CHAPTER 13

8 2 0
                                    


Pagkatapos ng graduation ay nagpicture picture pa kami dun bago umalis para pumunta sa after party ni Tinay. Siguro ay sa bahay na nila kami didiretso, kaya sa parking lot pa lang ay kanya kanyang sakay na ang ginawa nila, habang ako naman ay sapilitan ng isinabay ni Tinay sa kotseng dala nila.

Tumangi pa nga ako, pero ng dahil sa sobrang kakulitan niya ay wala na rin akong nagawa kaya ang ending eh, katabi ko siya ngayon dito sa backseat, habang si Tito DJ naman ay nasa driver's seat at katabi si Tita Blythe.

Napahiwalay pa tuloy ako kila mom at dad, ito kasing makulit na kasama ko eh, alam na ngang wala naman akong laban sa kanya, pinilit pa kong makisakay sa kanila, though okay naman silang kasama, pero kasi may kasama din ako eh.

"Tapos bes alam mo bang sobrang kaba ko kanina kasi akala ko hindi ako matatawag, kasi hahaha baka kako lampasan yung pangalan ko haha!" tawa ng tawang sabi niya kaya kahit sila tito at tita ay nakitawa na rin sa kabaliwan niya.

"Kaya nga eh, halatang halata ka kanina kaya para kang tuod na naglalakad paakyat ng stage haha." pangaasar ko pa sa kanya kaya inirapan na naman niya ako.

"Tse tigilan mo ko dyan bes ha, kung hindi ay ihuhulog talaga kita pababa ng kotse sige ka!" banta naman niya na as if na ikakatakot ko.

"Nako kayo talagang mga bata kayo, mabuti pang tigilan niyo na yang pagaasaran niyo dyan at baka magkapikonan pa kayong pareho." singit na ni tito DJ samin.

Hindi naman na kami parehong sumagot, pero alam ko namang hindi siya galit sakin. Nagpapasuyo na naman 'tong best friend ko kasi alam niyo na baka meron 'to ngayon kaya ganito na lang kung maginarte haha.

Habang nasa byahe ay nakatingin lang kami pareho sa labas ng bintana ng kotse, pero sumusulyap pa rin ako sa kanya paminsan, yun nga lang ay hindi ko alam kung nahahalata niya ba.

At ng hindi na nga ako makatiis ay ako na yung unang nagpakumbaba, nakakahiya naman kasi sa drama ni Tinay tinalo pa yung mga artista sa t.v hihi.

Kinalabit ko naman siya sa braso niya, pero hindi niya pa rin ako pinansin, kaya niyakap ko na lang siya kahit na alam kong nagtatampo pa rin siya sakin.

"Sorry..." mahinang sabi ko sa kanya habang yakap pa rin siya, hindi naman niya inaalis yung mga kamay ko sa pagkakayakap sa tagiliran niya kaya sa tingin ko ay okay lang sa kanya.

"...."

"Please bati na tayo Tinay oh, may regalo pa naman sana ako sayo kaso mukhang galit ka sakin kaya hindi ko na lang siguro ibibigay noh'?" at oo may kasamang suhol at pangu-uto na yan para effective.

"Sino bang may sabing galit ako?, nagtatampo lang ako pero hindi ako galit noh' kaya asan na yung regalo ha? Ibigay mo na sakin." nakangusong sabi na niya habang nakatingin pa rin  sa labas ng bintana.

"Ay hindi galit ka eh, at saka hindi ka nga makatingin sakin, kaya alam kong galit ka pa rin." kunwaring nanlulumong sabi ko saka aalis na sana sa pagkakayakap sa kanya, ngunit hinabol niya ang kamay ko at saka naman humarap sa direksyon ko.

"Aba hindi kaya ako galit, hindi ko nga maalalang nagalit ako sayo kaya amin na yung regalo mo."

"Hmm wag na nagbago na isip ko, nagalit ka kasi kaagad kanina eh."

"Hindi na ako magagalit sayo pramis, kaya asan na yung regalo ko?"

"Pramis yan ah?" and the uto-uto award goes to "Tiffanya Rebecca Clemento", pero syempre joke lang.

Tumango tango naman siya sakin kaya napangiti na lang ako ng malaki.

"Mamaya ko na ibibigay yung regalo ko pagkarating natin sa inyo para surprise diba hihi?"

"Okay ba, pero siguradohin mo lang talagang meron kung hindi nako, patay ka talaga sakin, kakatayin ko talaga si Carl mo!"

"Oo nga kasi, kaso nasa van namin yung gift ko sayo kaya magantay ka hangang sa makarating tayo sa bahay niyo."

Hindi na naman ulit kami nagkibuang dalawa. Busy kasi siya sa cellphone niya, samantalang ako busy lang sa kanya haha...

Hindi din naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay nila. Naunang bumaba si tito at saka pumunta sa side ni tita at inalalayan 'tong makababa. Si Tinay naman ay hindi pa rin bumababa kasi alam niyang hindi ko din kayang magisa.

Nagulat na nga lang ako nung bumukas din bigla yung pinto sa side ko, kaya nung tignan ko kung sino yun ay makita ko si Carl na nakangiti na naman sakin.

Nung makita ni Tinay na bukas na yung sa side ko ay saka lang din siya bimaba ng sasakyan at pumunta din sa tapat ko para alalayan din ako. Nahilo pa nga ako nung makababa ako, kaya wala sa sariling napahawak ako sa balikan ni Carl.

"Okay ka lang ba Trin?" nagaalalang sabi niya.

"Ah o-oo, okay lang ako." alanganin kong sabi sa kanya.

Hindi na naman niya ako sinagot at saka muli na lang na inalalayang makaupo ng maayos.

God please, bigyan mo pa ko ng munting oras gusto ko lang makita kung masaya na ba sila. Kunti pa... Kunting oras na lang talaga.

Napapangiti na naman ako ng mapait dahil sa naiisip ko. Malapit na. Nararamdaman ko malapit na, hinihintay ko na lang na matanggap nila.



TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now