CHAPTER 6

5 2 0
                                    

Maingay na paligid. Nagtatakbuhang mga tao. Nagkakagulong mga nakasuot ng kulay puting damit.

Gusto ko silang patigilin dahil sa nahihilo na ako sa kanina pa nilang pabalik balik na paglalakad. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magalaw ang katawan ko. Gusto kong magsalita para tawagin ang pamilya ko, pero parang ayaw makisama ng wisyo ko.

"Princess p--please, lumaban ka ha. W--wag mo kaming iwan. Kailangan ka pa namin ng Mommy mo, pati na rin nina Tinay at Yaya Lina, si Carl naghihintay din sayo, kaya please m--magpagaling ka naman na oh…" sabi ng boses na galing sa gilid ko. Nararamdaman kong nakahawak lang siya sa kamay ko at marahang hinahaplos ang buhok ko, gustuhin ko mang hawakan pabalik ang kamay niya ay hindi ko magawa dahil sa parang namamanhid na ito at tila nawawalan na ako ng sapat na lakas.

Basa… Bakit may pumapatak na butil ng tubig sa kamay ko? Wag niyong sabihing umuulan dahil hindi naman ako nakakaramdam ng panlalamig. In short wala akong ibang maramdaman. Hindi ko alam kung dahil lang ba 'to sa pagod dahil sa pagpunta namin ni Carl sa park kanina o dahil sa side effect lang talaga 'to ng mga gamot na iniinom ko.

Pero hindi… bakit mukha yatang kinakabahan ako ngayon. Hindi ako nakamulat para masabing gising ako, pero yung diwa ko, naglalakbay at malayang nakararamdam sa paligid ko.

"Diba s--sabi mo samin na l--lalaban ka, na hindi ka magpapatalo dyan sa s--sakit mo, pwes sana p--patunayan mo." alam ko na kung sino ang nasa tabi ko. Ang Daddy ko, pero bakit siya umiiyak? Hindi naman siya ganito ka-emotional pagkaharap niya kami. Pagkasama niya kami nila Mom.

"Princess gising na naman please. Diba magpi-picnic pa tayo dun sa park, sa may puno, kaya gising ka na naman oh." natahimik siya sandali at saka niya binitawan ang kamay ko na kanina pa niyang hawak.

"Princess promise me… gigising ka ha. Hihintayin ka namin..." naramdaman ko na lang na gumalaw siya at bigla na lang nagbukas at muling sumara ang pinto, siguro'y umalis na siya.

Sinubukan ko namang muling gumalaw pero nahihirapan talaga ako. Hindi ko kaya, kahit anong pilit ko ay hindi talaga, hangang sa napagod na talaga ako ay mas pinili ko na lang ang sumuko.

***

CARL'S POV

Ilang araw na ba ang nakalipas? Isa… dalawa o baka naman tatlo, ay hindi mas mabuti atang itanong ko kung ilang linggo. Pero mukhang magiisang buwan na ata nung nangyari ang aksidenteng 'to.

Kasalanan ko kung bakit 'to nangyari, kung hindi sana ako nagpumilit na isama siya dun sa park, edi sana okay pa siya ngayon. Takot na takot ako nun. Hindi ko alam ang gagawin ko, pagkarating naman namin dun masaya pa kami, not until tumingala siya at pagkatapos nun akala ko nagbibiro lang siya.

Pumikit siya. Akala ko nagpapahinga lang pero di ko aakalaing aabot kami sa puntong ganito. Naghintay ako na idilat niya ang mga mata niya, kaya lang halos magkakalahating oras na ay hindi pa siya nagmumulat ng mata niya. Kaya dun na ko nagpanic. Kinakabahan kong inabot ang mga kamay niya at saka ko naramdaman ang sobra niyang panginginig, ang sobra niyang pagkaputla na hindi na normal.

Sinubukan kong gisingin siya pero hindi siya gumising. Sumigaw ako ng sumigaw nun kahit alam kong malabong may makarinig, pero mabuti na lang may mamang nagkataong napadpad sa gawi namin at saka niya kami tinulungan.

Nakita ko kung pano siya pumikit ng mga mata niya, na para bang wala siyang dinaramdam. Pumikit siya at nakita ko ang kapanatagan niya.

Natatakot ako nun na iwan siya, dahil akala ko gigising rin siya, pero nagkamali ako hanggang sa dumating ang mga magulang niya, maging si Tinay na hindi mapakali. Hindi ko magawang lapitan sila nun, kung hindi pa nga ata ako kinausap ni Tito marahil ngayon ay akala ko siguro'y nagalit sila.

Ngayon habang pinagmamasdan ko siya, habang mahimbing pa rin ang tulog niya ay parang pinipiga na ang puso ko. Pero sabi naman ng doctor ay hindi naman na daw 'to iba sa sitwasyon niya. Marahil ay dala na rin 'to ng karamdamang iniinda niya.

Para siyang manika na nakahiga sa puting kama. Maputlang maputla ang kanyang balat, at meron na ring itim na guhit sa ilalim ng kanyang mga mata. Ang labi niya na dati'y pulang-pula ngunit ngayon ay nagmistulang tuyo na rin.

"Kailan ka ba kasi gigising Trin?, sana naman wag ka munang sumuko. Kadarating ko pa nga lang at hindi pa ako tuluyang nakakabawi sayo pero mukhang mas pinipili mo na atang magpahinga" napapangiti ng mapait dahil sa kacornyhang pinagsasabi ko.

"Paggumising ka talaga promise kahit anong hilingin mo ay ibibigay ko, basta ba wag mo na ako…kaming papakabahin ng sobra." 'Promise mamahalin na kita ng sobra at ng wala ng pagpipigil pa…'

"Sa oras na gumising ka dyan at mas piliing manatili sa tabi naming nagmamahal sayo ay ipaglalaban na talaga kita hangang dulo" nahihibang kong sabi sa pagaakalang maririnig niya talaga ako, kahit alam kong malabo naman na atang mangyari yun dahil sa himbing ng tulog niya.

'At sa oras na ang ating landas ay magtagpo,
Na para bang ito'y muling pinagkasundo,
Nangangako ako,
Na hangang dulo'y mamahalin ka ng tudo.

Isang ngiti lang.
Isang tingin mo lang,
Handa na akong ipaglaban ka,
Sa buong mundo,

Handa na ako para salubungin ka ng mainit na mga yakap ko.
Ng mahigpit na mga yakap,
Na wari'y natatakot na bigla ka na namang maglaho sa harap ko…'

Muli akong bumalik sa wisyo ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa balikat ko.

"Kilala ko ang anak ko, lalaban siya para sa'tin. Lalaban siya kasi pinangako niya yun sa'tin, kaya sana wag ka namang sumuko" Tito Tan said na para bang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya.

"Hindi po ako susuko. Hindi ko po susukuan ang anak niyo Tito, kung siya nga ay patuloy sa paglaban, ako rin po patuloy ko rin po siyang ipaglalaban" pursigido at determinadong sabi ko ng may nagaalab na pananalig at panunumpa sa kanya.

TREE OF INFINITYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora