CHAPTER 17

7 2 0
                                    

Mabilis naman kaming nakarating sa park, at tulad pa rin naman ng dati ay nakaalalay pa rin siya sakin pagbaba ko. Nakangiti siya ng malawak na animo'y maging yun ay kumikislap.

Ang gwapo gwapo niya talaga, sobra. Ang ilong niya ay napakatangos at ang mga mata niya ay para bang nangungusap, bagay na gustong gusto kong titigan na lang ng magdamag.

"Hoy tulala ka na naman dyan, nagagwapohan ka sakin noh'?" nakangising sabi niya pa matapos pumitik ng daliri sa harap ko, kaya napakurap kurap pa muna ako bago ko siya tignan.

"A-ano bang sinasabi mo dyan ha? nagbibiro ka ba saan banda yung gwapo ha!, Ha!?"

"Kung makatangi ka naman dyan akala mo hindi halata. Hahaha bakit ba kasi hindi mo na lang aminin?"

"Aminin ang ano na naman ba?" kinakabahan kong sabi pero nginitian niya na lang ako ng nakakaloko.

"Wala ang sabi ko tara na kako at baka gabihin na tayo masyado."

Madilim na at 8 p.m. na rin kaya wala na masyadong tao dito. Kung meron man ay magilan ngilan na lang at kung mamalasin ka pa ay puro mga magkasintahan pa ang nakatambay dito sa park kasama namin. Pero wala kaming pake, kaya nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hangang sa makarating  kami dun sa medyo malayo at tagong parte ng park kung saan dun din naman yung daan papunta sa tambayan namin.

Nung nasa may entrance na kami ng medyo mapuno ay huminto siya kaya napahinto din tuloy ako.

"Ayos lang naman siguro sayong lagyan kita ng piring hindi ba?" tanong niya habang ipinapakita pa sakin yung itim na panyong hawak niya.

"Ha, bakit may paganyan pa? Hindi ba pwedeng wag na lang magsuot ng ganyan?" nagtataka pang tanong ko.

"Dali na kasi, at saka isa pa surprise nga diba, kaya sige na suotin mo na 'to." hindi na naman ako nagpapilit at hinayaan na lang siyang gawin ang gusto niya.

Nilagay naman na nga niya yun sa mata ko, at muling nagsimulang maglakad. Medyo kinabahan ako kasi hindi ko alam kung Anong nangyayari at kung ano ang nasa paligid ko pero alam kong nagiging ayos lang ang lahat kasi kasama ko naman siya.

Medyo inabot ulit kami ng ilang minuto sa paglalakad, at nung mga ilang saglit pa'y muli na naman kaming huminto.

"Carl nandito na ba tayo?... Pwede ko naman na sigurong tangalin 'tong piring sa mata ko diba?" wala sa sariling naitanong ko sa kanya, pero hindi siya sumagot.

"Carl naman eh, wala namang ganyanan oh' natatakot na tuloy ko." pero sa isang pang pagkakataon ay hindi na naman siya sumagot kaya sinubukan kong kapain ang likod ko, nagbabakasakaling makakaya ko ang mga kamay niya pero mas nataranta ako ng hindi ko yun naramdaman.

"Carl please m--magsalita ka naman oh'. Tatangalin ko na talaga 'to." muli pang sabi ko at saka inabot ang pagkakatali ng panyo sa ulo ko at marahang tinangal yun. Sandali pa akong napapikit ng dahil sa liwanag na sumalubong sa paningin ko, kaya hinayaan ko munang makapag-adjust ang paningin ko bago ko muling buksan ang mga mata ko.

Napatakip pa ako sa bibig ko ng makita ko ang kabuohan ng lugar. Grabe ang ganda. Ang ganda ganda talaga. Yung punong madalas naming tambayan ay punong puno ng mga ilaw. Meron ding telang nakadabit sa isang sangga kaya talaga namang maganda.

Nangilid ang mga luha ko at parang hindi pa makapaniwala sa nakikita ko. Kaya inilibot ko pa ang paningin ko para subukang hanapin si Carl pero hindi ko talaga siya makita, kaya tumingin na lamang ako sa harapan ko para pagmasdan pa ng maigi ang nakikita ko.

Ilang sandali pa ay bigla na lamang akong nakarinig ng nag-strum ng gitara mula sa likod ko kaya unti unti kong inikot ang upuan ko at doon ko nga siya nakita. Dala ang gitara niya, habang nakangiti ng napakalawak sakin.

A burst of light can break the darkest veil of night
A drop of rain can bring revival to the grain...

Kumanta siya. Pagkatapos ng mahabang panahon ay muli kong narinig ang boses niya, kaya ang kaninang luhang pinipigilan ko ay tuluyan na ngang tumulo mula sa mga mata ko.

You and I, we are oceans
Ebbing, flowing
Ever growing
You and I, we are planets
Circling, wandering
Hoping we'll find our way back home...

Hindi ako makapaniwala na nangyayari na nga talaga 'to. Na nandito siya sa harap ko ngayon, malayo sa na sa batang lalaking nakilala ko nun dito rin mismo sa lugar na 'to. Kung paanong ang punong ito ang nakasaksi ng lahat ng masasaya, malulungkot at pagtatampo sa buhay naming dalawa.

A taste of spring can warm the flowers withering and cold
A song of love can move the hardest heart of rust and stone...

Napapahikbi pa ako habang nakatingin din sa mga mata niya kahit pa nanlalabo na nga ang paningin ko dahil sa mga luha mula rito.

You and I, we are oceans
Ebbing, flowing
Ever growing
You and I, we are planets
Circling, wandering
Hoping we'll find our way back home...

Alam ko at ramdam ko ang bahagyang pagbagal ng hininga ko, pero hindi ko yun ipinahalata sa kanya. Ayaw ko lang kasing masira ang mga ngiti niya. Ang mga ngiting hahanap hanapin ko hanggang sa muli naming pagkikita.

You are the light breaking
You are the rain healing
You are the spring warming
This frozen heart now beating...

Naglakad siya ng mabagal papunta sa direksyon ko, habang patuloy pa rin sa pagkanta. At ng tuluyan nga siyang makalapit ay lumuhod siya sa harap ko at nagpatuloy sa ginagawa niya. Bahagya rin niyang sinisilip ang mukha ko na hindi ko naman iniiwas dahil gusto ko rin siyang titigan.

You and I, we are gardens Overgrown but beautiful and
You and I are so human
Striving, fighting
Praying we'll find our way back home...

Titigan ang mga mukhang yun, na balak ko na ring kabisadohin dahil baka yun na ang huling beses na makikita ko pa siya, na baka yun na rin yung huling bases na maririnig ko pa ang boses niya.

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now