CHAPTER 10

6 2 0
                                    

Kinabukasan late na akong nagising, kaya imbis na breakfast ang maabutan ko ay tanghalian na ang nakain ko.

Its Monday so technically, isang araw na lang at graduate na si Tinay. Nakakaingit pero masaya akong makita siyang unti-unti ng inaachieve yung mga pangarap niya. Malungkot?... Oo, sobra.

Sabay sana kaming aakyat ng stage, at kukuha ng diploma, pero sa kasamaang palad ay nagpagiwanan na nila akong dalawa ni Carl, pero masaya naman ako para sa kanila eh, kaya kahit hindi man ako nakakuha ng diploma at least nakita ko naman silang naging masaya, matapos ng paghihirap nila.

Hindi ko pinagsisihang ginave up ko yung pag-aaral ko para lang magpagamot. Hindi ko pinagsisihang isinantabi ko muna yung mga pangarap ko para sundin yung kagustuhan ng mga tao sa paligid ko, at mas lalong hindi ko pinagsisihan na ganito ang inabot ko, kasi naniniwala ako sa kasabihang "everything happens for a reason...,"

Na once na may nangyaring hindi mo inaasahan, it's either may nakatagong agenda yun. Para magbigay aral o para magbigay ng alaala.

"Uy Best gising ka na pala, ano yang iniisip mo na naman at mukha kang may binabalak na masama ha?" nakakalokong sabi ni Tinay ng maabutan niya akong nakatulala na naman.

"Loko ka talaga, at anong masamang binabalak ang pinagsasasabi mo dyan ha? Wag mo akong igaya sayo bruha ka." biro ko sa kanya kaya umiling na lang siya saka lumapit sakin.

"Kamusta pakiramdam mo?, may masakit ba sayo? Sabihin mo sakin kapag may nararamdaman kang kakaiba ha." nagaalalang sabi niya kaya napatango na lang ako ng wala sa oras.

Iginala ko naman ang paningin ko sa kabuohan ng kwarto, at dun ko nga nakitang kaming dalawa lang ang nandito. Sila mom and dad ay sigurado akong nasa office na naman at nagpapakalasing sa mga trabaho nila, si yaya Lina sure akong umuwi lang yun sa bahay at may kinukuha ata, habang si Carl ay hindi ko sigurado kung asan na.

"Tinay bakit ka nga pala nandito, diba may practice kayo?" bigla naman siyang napatingin sakin, habang kunwaring pinanlilisikan ako ng mata.

"Grabe ka naman Trin, bakit hindi ba pwedeng pumunta ako dito, at parang gusto mo naman ata akong ipagtabuyan? Hindi naman halatang gusto mo lang na masolo si Carl no'?, Promise hindi talaga hmm?"

"Hahaha hindi naman sa ganun ano ka ba, ang sa akin lang naman ay baka hinahanap ka sa school dahil syempre one day before the ceremony na lang at graduate ka na diba..."

"Yun ba, hinayaan na nilang makapagpahinga naman daw kami para hindi naman kami masyadong haggard tignan sa graduation day, like as if namang papangit kami pag naging haggard  diba? Baka yung mga ka-schoolmate lang natin, but me pinanganak akong maganda, kaya mananatili akong maganda." maarteng sabi niya bahang kunwari pang nagmomodel sa harap ko. Yung totoo parang timang 'tong isang 'to.

"Oh edi dapat pala nagpahinga ka na lang, at hindi ka na nagpunta dito kung ganun." ngumiti ako sa kanya dahil baka kung ano na namang isipin nitong bruhang 'to.

"Ano ka ba ayos lang noh' at saka isa pa, ilang araw din akong hindi nakadalaw sayo, kaya ano bang dalawin ang kaibigan pagkatapos ng practice ko diba?" nginitian din niya ako.

"Ah teka gusto mong mansanas o baka orange, ipagbabalat kita?"

"Yung apple na lang siguro, salamat." Tumayo naman siya saka pumunta sa side table at kumuha ng dalawang mansanas.

Pinagmamasdan ko lang siya habang binabalatan niya yung kanya, habang yung akin ay hindi ko na pinabalatan. Ang swerte ng mga taong magiging kaibigan ng kaibigan ko, bukod sa magandang, matalino, mabait at kahit sabihin na nating medyo maarte ay kaya ka niyang protektahan. Kaya ka niyang samahan sa kalokohan, but mostly siya ang may pakana, tapos ikaw ang ididiin niya, o diba ang saya. May kaibigan ka na, may instant kapatid ka pa, with matching kaaway pa yan ha.

Alam niyo minsan iniisip ko na hindi ko sila deserved kasi aminado naman akong hindi ako sobrang bait na tao, pero ano kaya yung ginawa ko sa past life ko at ibinigay sila sakin? Ano kaya yung mabuting nagawa ko at biniyayaan ako ng mabubuting tao sa buhay ko?, pero hayaan na nga muna yan, ipagdadasal ko na lang sa sana sa susunod na buhay ko ay sila pa rin ang kasama ko, kahit sabihin na nating hindi na namin maaalala ang isa't isa pero ayos lang basta kasama ko pa rin sila. Sabihin na nating hindi ko sigurado kung may susunod pang buhay o reincarnation kung matatawag.

"Best yung mansanas kinakain yan ha, hindi tinititigan. Baka lang naman akala mo na kusang papasok yan sa bibig mo para nguyain mo, hindi yun ganun kaya magtigil ka ha." sarkastikong sabi niya habang nakalahad sa harap ko yung kamay niyang hawak yung mansanas.

Alanganin na lang akong ngumiti dahil alam kung pahiya na naman ako sa harap ng bruhang 'to.

Tahimik kaming kumakain, kaya pinagkwento ko na lang siya ng ginagawa nila sa practice para kahit papaano'y hindi naman ganung katahimik masyado.

"Tapos alam mo ba na si Ms. Michaela, ayun panay pa rin ang usisa kung kamusta na daw yung paboritong estudyante niya? Na kung ayos ka lang ba siya? Kaya every break ay ikaw ang sentro ng usapan dun lalo na yung mga teacher pa nating iba." nakangisi pa siya pero halatang nalungkot dahil sa sinabi niya.

"Si Miss talaga oo, hindi pa rin talaga siya nagbabago noh? matipid lang akong ngumiti sa kanya at saka siya pinanood na tumango ng paulit-ulit.

"At alam mo rin bang madalas ka saking kamustahin ni Aldren yung may gusto sayo haha?"

"Naku ha tigilan mo ko sa mga paganyan ganyan mo, alam mo namang wala akong gusto dun kahit na gwapo naman kung maituturing, at matalino."

"Asus ang sabihin mo si Carl pa rin talaga ang gusto mo kaya hindi ka pumapasok sa relasyon."

"Hindi naman sa ganun, pero kasi natatakot lang ako na baka hindi ko na kayanin at dagdag lang sila sa mga maiiwan ko, kaya mas mabuti ng kakaunti lang kayo, para alam kong kaunti lang din ang nasasaktan ko." mapait akong ngumiti at umiwas na lang ng tingin sa kanya.

Alam ko namang sinusubukan niya lang na pagaanin yung nararamdaman ko, pero kasi tanggap ko naman na eh, kaya ano pang dahilan ng pagtangi sa nararamdaman ko kung sa huli ay alam ko na ang kahihinatnan ko diba?

"Hey, ano ka ba pinapatawa lang naman kita eh, at saka isa pa wag ka ngang magsalita ng ganyan, alam kung gagaling ka pa, nandito lang kami at hindi ka namin iiwan kaya sana patatagin mo lang ang loob mo. Gagaling ka pa Best kaya maniwala ka lang." abot langit ang ngiti niya pero naroon pa rin makikita ang tinatago niyang lungkot.

Sana nga. Sana gumaling pa ko kahit alam kong malabo na yung magkatotoo.

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now