CHAPTER 22

4 2 0
                                    

CARL'S POV

"Carl..." mahinang tawag ng kung sino, pero mas pinili ko na lamang na ipikit ang mga mata ko.

"Hey, Carl naman buksan mo nga yang mga mata mo... Ano ba iiwanan na talaga kita, sige ka..." masungit na sabi pa nung boses pero hindi ko pa din siya pinapansin.

Yung boses na yun. Yung boses na kahit na nakapikit man ako ay kilalang kilala ko kung kanino galing. Yung boses ng taong gusto kong makita't makasama sa mga oras na 'to. Ngunit naririnig ko man siya ay ayaw ko pa ding maniwala na siya talaga yun. Ayaw kong dayain na naman ang sarili kong narieinig ko siya kahit guni guni ko lang naman pala.

"Carl,..isa, pag ako nakaabot ng tatlo at hindi ka pa din dumidilat dyan hindi mo na maririnig ang boses ko kahit kailan sige ka..." at ayun na naman nandito na naman yung takot na naramdaman ko nung mga oras na yun. Yung takot na baka totohanin niya nga ang sinasabi niya.

"Hindi ka totoo, guni guni lang kita, pero pwede bang wag mo kong iwan...k-kahit sa isipan ko man lang?.. Manatili ka lang sa isipan ko m-masaya na ko..." nakapikit pa ring sabi ko pero wala akong nakuhang sagot, kaya napangiti na lamang ako dahil hindi talaga siya totoo.

"Hahaha ano ka ba dumilat ka na nga para makita mo kung guni guni lang ba ko, o ano haha sige na naman please..."

"Mangako ka munang h-hindi mo ko iiwan. Mangako kang t-totoo ka, na hindi ako nagiilusyon lang." at heto na naman. Tawa lamang ang isinagot niya. Yung tawang nagpapahiwatig na magiging ayos lang ang lahat.

"Promise t-totoo 'to... Totoo ako h-hihi..." pagkasabi niya nun ay mabilis kong iminulat ang mga mata ko pero wala ako makita. Hindi ko makita ang kahit na anino niya man lang. Mabilis na nagunahan ang mga luha ko at hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at tuluyan na nga akong napaupo sa kinauupuan ko.

"Haha para ka namang tanga diyan eh, tumayo ka nga, madumi kaya diyan..." mabilis ko ulit na iniangat ang paningin ko at doon nakita ko ang kamay niyang nakalahad na sa harap ko. Dahan dahan ko yung tinangap at ng masiguro kong totoo nga siya ay mabilis ko siyang hinila at ginawaran ng isang mahigpit na yakap.

Niyakap naman din niya ako pabalik kaya hindi ko na naman napigilang mapaluha. Kung panaginip man 'to please wag niyo na akong gisingin pa. Ayaw ko ng magising pa para kahit dito man lang ay maramdaman kong kasama ko pa rin siya.

"Trin a-akala ko iiwan mo na rin ako. Akala ko m-mawawala ka na ng tuluyan sa buhay ko... Please Trin i-isama mo na lang ako p-please..." lumuluhang sabi ko pero hagod sa likod lang ang natangap ko.

"Pwede mo ba akong isayaw Carl... Sayaw naman tayo oh'..." napangiti ako sa sinabi niya pero hindi ko pa rin siya binitawan.

"N-Ngayon na ba?...k-kaso walang tugtug ayos lang ba yun sayo?"

"Hmm okay lang basta ikaw yung kasayaw ko hihihi..." sa ganun kang posisyon ay marahan akong gumalaw. Hinayaan niya akong pangunahan siya sa bawat galaw namin at walang pagaalinlangan naman siyang sumusunod.

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now