CHAPTER 11

5 2 0
                                    

Mabilis lang na lumipas ang araw at ngayon nga ay Wednesday na. Hindi ko na ikukwento yung nangyari kahapon dahil wala namang magandang pangyayaring naganap, in short panibagong boredom na naman ang nagtapos.

Ngayong araw na ang graduation day ni Tinay, at heto kami at nahihintay kung kaylan matatapos ang maraming paalala ni Doc kila mom and dad, si yaya Lina ay nagaayos ng gamit habang si Carl naman ay nasa baba at inaayos yung mga gamit sa van na dala daw nila.

This is it, makakahinga na naman ulit ako ng sariwang hangin. Makakakita na naman ako ng mga bagong mukha, hindi kagaya ng mga taong lagi kong nakakasalamuha.

"Basta pagkatapos ay babalik rin kayo kaagad dito Mr. and Mrs. Salazar, dahil sa condition ng pasyente, wag niyo rin sanang hayaan na napagod siya ng sobra." Doctor Daniel said, nung pumasok sila sa kwarto ko.

"Yes doc we'll keep that on mind." ani ng dad ko saka tumingin sa gawi ko at ginawaran ako ng matipid na ngiti.

"So wala naman na pala tayong problema, I'll just do quick check sa kanya then you're all off to go na, excuse me." humarap naman sakin si doc at saka binutingting ang kung ano anong apparatus na nakakabit sakin.

Ngumiti lang siya sakin bago ako kunan ng pulse rate then umalis din agad after niyang magpaalam kina mom.

"Are you ready princess?" tanong ni Mom sakin ng makalapit siya sa gawi ko, at saka ako inalalayang maupo sa kama ko.

"Y-yes mom, I'm ready..." alanganin na lamang akong ngumiti para itago ang aking iniindang sakit.

Tumango na lamang siya at saka ako tinulungang makaupo sa wheelchair ko. Marahan niya lang akong itinutulak hangang sa makaabot kami sa may pinto kung saan narun naman si dad na nakatayo habang bitbit ang isang bag na palagay ko'y mga pagkain lang ang laman.

Tumingin pa muna ako ng isang beses sa kabuohan ng kwarto ko bago kami umalis kasama ang parents ko. Ito na... alam kong ito na. Ito na yung huling araw na magtatagal pa ako sa loob ng silid na ito.

~~~~~~

Pumasok naman kami sa loob ng elevator at saka hinayaan yung bumaba hangang sa ground floor ng hospital, at pagkababa naman namin ay dun nakita ko si Carl na nakaupo habang hinihintay kami sa may lobby.

Lumapit siya sa direksyon namin ng tuluyan na niya kaming matanaw at sandali pa siyang may ibinulong kay dad, saka sila parehong nagngitian sa isa't isa.

"Tita pwede po bang ako na po ang magtulak ng wheelchair niya?" nahihiya pang sabi niya habang nakangiti pa rin sa harap naming tatlo.

"O sige iho, alalay lang ha baka kasi mabinat siya" si mom na tumingin pa muna sakin at ayun na naman yung nanunuksong mga tingin niya.

Tumango na lang si Carl at hindi na siya sinagot pa, saka naman siya pumunta sa likod ko at inayos yung itim na sumbrero ko.

"H-hi..." nauutal na sabi niya kaya tinawanan ko na lang siya, kaya ngumuso siya at pasimpleng nagkamot ng batok niya.

Naglakad naman ulit kami habang nasa unahan ang parents ko at nahuhuli naman kaming dalawa ni Carl. Halos nga sila mom at dad lang ang naguusap at kami namang dalawa ay nilamon na ng katahimikan pero sumasagot naman kami kapag tinatanong kaming dalawa.

Pagkarating sa parking lot ay dun naman ay sinalubong naman kami ni yaya Lina ng may ngiti sa labi niya. Hindi na nila ako masyado pang pinagalaw kahit wala naman na nga akong ginagawa kaya si dad na lang ang nagprisintang kunin na lang yung van at palapitin na lang samin.

Nang makuha niya yung van na dala niya ay agad naman niya kaming sinundo sa kinatatayuan namin at saka muling bumaba at inalalayan ulit ako sa pagpasok. Inilagay lang nila yung wheelchair ko sa likod at saka binuhat naman na ako ni Carl para makasakay ng maayos. Inalalayan pa ni dad ang ulo ko para hindi naman ako mauntog, habang si mom naman ay nakaalalay rin sa likod ko.

Palihim naman akong napapangiti dahil sa pagaalala nila. Pangit mang pakingan na pinagkakatuwaan ko pa sila, pero kasi masaya lang akong makita silang mukhang okay at masaya naman na.

Pumasok naman na sila sa loob ng maisakay na nila ako. Si dad ang nakaupo sa driver seat habang katabi naman niya si mom kami namang dalawa ni Carl ay nasa likod nila at si yaya Lina naman yung nakaupo sa huling seat sa likod namin habang katabi yung wheelchair ko.

Sandali pa nga lang ay nagdrive na si dad papaalis ng hospital at para makapunta kami sa school ni Tinay na pagdarausan ng graduation ceremony nila.

Masaya silang nagkukwentuhan habang ako ay taga-ngiti lang o taga-tango nila. Nakadungaw ako buong byahe sa labas ng bintana at hinahayaang libangin ang sarili sa panonood ng paligid.

Grabe ang saya saya nila. Parepareho silang may mga suot na maaliwalas na mga ngiti. At alam ko sa sarili kong handa na sila. Alam kong naihanda ko na sila...

Ito na... alam ko na.
Ito na marahil ang huling beses na makikita ko sila.
Ito na yung oras na masasabi kong kaya na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa...















Tumayo sa pansarili nila,
Ng hindi ako kasama...

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now