CHAPTER 19

3 2 0
                                    

CARL'S POV

"Carl, m-mahal kita...mahal na mahal kita, at alam kong alam mo yan, pero i-isa lang ang hinihiling ko mula sayo, kaya sana ay pagbigyan mo ko." mahinang sabi niya pero yung puso ko ay parang binabayo dahil sa kabog nun.

"Mahal din kita Trin. Mahal na mahal kita ng higit pa sa sarili ko, kahit maging buhay ko ay handa kong ialay para lang madugtungan ang buhay mo.." paos na sabi ko habang pilit na hindi ipinapahalata ang kaba at ang impit na hikbi ko. Gusto kong maging masaya, dahil sa nalaman kong mahal din pala ako ng taong mahal ko, kaya lang narun yung kaba at takot sa sinasabi niyang isang hiling niya.

"Carl, g-gusto kong maging masaya ka, kaya kung m-mawawala man ako..wag mo sanang ikukulong ang sarili mo sakin. Gusto kong magmahal ka pa rin at hayaan mong papasokin sa buhay mo ang mga taong nasa paligid mo. Pilitin mong maging m-masaya kasi ito talaga ang pinili ko... Pinilit ko namang lumaban pero ito talaga yung nakatadhana sakin eh, kaya sana m-matangap mo yun..." tuluyan ng gumuho ang mundo ko, kasabay ng pagkadurog ng puso ko. Ito na, dumating na yung kinatatakutan ko. Hindi ko magagawang tangapin ang hiling niyang yun dahil kapalit nun ay ang buhay ko, kapalit nun ang kaligayahan ko, na siya lamang makalapagbigay.

"N-no Trin, wag mong sabihin yan. Lumaban ka naman oh'. Diba sabi mo mahal mo ko, k-kaya panindigan mo. Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay kung isang araw ay mawawala ka na, 'alam kong pagiging selfish na naman kung matatawag 'to, pero sama bang piliin yung bagay na ikakasaya ko, yung bagay na ikakasaya natin?.. Kaya please w-wag mo kong iwan,' wag mo kaming iwan.." ang kaninang pinipigilan ko ay tuluyan ng sumabog. Ang hikbi ko ay tuluyan ng kumawala mula sa mga labi ko, alam kong naririnig niya yun pero wala na akong pakealam. Wala na akong pakealam kong bakla na kung matatawag 'to, pero wala na akong magawa kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit na wari bang ayaw ko na siyang pakawalan pa.

"H-hindi ako aalis. Nandito lang ako lagi, b-balikan mo lang ako...balikan mo lang ang lugar na 'to at makikita mo ko. Dito... Dito mismo sa tabi ng puno 'to...'h-hihintayin kita, hangang sa m-muli tayong magkita.'" hindi ko na rinig ang huling linyang sinabi niya pero hindi ko na lamang yun pinagtuonan pa ng pansin, at sa halip ay niyakap ko siya na para bang natatakot na bigla na lang siyang kunin mula sakin at na baka hindi ko na siya muli pang mahawakan.

"Trin no p-please, wag mo naman ako iwan, kasi hindi lang ikaw ang mawawala kapag sumuko ka, kahit kasi yung puso ko ay i-isasama mo. Kaya huwag mong hayaang mabuhay ako habang yung puso ko ay hawak mo..."

Alam ko simula pa nung umpisa na maaaring sabihin niya 'to pero kahit ilang beses kong hinanda yung sarili ko sa mga maaarinh mangyari, hindi ko pa rin makuhang hindi umiyak, kasi ngayon nandito na mismong sa harap ko. Hawak ko man siya, ay parang unti unti na siyang kinukuha sakin, at ang masama ay wala man lang akong magawa.

"Trin...?" tawag ko pa sa kanya nung hindi na siya sumagot pa.

"Trin, magsalita ka naman oh' natatakot na ko sa pagiging tahimik mo. Please magsalita ka naman..." mahina kong tinapik ang balikat niya, pero nung maramdaman kong hindi siya gumgalaw ay dun na ako kinutubad. Bahagya ko pang kinalma yung sarili ko at saka pinakiramdman yung paghinga niya.

"Wag ka namang magbiro ng ganyan oh' n-natatakot na ko. Trin king ina Trin sagutin mo naman ako please..!!!" natataranta na ako nung maging ang paghinga niya ay hindi ko na rin maramdaman, kaya mabilis ko siyang hinawakan sa balikat at bahagyang inilayo sakin, pero narun pa rin ang pagiingat.

At hindi ko na napigilan ang sarili ko, kaya bigla na lamang akong napaupo sa lupang kinatatayuan namin kanina, habang hawak hawak pa rin siya. Wala na akong ibang maisip at para bang naging blangko na lang ang isip ko, maging ang puso ko ay parang huminto din sa pagtibok ng dahil sa nakikita ko.

Ang mga mata ko ay tuluyan ng nanlabo ng dahil sa mala-gripong pagtulo ng mga luha ko. Niyakap ko na lamang siya at saka humagulgul na ng iyak. 'Ang mahal ko... Ang babaeng mahal ko na kanina lamang ay kasayaw ko pa, ngayon ay ang walang buhay na katawan niya na lamang ang nasa kanlungan ko..'

Ganun ba talaga kalupit ang tadhana?,... mas pinipili nilang unahing bawiin ang mga taong mabubuti, at ang mga masasama ay mas kanila pang pinagpapala?

"Trin...p-please, please wake up... K-kailangan pa kita, kailangan ka pa namin... Trin naman hindi na magandang biro 'to, gumising ka naman na oh'..." mahinang naiusal ko na lamang at alam kong malabo ng marinig niya.

At sa huli,
Ako rin pala ang maghahatid sa kanya papunta sa huling hantungan niya...

Ang katawan niyang walang buhay ang tanging hawak ko...
Ang kanyang mga kamay na kanina lamang ay hawak ko pa...
Ngayon ay tuluyan ng bumitaw mula sa aking pagkakahawak...

"Trin... Trin, g-gumising ka pakiusap. Wag mo naman akong iwan... Trinn!!!" ang tanging naisigaw ko saka napagtantong pumunta na sa hospital.

Mabilis ko siyang binuhat at saka ako nagtatakbo papunta sa kotse ko, may mga ilang taong napapatingin sa akin pero hindi ko na sila pinagtuonan pa ng pansin, dahil ang mahalaga lang sakin ay ang maisalba pa ang babaeng mahal ko kahit na alam kong malabo ng mangyari pa yun. 'Kakapit ako... kakapit pa rin ako kahit bumitaw na yung taong mahal ko, mula sa pagkakapit ko...'


TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now