kapayatan ang katawan.

Ngayon nga din ay masasabi kong para na lang siyang isang boteng babasagin na may kaunting lamat na sa paligid, kaya matatakot ka na talagang hawakan siya dahil sa sobrang kapayatan niya.

Nakatingin pa rin ako sa kanya, ng bigla siyang magsalita, habang hindi pa din ako nililingon.

"Ang ganda ng buwan noh'?" wala sa sariling niya na lang habang nakatingin pa rin sa langit.

"Oo nga, ang ganda ganda talaga." sagot ko na wala sa langit ang tingin kundi nasa kanya. Nilingon naman niya ang gawi ko, at halatang nagulat pa siya nung makitang niyang sa kanya ako nakatingin.

"Sus, hindi ka naman sa langit nakatingin eh, kaya pano mo nasabing maganda nga talaga yung buwan?" nakataas kilay na nasabi niya na lang saka nagiwas ng tingin kahit halata ko naman ang nagsisimulang mamula ng  pisngi niya.

"Maganda naman kasi talaga yung buwan lalo na kung ang lapit lapit ng bituin..." makahulugang sabi ko pa.

"Pano mo naman nasabing malapit yung mga bituin kung hindi mo nga sila kayang abutin?"

"Kailangan pa ba talaga silang maabot para masabing malapit sila sayo?... 'hindi ba pwedeng kasama ko lang yung nagsisilbing star ng buhay ko?'" sinadya kong pabulong na lang na sabihin yun dahil alam kong maiilang na naman siya ng sobra. Napatingin naman agad siya sa direksyon ko, marahil ay  hindi niya narinig yung huling sinabi ko.

"Ha, ano yung sinabi mo, di ko kasi narinig yung last part eh?" nakangusong sabi niya.

"Wala ang sabi ko ang cute mo." nakangiting sabi ko na lang at saka tumingin na nga rin sa langit.

'Hay, ang hirap naman ng ganito, kahit na katabi mo na yung taong gusto mo, hindi mo pa rin magawang iparamdam sa kanya yung totoong nararamdaman mo kasi narun yung takot na baka hindi ka din niya gusto...'

Lumipas pa nga ang ilang sigundo at hindi na siya nagsalita, nanatili na lang siyang nakatingin sa langit habang ako ay palihim namang sumusulyap sa gawi niya.

Hindi din naman nga nagtagal ng dumating si Tinay sa table namin dala na niya yung mga pagkaing kinuha niya, kaya sabay sabay naman na kaming kumain.

Ibinigay ko na din naman yung regalo ko sa kanya bago kami matapos sa pagkain, ng muli naman siyang tumayo at magpaalam saming babalik muna siya sa loob, kaya naiwan na naman kaming dalawa.

Nasa ganun naman kaming ayos ng bigla kong maalala yung surpresa ko nga pala para sa kanya, kaya panay din ang tingin ko sa relos ko dahil baka masira yung plano ko kapag nahuli kami ng dating dun.

"Uy ano bang nangyayari sayo dyan?... Ayos ka lang ba, 'bat parang hindi ka yata mapakali sa upuan mo ha?" biglang tanong niya ng mapansin niya nga siguro ang pagiging balisa ko.

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now