CHAPTER 12

5 2 0
                                    

Pagkarating na pagkarating pa lang namin sa school ay pahirapan na agad sa pagpark ng van na sinakyan namin kaya ang ending eh, umikot pa muna kami sa buong parking lot ng school para lang makahanap ng parking space, pano ba naman kasi ay talagang punuan ang lugar.

Muli naman nila akong inalalayan pababa ng sasakyan at saka muling isinakay sa wheelchair ko, habang tulak tulak na naman ni Carl.

"Nandito na ba sila Tinay Carl iho?" tanong agad ni mom ng makalapit kami sa entrance ng hall kung saan gaganapin ang nasabing pagtitipon.

"Ah yes Tita nasa loob na saw po sila kasama yung parents niya."

"Ganun ba, o sige halina't pumasok na tayo at ng makakuha ng magandang puwesto." masayang sabi ni mom at saka na kami nagtuloy sa paglalakad.

Malayo pa lang ay tanaw ko na agad ang napakaraming tao. Yung mga estudyanteng magtatapos ay nakasuot na ng kanikanilang naggagandahan at naggagaraang mga damit na pinatungan ng puting tuga. Lahat naman ng mga magulang nila ay halatang proud na proud sila dahil sa panibagong achievement ng mga anak nila. Mga nagniningningang ngiti ang makikita mo sa mukha ng lahat.

May mangilan-ngilan din akong estudyanteng namumukhaan ngunit mga nakalimutan ko naman na ang pangalan. Yung mga teachers naman na nasa gilid ng stage ay halata ding masasaya dahil sa wakas ay magtatapos na naman ang panibagong batch ng mga estudyante sa taong ito.

Nakakalungkot nga lang na sana isa din ako sa mga estudyanteng yan na magtatapos. Na sana naging proud din sakin sina mom at dad maging yung mahahalagang tao sa buhay ko, pero sa kasamaang palad ay ito ako... naghihirap at nakikipaglaban sa sakit sa murang edad pa lamang, pero okay lang, siguro ito talaga yung plano ni God para sakin so might as well na tanggapin na lang diba.

Nang tuluyan naman kaming makapasok ay nagtitinginan na agad sa direksyon namin yung ibang mga tao, at halos makikita mo sa mga mukha nila ang lungkot at pagka-awa para sakin, kaya napangiti na lang ako ng mapait at saka iniyuko na lang ang ulo para makaiwas sa mga tinginan nila.

"Tita Ny, Tito Tan over here po!!" sigaw ng pamilyar na boses kina mom kaya agad naman akong napaangat ng ulo at hinanap kung saang direksyon yun galing. Dun ko naman nakita si Tinay na kumakaway sa bandang kaliwang bahagi ng hall.

Lumapit naman kami sa kanya at napansin kong kasama niya rin yung parents niyang sina Tito DJ at Tita Blythe, na kapwa mga nakangiti din kaming sinalubong.

Nagyakap at nagbeso muna sila bago mapatingin sa gawi ko kaya ngumiti na lang ako kahit pilit para hindi sila magalala.

"Mabuti at nakasama ka Trin iha. Its been a while nung huli tayong magkita ah." sabi ni Tita Blythe.

"Oo nga po eh, at saka mabuti na lang rin po at napakiusapan nila mom yung doctor ko kaya nakalabas po ako."

"Hmm ganun ba o eh kamusta ka naman ba? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong niya kaya maski yung mga kasama ko ay napatingin na rin sa gawi ko.

"Ah o-opo medyo maayos na po ang p-pakiramdam ko h-hihi.." pagsisinungaling ko kahit taliwas naman ang nararamdaman ko.

"That's good, so halina kayo at maupo na tayo dahil mukhang maguumpisa na ang ceremony.." ngiting ngiting sabi niya na halatang proud para kay Tinay.

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now