CHAPTER 3

10 2 0
                                    

Hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko, habang ako naman ay naiilang at hindi makatingin sa kanya ng diretso sa mata.

Pinupunasan ko yung luha ko para sana hindi niya makita yun, pero sino ba naman kasing niloko ko? Sarili ko lang ata yung sinusubukan kong paniwalain sa kasinungalingan, na ako mismo ang gumawa.

"Pwede bang tumingin ka naman sa akin ng diretso, yung walang halong biro at yung hindi laro." mahinang sabi niya na alam kong kapwa kumakapa rin ng tamang mga salita para hindi niya ako masaktan, 'pero kasi sa sobrang pagaalala niyang baka masaktan nila ako, hindi na niya nakikita na siya na mismo yung gumagawa ng mga bagay na kinakatakot niyang magawa sakin ng iba…'

Tumingin ako. Tinignan ko siya, panandaliang kinalimutan ang mga luha ko sa mata. Kinalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nginitian ko siya, pero alam kong nahahalata niyang pinipilit ko lang ang sarili kong gawin yun, para kahit papano ay mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Pwede na ba yung ganyan?, kasi kung hindi pa, hindi ko na alam kung pano pa kita pakikisamahan para lang iparamdam sayong welcome ka pa." oo alam kong hindi ako magaling sa pagpapanggap pero pwede bang kahit ngayon lang isipin niyong oo, na kaya ko. Na totoo.

"Sorry... H--hindi ko sinasadya sorry talaga."

"Ano ka ba, ayos lang naman yun at saka naiintindihan naman kita." kahit nasasaktan mo na ko, pipilitin ko pa ring intindihin yung kalagayan mo, kasi alam kong dyan ka magiging masaya.

Tinitigan niya lang ako habang kapwa kami may luha sa mata. Ngumiti na lang ako sa kanya at sinubukang baguhin ang topic namin, kahit nandun pa rin yung ilang sa pagitan naming dalawa.

"Kamusta ka na?, tagal na rin nung huli tayong magkita." sabi ko sa kanya habang sinsirong nakatingin sa mga mata niya.

"Ito okay naman ako, pero nung nalaman kong lumalala na yang karamdaman ko ay nagpasya akong dalawin ka. So ikaw kamusta ka?"

"Ako ba?, syempre ito okay lang rin naman, kahit sa bawat araw na lumilipas ay lalong humihina yung katawan ko, pero kahit papano naman ay nakakaya ko."

Ngumiti na naman siya para itago yung awa at pagaalala niya, pero kahit ano ata talaga yung gawin niya ay hindi na niya yun maikakaila.

~~~~~~

Mabilis na lumipas ang oras ng hindi na namin namalayan. Hawak niya lang yung kamay ko, habang ako ay naiilang sa mga titig na binibitawan niya sa tuwing magtatama ang aming mga mata.

Tumatawa kapag nagjoke yung isa, pero hindi nawawala ang pader at boundary sa pagitan. Okay na yung ganun kasi sa pamamagitan nun aware siyang sensitive ako sa salita, na kunting mali mapapansin, kunting kibo, sisitahin.

Dinalhan lang kami ni Tinay ng meryenda kanina at saka siya lumabas na. Alam ko kasing hangat maaari ay umiiwas siya. Ayaw niya lang sigurong may masabing hindi magandang, kaya tumatahimik na lang siya.

Ako naman ay umiiwas pero pasikretong humihikab dahil baka ano na lang ang sabihin niya. Hanggang sa mahuli niya akong nakanganga kaya tumawa siya ng malakas.

Nahiya naman ako kaya nagtalukbong na lang ako ng kumot ko, pero siya mamatay matay na sa kakatawa.

Eh kung hampasin ko kaya 'to tapos ihulog sa bintana ko, para in case na may mangyari man sa kanyang masama ay hindi nila ako mapagbibintangan, pero kasi suspect pa rin ako kasi sa tapat ng bintana ko pa rin siya makikitang nakahandusay.

"Mukhang inaantok ka na ah, sige na pahinga ka na muna, dito lang ako sa tabi mo…" natatawa pa rin niyang sabi pero nahahalata mo na dun yung kaseryusohan niya.

Hindi na ako nagsalita at saka na lamang tuluyang ipinikit ang mga mata ko.

***

CARL'S POV

Tuluyan na nga siyang pumikit natatakot man pero hinayaan ko na lang siya dahil alam kong pagod na siya. Alam kong ang tanga ko dahil sa pagalis at pag iwan ko sa kanila, lalong lalo na sa kanya, pero kasi natakot ako eh.

Natakot ako na makita siyang unti unti ng nanghihina. Natatakot ako na baka tuluyan na siyang pumikit at hindi na maisipang gumising pa. Inaamin ko naging duwag ako. Naging duwag sa katotohanang isa ako sa rason kung bakit siya ganito.

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog siya, hindi alintana ang mapuputla niyang mga balat, maihahambing na rin siya sa kawayan dahil sa sobra niyang payat. Ngunit narun pa rin ang maganda at maamo niyang mukha.

Matagal na rin halos nung huli kaming magkita. Nung sinubukan kong magpakalayo para lang libangin yung sarili ko, para lang paniwalain ako na hindi siya mawawala, na malakas siya, at hindi niya kami iiwan. Sa sobrang takot ko nga hindi ko siya magawang kamustahin ng maayos dahil pinapangunahan ako ng hiya.

Ikaw ba naman kasi ang gagong umalis tapos babalik ka na lang na parang walang nangyari. Mangangamusta na para bang kahapon lang kayo huling nagkita.

Marahan kong hinawi ang kaunting buhok na humaharang sa mukha niya at saka siya mariing tinitigan. Pati yung buhok niya ay nalalagas na rin, pero kahit ganun siya pa rin ang tinuturing kong prinsesa ng buhay ko.

Hinalikan ko siya sa noo at saka hinayaan na rin ang sarili kong lamunin ng antok, at tuluyang makatulog sa tabi niya habang hawak hawak ang payat niyang mga kamay, umaasang sa paggising ko siya pa rin ang unang makikita ko.

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now