CHAPTER 26

7 2 0
                                    

CARL'S POV

"Sa totoo lang hindi ko alam kung pano ko 'to sisimulan. Eulogy... Hindi ko na-iimagine ang sarili kong magsasalita ng ganito at ang mas masaklap pa ay para sa babaeng mahal ko pa..." huminga ako ng malalim at saka pilit na pinapalakas ang sarili.

"Pero sige.. sisimulan ko na lang sa... 'Once upon a time, I met this girl name Trinity. Una kaming magkita sa may park at umiiyak siya nun dahil nadapa siya, hahaha ang kulit niya kaya kahit na anong dedma ang ginawa ko nun ay nagawa pa din niyang kunin ang atensyon ko and at the end naging magkaibigan din kami.. Ilang years na rin nung mangyari yun at mga bata pa nga kami nun eh, pero hangang ngayon ay tandang tanda ko pa din. Kung paanong sa paglipas ng panahon habang sinusubok ang pagkakaibigan namin ay lalo ko namang nakikita ang halaga niya. Hindi nga nagtagal ay nahulog na ko sa kanya at kalaunan ay lagi na kaming bumabalik dun sa park ng magkasama. Tinago ko din yung nararamdaman ko dahil sa takot kong baka bigla siyang mawala at masayang yung pagkakaibigan naming dalawa. Akala ko magiging masaya na kami, kahit na sabihin pa nating one sided love lang ang nararamdaman ko, but sinusubok ata kami ng tadhana." bahagya akong tumingala dahil yung luha ko ay nagbabadya na sa pagtulo.

"Dumating yung araw na kinatatakutan ko... a-at nung araw na yun ay magkasama kaming nakatambay sa ilalim ng puno sa may park na lagi naming tambayan, nung bigla niya saking sabihin ang tuluyang bumago sa takbo ng buhay ko. Umiiyak siya nun sa harap ko at sinabi niya saking may bad news daw siyang dala. Tinanong ko naman siya at dun niya sinabing may cancer daw siya at ang malala ay stage 4 na. Natakot ako nun, at sa halip na tangapin yun ay mas pinili kong magpangap na okay lang ang lahat. Mas pinili kong talikuran siya sa pagaakalang nagbibiro lang siya, kaya I e-ended up leaving her at nagpunta ako sa America. Ilang buwan din yun or baka years din ang tinagal ko sa pananatili ko dun not until, malaman kong binigyan na ng taning yung buhay niya, so I immediately fly here." inilibot ko ang paningin ko at lahat halos ay umiiyak na, kaya nadadala na din ako at hindi ko na napigilan ang unang pagpatak ng luha ko.

"Nung pagkarating ko dito ay siya agad yung pinuntahan ko. Walang mapaglagyan yung saya ko dahil at last nakita ko na naman siya ulit, pero nung makita ko yung kalagayan niya ay walang araw na hindi ko pinagsisihan na iniwan ko pa siya. Kung sana hindi na lang a-ako umalis. Kung sana nanatili ako sa tabi niya at sinamahan siya...baka.. baka sana kahit papano'y nakasama ko pa siya ng matagal. Pero sadyang mapaglaro si tadhana eh, kaya anong laban ko sa kanya?... Anong laban namin sa kanya kung buhay ng mahal ko yung nakataya. And the days passed by akala ko may chance pa na hahaba yung buhay niya, pero sa paglipas ng araw ay lalo lang siyang nahihirapan..." isa, dalawa, tatlo.. hangang sa magsunod sunod na yung luha ko at wala na akong nagawa kaya napayuko na lang ako at pilit na kinukusot ang mga mata ko, habang pilit na tinutuloy ang pagsasalita ko.

"Tinay's graduation day came at halos lahat kami ay masaya. Nung magpunta kami sa bahay nila Tinay para magcelebrate sana at magsaya ay ipinagpaalam ko si Trin sa mga magulang niya, para sa surprise na ginawa ko para pasayahin siya, pero imbis na maging masaya kaming dalawa, nagbago y-yung ihip ng hangin at bigla siyang kinuha sakin... Kinuha na agad siya samin. Natatandaan ko pa nung magsayaw kami ay napakasaya namin pero hindi ko alam na huling sayaw na pala namin yun. Huling sayaw namin sa piling ng isa't isa. Huling sayaw na magkahawak pa ang kamay naming pareho. Bumaksak siya mismo sa mga braso ko at nakita ko pa kung pano niyang ipinikit ang mga mata niya at bitawan ang huling hininga niya." napahagulgul na ako at wala na akong paki alam sa mga matang nakatingin sakin.

"Kasalanan ko. Kasalanan ko yung nangyari. Kasalanan ko kung bakit siya nandito ngayon at natutulog sa harap nating lahat, habang nakahilata't wala ng hiningang hinaharap tayo... K-Kung sana hindi ko siya pinilit... K-Kung sana hindi ako nagpumilit,..s-siguro nandito pa siya at kasama pa natin..." napaluhod na lang akong bigla at hindi na kinaya pa ang bigat ng dibdib ko.

Wala ng ibang pumapasok sa isip ko kundi ang pagsisisi sa ginawa ko, hangang sa maramdaman ko na lang na may yumayakap na sakin sa likod at pilit na akong tinatayo. Itinaas ko naman ang ulo ko at tinignan kung sino yun, at dun ko nakita si Tito at Mama na umiiyak ding inaalalayan ako.

Tumayo naman na ako at saka hirap na pinilit ang sariling ngumiti sa kanilang lahat.

'Ito na...
Ito na ang huling beses na masisilayan pa kita.
Ang huling beses na makakasama pa kita.

At sa muli,..
Ang aking mundo'y panandaliang tumigil sa pagikot.
Ang oras ay bigla na lamang huminto.

Kung sana kaya ko lang bumuhay ng patay.
Kung sana kaya ko lang magbigay ng buhay,
Ikaw mismo ang uunahin kong gamutin at papagalingin.

Ito na...
Ito na ang huling beses na aasa ako sa tadhana.
Ito na yung huling beses na maniniwala pa ko sa lintik na tadhanang yan...

Kaya mahal ko hintayin mo ko.
Hintayin mo ang pagdating ko,
At ang muling pagtatagpo ng ating mga mundo.
Dahil kahit mahirap ay hahanapin kita,
At gagawin ko ang lahat para lang magkita pa tayong muli..'

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now